Gumising si Pepe ng may ngiti sa kanyang labi. Naalala pa niya ang halimuyak ni "Ate" at ang napakagandang lakad nito at parang natabunan na ng imahe ng misteryosong babae ang peligrong inabot niya kagabi. Muntik na siyang mamatay pero ang kanyang tagapagligtas and nasa kukote nya, ganun siguro talaga pag NO GF Since Birth ka. Lumabas siya ng kwarto na nagtatatalon at pumunta sa lamesa para magtimpla ng kape.
"Yan! Gising ka na!" bati ng kanyang Inay na may kakaibang indak din ang mga galaw. May sigla ito at parang kumakanta pa. Humigop si Pepe ng kape at pagkatapos ay pumunta sa sala. Tumambad sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak sa lamesa.
"Ang ganda naman nito!" sabi niya. Pinuntahan niya ang kanyang nanay sa kusina at binati dahil Mother's Day ng araw na iyon.
"Oh, na greet mo na ako kaninang madaling araw ah! Thank you anak! Ang ganda ng bulaklak na bigay mo," nagulat si Pepe sa sinabi ng nanay niya at naalala ang mga salitang ibinulong sa kanya ni "Ate" na pang Miss Universe ang lakad.
"Umuwi ka na. Bumili ka na rin ng bulaklak sa Dangwa at halikan mo ang mother mo sa cheeks."
Niyakap siya ng kanyang Inay at sininghot-singhot ang kanyang leeg, "Nay!" protesta ni Pepe kasabay ang malalakas nitong tawa. "Niluluto ko paborito mo! Tinola!" dagdag nito habang patuloy ang pagkiliti sa kanyang anak gamit ang kapangyarihan ng kanyang pagsinghot.
"Tama na," maingat na tinulak ni Pepe ang kanyang nanay at biglang tumakbo pabalik sa sala ng kanilang munting bahay. Inubos niya ang kanyang kape at hinintay maluto ang tinola. Pagkatapos kumain ay naghanda na siya upang pumasok sa University.
"Anak mag-ingat ka ha? I love you! Kiss mo ko!" pahabol ng nanay niya.
"Bye nay, malalate na po ako!" sagot ni Pepe.
"Anak! I love you!" dagdag pa nito na ikinatuwa naman ng mga tao sa labas ng kanilang bahay.
"I love you daw Pepe!" pang-aasar nila.
Yumuko na lamang si Pepe at dumiretso ng kanto. Malapit lang ang University na pinapasukan niya. Tatlumpung minuto na lakad lang kaya hindi na siya namamasahe. Mas gusto din kasi niya maglakad. Nakakapag-isip kasi siya at nakikita niya ang kangyang crush na si Sophia aka Pia. Malapit na siya sa school nang makita niya si Sophia. Palagi itong mag-isa na nakaupo sa isang coffee shop na laging nadadaanan ni Pepe at tulad nang dati ay nagbabasa ito ng libro.
Palapit pa lang si Pepe sa kanilang classroom ay naririnig na niya ang ingay ng kanyang mga kaklase. Panay ang kantyawan ng mga ito. Umupo na si Pepe sa kanyang upuan at inayos ang kanyang mga gamit habang nakikipagkwentuhan sa kanyang katabi. Pumasok na si Sophia sa kanilang classroom.
Nanahimik ang mga lalaki sa pag pasok niya. Pagpumasok na kasi si Sophia ay malapit na ring dumating ang kanilang Professor. Maari rin namang inaabangan nila ang pagpasok ni Sophia gaya ni Pepe.
Medyo suplada si Sophia at nakaka-intimidate. Malakas ang dating. Iyon paglalarawan ng mga kaklase ni Pepe sa kanya. Nakikihalubilo din naman si Sophia pero hindi siya sumasama sa mga get-together nang iba nilang mga kaklase. Si Pepe ay ganun din kaya madalas siya mangarap na bagay silang dalawa. Pero hindi siya suplado. Wala lang talaga siyang pera na panggastos kaya hindi siya sumasama.
Hindi lang ang ganda ni Sophia ang pumukaw kay Pepe. Punong puno rin kasi nang misteryo si Sophia at minsan lang ito ngumiti. Dumating na ang kanilang Professor at pinaliwanag muli ang kanilang retreat sa Iloilo. Namigay ito ng waiver sa buong klase at nagsimila nang magturo ng leksyon. Kulang pa ang pera ni Pepe kaya hindi siya excited.
"Mother's day kahapon. Sinabihan ko kayo na sorpresahin ang mga magulang nyo diba?" sabi ng kanilang Professor. Isa isang pinatayo ang mga estudyante at ikinuwento ang mga ginawa nila para sa kanilang nanay. Inisip ni Pepe ang mga nangyari kaninang umaga.
"Buti na lang at may nagawa ako!" sabi niya sa kanyang sarili. "Savior ko talaga sya!" dagdag pa ni Pepe.
Tumayo na si Pepe para sabihin na ibinili niya ng bulaklak ang kanyang ina subalit biglang hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Isang boses ang pumasok sa kanyang isip.
"Hindi mo pwedeng i-kwento kahit kanino ang mga nakita, nagawa at narinig mo kaugnay sa nangyari ngayon at sa akin. Mapapahiya ka kapag sinubukan mong ipagkalat ito."
Pamilyar ang boses na narinig niya sa kanyang isipan. Ang boses ng babae na nagligtas sa kanya. Natulala si Pepe at inalala ang mga nangyari kagabi. Nakatingin ang lahat sa kanya. Naghihintay ng kanyang sasabihin. Hindi niya alam ang gagawin at natataranta na siya. Kailangan niyang magsalita subalit parang may pumipigil sa kanya. Pinikit niya ang kanyang mga mata kagaya nang ginawa niya kagabi. Sinarado niya ang kanyang isipan at ibinuhos niya ang lahat ng kanyang enerhiya sa kanyang bibig.
"Baluuuuuuut!" sigaw ni Pepe.
Nagtawanan ang lahat at nagpalakpakan. Ang kanilang Professor naman ay sinubukan magpigil ng tawa subalit bigo siya. "Gustu ko din nyan!" sigaw ng isang lalaki. "Ang sweet naman!" sabi naman ng isa. Hiyang hiya si Pepe at biglang nakaramdam ng panghihina ng tuhod. Noon lang niya naranasan na mapahiya ng ganun. Napalingon si Pepe kung saan nakaupo si Sophia. Nakangiti ito at nagkatinginan silang dalawa nang ilang segundo. Lumabo ang paningin ni Pepe at tumulo ang malalalagkit na pawis mula sa kanyang ulo. Dahan dahan, humina ang mga boses na nakapaligid sa kanya at tuluyan ng namuti ang kanyang paningin.
Nagising siya sa boses ng kanyang ina at ng kanyang Professor. "Mahiyain kasi talaga itong aking anak pero napakabait nyan," wika ng kanyang nanay. Nagkunwari si Pepe na tulog habang kausap ng kanyang nanay ang kanyang Professor. Nang lumabas ito ay bumangon na siya.
"Ano nang nararamdaman mo anak?" tanong ng kanyang nanay.
"Okay na po ako. Ano po palang ginagawa niyo dito?" tanong ni Pepe.
"Eh diba may meeting kami para kay Junior. Tara na?" tanong ng nanay niya.
"Ay oo nga pala," sagot ni Pepe at pagkatapos ay tumayo na ito. Kinausap nila ang nurse at lumabas na ng Infirmary. Malapit sa gate ay nakita niya ang ilan sa mga kaklase niya na may mga ngisi sa mukha. Napailing na lamang siya, "Ingat Pepe!" bati nila sabay kaway. Walang nagawa si Pepe kung hindi ngumiti, "Gusto ko din ng Balut!" pahabol ng isa niyang kaklase. "Dalaw kayo sa bahay namin. Libre!" sagot ng nanay niya. "Promise po yan ah! Dadalaw kami!" sabi naman kanyang mga kaklase. Kinabahan si Pepe dahil akala niya ay pagagalitan ang mga ito ng kanyang nanay. Napangiti siya sa nangyari at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Palabas na sana sila ng gate nang umihip ang isang malakas na hangin. Mayroon siyang naamoy at kilala niya ito. Napatigil si Pepe at nanlaki ang kanyang mga mata. Lumingon siya sa pinagmulan ng hangin ngunit walang tao doon. Lumingon-lingon siya at nagpaikot-ikot para hanapin si "Ate" pero wala siya. Wala ang pigura niya at ang buhok nya. Sigurado si Pepe sa kanyang naamoy, "siya ito!" isip niya.
"Nagpapanggap kaya siya na estudyante dito sa school?" sabi ni Pepe, "Kung nagpapanggap siya, hahanapin ko siya!" dagdag niya.
"Hoy Pepe! Ano ba yang binubulong mo? Tara na," utos ng kanyang nanay. Sabay naman ang malakas na tawanan ng kanyang mga kaklase na sinusubaybayan pa rin ang kanyang mga kilos.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...