ANDY POV :
"AYOKO NA".
"AYOKO NA".
"AYOKO NA".
parang sirang cd nagpaulit ulit sa utak ko. Ano bang nangyare? Two words lang yun, pero yun ang nagpatigil sa akin.
Hindi ko alam kung sisigaw ba ako, magagalet, matatawa dahil baka joke lang. Pero seryoso sya ng sinabi nya yun.
Tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko, ang babaeng minahal ko ng sobra at ang babaeng nanakit sa akin gamit ang dalawang salita.
"Tama ba? Tama ba yung narinig ko?". Gusto ko marinig ulet saknya yun kahit masakit man pakinggan.
"Ayoko na". Npapikit na lang ako sa narinig ko.
"Bakit?". Gusto kong malaman kung bakit ayaw nya na.
Nakakagago lang e, sobrang ayos ng relasyon namin kahit lagi kaming nagaaway. Naaayos naman namin yun e. Ang tagal na namin, pero bakit bgla na lang syang umayaw.
Umiiyak na sya sa harapan ko, alam mo yung masakit. Yung gusto mo na syang sigawan pero hindi ko magawa. Dahil mas gusto ko syang yakapin at sbhin..
"Tama na, wag muna ako biruin". Pero hindi e, seryoso sya. Walang biruan na nangyayare.
Lumapit ako sknya at hinawakan ko ang dalawang kamay nya, nanginginig ang dalawang kamay ko. Parang nanghihina ako.
"Bakit? Bakit ayaw muna?". Damn! Ganito na ba ako katanga at nakuha ko pang magtanong ng gnon.
Nananahimik lang sya, hindi sya nagsasalita. Gusto ko na syang sigawan! Dahil gusto ko malaman kung bakit umaayaw sya.
"May iba kaba?". Hindi ko alam bat yan ang lumabas sa bibig ko.
Bgla syang napatingin sa akin. At bgla na lang lumakas ang iyak nya. Thats it, alam ko na ang sagot.
Yun lang naman nakikita kong dahilan kung bakit nakikipghiwalay sya, may iba na sya. Ya may iba na sya, may iba na syang mahal.
Lumayo ako sknya at natawa na lang ako. "Yun lang pala ang dahilan mo hindi mo pa masbi".
"No, wala akong iba". Ano? Napatingin ako sknya. Wala syang iba.
"E kung wala kang iba bakit nakikipghiwalay ka!". Damn it! Hindi ko na napigilan na hindi sya sigawan.
"Mahal kita andy".
"E yun naman pala e. Pero bakit....".
"Pero ayoko na".
"Ginagago mo ba ako?! Mahal mo ako pero ayaw mo na? Ano ba talaga!".
"Oo mahal kita. Pero ayoko na andy, lagi na lang tayong nagaaway. Nakakasawa na, puro away, bati, away, bati! Lagi na lang gnyan andy, nakakasawa na. Oo mahal kita pero hindi na healthy ang relasyon natin, nakakapagod din andy, nakakapagod din sa relasyon natin".
Napapagod sya? Nagsasawa sya? Sumusuko na sya sa relasyon namin.
"Ang babaw naman pala ng dahilan mo e. Ng dahil lang sa pagaaway natin lagi napagod, nagsawa at sumuko ka".
Nanahimik na lang sya ulit. "Sa totoo lang pwede natin ayusin yan, cool off lang ang kaylangan dahil sguro nga kaylangan natin muna magpahinga sa relasyon. Tama ka lagi na lang away ang nangyayare sa atin. Sge pagbibigyan kitang magpahinga, cool off lang ang mabibigay ko sayo".
"Andy hindi kaba nakikinig?! Ayoko na! Ayoko na sa relasyon na to".
"E bullshit naman e! Ang dali mo naman sumuko e, nasaan na yung snbi mong walang bibitiw?! Nasaan na yung pangako mong hindi mo ako iiwan? Nasaan yun?!".
