ninety

7.6K 110 3
                                        

MICHELLE POV :
naramdaman ko na may mabigat na bagay na nasa tyan ko. Hm ano ba yan! Ano ba yang bagay na yan.

Hm tsaka yung amoy, alam ko ang amoy na yun. Kahit nakapikit ako malalaman at malalaman ko kaninong amoy yun. Anong ginagawa ng pabango nya dito sa room ko? Hanggang dito naaamoy ko sya. Ugh! Namiss ko tuloy sya bigla.

Napaside ako ng higa. Hmmmm! Ang lambot ng unan na to. Ang sarap sarap niyayakap. Pero teka lang, bakit amoy unggoy ang unan na to. Eto ba ang naaamoy ko kanina pa? Infairness, kung sa umaga ganito agad ang maaamoy. Gaganda ang mood ko.

"Hmmmmm". Napakunot ang noo ko ng may marinig akong umungol.

Dahan dahan ko binuksan ang mata ko. At halos gusto ko ng tumakbo palabas dahil sa nakikita ko ngayon. What the hell! Anong ginagawa ng unggoy na to dito sa room ko. Kaya pala naaamoy ko ang pabango nya dahil sya mismo ang nandito sa room ko.

Tinignan ko naman ang pwesto namin. Aba! Nakapalupot ang isang kamay nya sa bewang ko. Imbis na mainis ako dahil nandito sya agad, bigla na lang akong napangiti. Umagang umaga, sya agad ang makikita ko. Nakakagoodvibes sya!

Pinagmasdan ko ngayon ang natutulog nyang mukha. Bakit gnon? Ang daming nababaliw sayo unggoy? Sabagay, isa na pala ako don. Meron ka kseng nakakaakit na mata, sa twing titingin ako dyan naaakit ako. Yung ilong mo, hindi ko alam kung anong klaseng ilong yan. Napakaganda at napakatangos. At sa huli, yung labi mo.

Noong una kong matikman ang labi mo hindi mo alam kung gaano ako nabaliw, hindi ko sila masisisi kung bakit nila kinakabaliwan ang paghalik mo. Dahil ng matikman ko din, isa na din ako nabaliw. Ugh! Bakit ba ang galing mong humalik unggoy?! Nakakainis! Dahil sa halik mo, hinahanap hanap ko tuloy.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko maexplain kung anong mararamdaman ko kagabi, parang napakamagical ng nangyari. Madalian lang sya, pero masasabi kong ang madalian na nangyari kagabi. Ay magbubunga ng matagal ng pagsasama namin. Sobrang sarap ng pakiramdam kagabi, dahil finally! Sa akin na sya.

Oo alam kong nabigla ako, pero damn! Hindi ko na napigilan na naman ang sarili ko. Ipamukha ba naman lagi sa akin ni ate na wala akong karapatan sa unggoy ko. Edi pinamukha ko din sknya na ngayon may karapatan na ako sa unggoy. Pagmamayari ko na sya, wala na pwedeng lumandi sknya.

Subukan lang nilang landian ang unggoy ko, makikita nilang maputol ang mga katawan nila. Pag dating sa unggoy na to, nagiging madamot ako. Ayokong napapalapit sya sa iba! At nilalandi sya ng iba. Kung hindi, sisiguraduhin ko talagang mapuputol ang mga parte ng katawan ng lalandi sknya.

"Baka gusto nyo ng tumayo dyan". Napabalikwas agad ako ng upo ng marinig ko ang boses na yun.

"Da...d". Nauutal kong tawag.

Lahat yata ng saya ng naramdaman ko bigla na lang nawala lahat. Napalitan ng takot ng makita ko ang daddy ko na nandito. Bigla din lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba, at parang lalabas na sya. Nagsisimula na din manginig ang mga kamay ko.

"Kailan pa michelle". Nakayuko ako, ayokong makita ang mata ni dad. Nakakatakot.

"Dad".

"You dissapointed me". Ramdam ko ang galit sa boses ni dad.

"Im sorry".

"But.. Im happy for you princess". Agad akong napatingin sknya at binigyan syang naguguluhan na tingin.

"Dad?".

"Alam mo bang habang nanliligaw sayo ang batang yan, nililigawan din ako". Gnon na lang ang pagkabigla ko sa sinabi nya. "Hindi nya ba sinabi sayo?".

"Hindi". Umiiling ako.

"Nang makita natin syang may kasamang babae sa resto. Kinabukasan non, kinausap nya ako. Inamin nya lahat, kung gaano ka nya kamahal. Alam mo bang nagalit ako sknya. Dahil ikaw na lang ang nagiisang anak ko na magkakaroon ng normal na buhay, sisirain nya pa. Pero meron syang naparealized sa akin anak". Nakatingin sya ngayon kay andy na hanggang ngayon tulog pa rin. "Papano ka nga ba sasaya kung hindi mo naman mahal ang isang tao. Nakita ko sa batang yan kung gaano ka nya kamahal, hinamon nya pa nga ako e".

Baby, I Love YouStories to obsess over. Discover now