sixty three

4.8K 81 3
                                    

MICHELLE POV :
ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nya pwede na syang lumabas sa katawan ko. My god!

Nakatingin pa rin ako sa jacket na binigay nya sa akin. Bakit parang hindi ako makakilos, bakit parang nawalan alo ng lakas para kumilos. Nanghina ako bigla, nawala bigla ang aking lakas.

Yung halik, yung halik nya. Aaaa! Bakit, bakit ako nagpahalik sknya! Bakit hindi ko sya tinulak, hampasin! Bakit pumayag ako, at ang malala pa doon, gumanti pa ako sa halik nya! Aaaaaa! Ano ba yan michelle!

Ramdam na ramdam ko pa rin yung mainit nyang labi sa labi ko. God! Parang na glue na yata yung labi nya sa labi ko, at hindi na maalis. Kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa labi ko.

Bakit gnon? Bakit parang may spark ang paghalik nya sa akin. Nakaramdam ako ng kung ano ano sa katawan ko ng halikan nya ako. Nandoon yung, ligtas ako, ang saya ko, kinikilig ako! Anong klaseng halik ang binigay nya sa akin at nakaramdam ako ng gnon.

Nahalikan ko na si prince, pero bakit hindi ko man naramdaman ang gnon feeling sknya. Parang wala lang, pero sknya. Kakaiba! Lahat yata naramdaman ko na sknya. Nakakainis! Sya na naman nakapagbigay ng ibang pakiramdam sa akin.

Mukhang hindi na naman ako makakatulog ng maayos. Yung pag yakap nya sa akin nung nakaraan, ilang araw kong hindi nakalimutan yun. Tapos etong paghalik nya pa sa akin, baka nga hindi na ako makatulog ng ilang araw na naman.

Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at sinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. Papano nga ba ako napunta dito? Papano nga ba ako nakulong dito sa library na kasama sya. Bakit sa dinami dami ng pwedeng makakasama ko sya pa.

"Talaga bang malakas ka sa tadhana andy". Bulong ko.

Naalala ko pumunta ako sa library dahil may tatapusin ako sa isang subject. Pero sa sobrang focus ko sa pagbabasa hindi ko na namalayan na nakatulog ako dito sa library.

Naalimpungatan lang ako ng maramdaman kong nagugutom ako. Nagulat ako ng makita kong magisa lang ako dito, nakapatay ang mga ilaw. Nakulong ako sa library. Biglang dumating sa katawan ko ang takot.

Ayoko sa lahat ang napupunta sa dilim. Dahil pag nasa dilim ako kung ako ano sa imahinasyon ko ang naiisip ko. Kasalanan kse ng dalawa kong bruhang kaibigan, kung ano anong horror pinapanood sa akin!

Nang nakulong ako agad akong dumaretso sa pinto. Pinaghahampas ko na ang pinto para marinig ko, pero nakalimutan ko. Hindi pala madalas dumaan ang mga guard dito sa building na to. Doon sila sa isang building madalas pumunta.

Nawalan na ako ng pagasa, kaya nanahimik na lang. Pero makalipas ang ilang oras nakaramdam ako sa paligid ko. Doon na talaga ako natakot at hindi ko na napigilan ang maiyak.

Ilang beses kong tinawag ang mga mommy at ate ko kahit alam kong hindi nila ako maririnig. Pero eto lang ang way para mawala ang takot sa pakiramdam. Pero nawala lahat ang takot non ng makita ko sya, sya na naman ang kasama ko.

Nang makita ko sya at marinig ko ang boses nya, hindi na ako nagdalawang isip na yakapin sya. At doon ko nakita at naramdaman na ligtas na ako. Ligtas na ako dahil nasa tabi ko na sya, ligtas ako sa yakap nya.

Pagkayakap ko sknya, umiyak ako. Umiiyak ako hindi dahil natatakot ako. Umiiyak ako kse nandito na naman sya sa tabi ko. Saya ang naramdaman ko dahil sya ang nakasama ko dito, sya na naman ang nagligtas sa akin sa takot.

Bakit gnon? Bakit sa yakap nya ako nakakaramdam ng ligtas ako. Bakit pag kay prince, wala akong maramdaman na ganito. Kay unggoy lang talaga ako nakakaramdam ng iba.

Lumayo sya sa akin para punasan ang mga luha ko. Sa simpling paghaplos nya lang sa mukha ko, may kung anong nangyayari sa tyan ko. Parang may nagkakagulo sa tyan ko, yun ang nararamdaman ko.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now