ANDY POV :
pag talaga nakakapasok ako dito sa crystal university, hindi ko maiwasan ang mamangha sa school na to.Ang alam ko pangalawa ang school na to sa pinaka malaking school e. Ang school kse namin ang nangunguna, at dahil nga nangunguna ang school namin at pangalawa lang sila. May namumuong rival sa dalawang school.
Bakit nga ba ako nandito? Actually hindi lang ako ang nandito e. Kasama ko ang tatlong babaeng kaibigan ko. Oh kaya pala kami nandito ay dahil susuportahin namin ngayon sina lazaro.
Ngayon magsisimula ang volleyball, laban nila lazaro ngayon. Sila ang unang maglalaban, kalaban nila ang crystal university. Kaya nandito kami ngayon, para manood ng laban nila at suportahin na din sila.
Kanina pa nga kami pinagtitignan ng mga students dito e. Dahil pag gala gala kaming apat. Hindi pa naman kse nagsisimula yung laban, kaya gumagala gala pa kami.
Gusto ko ngang libutin ang school na to. Kaya lang baka mapano pa ako. Hahaha baka habang naglilibot ako may manghila na lang sa akin, tapos bugbugin pa ako. Oops! Sumusumpung na naman ang imahinasyon ko.
Pero hindi naman malayong mangyari ang gnon. Lalo na isa akong students ng kalaban nila. Baka sa akin nila ibuhos ang galit nila. At mapahamak pa ang cute kong mukha. Hahahaha!
"Apple dba dito ka nagaral last year?". Nabaling naman ang tingin ko kay lianne na kinakausap ngayon si apple.
"Aa oo. Bakit mo natanong?".
"Wala lang. Napaisip kse ako bigla, ang ganda na ng school na to. Pero naisipan mo pang lumipat".
"Dba sinabi ko na sa inyo, kaya lumilipat lipat ako ng school dahil nga wala akong makitang dahilan para magstay pa ako sa isang school". Paliwanag naman ni apple.
"E ngayon, may nakita kana ba sa school namin para magstay ka?". Tanong ko sknya.
"Hm secret". Pacute nyang sabi.
"Baliw! Tara na nga pumunta na tayo sa gym". Pagyayaya ko sknila.
Hindi naman mahirap hanapin ang gym nila. Dito kse minsan ginaganap ang laban, kaya alam na namin kung saan ang gym. Maganda din ang gym nila e, malaki laki din. Pero sympre mas malaki ang sa amin.
Pagdating namin sa gym nila agad kaming pumunta sa pwesto namin. May upuan na din kami dito, doon kami sa likod ng mga player. Makikita namin sila ng tutukan. Pagkaupo ko sumalubong sa akin mukha ni lazaro.
"Saan ka pumunta?". Tanong nya.
"Nag gala gala lang dito". Nilabas ko sa plastic ang mga binili kong pagkain.
"Wow naman. Kung makapaglabas ka ng pagkain parang panonood ng cine ang gagawin mo". Pangaasar ni chelsy.
"Ano kaba chelsy, nakakagutom kaya ang panonood ng volleyball. Lalo na pag intense ang labanan". Humarap ako kay lazaro. "Gusto mo?". Inalok ko sya ng burger.
"Yaaa". Pinakagat ko naman sya ng burger.
"Konti lang kainin mo. Baka kse hindi ka na makakilos pag busog kana". Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ko ang side ng labi nya.
"Thank you".
"Welcome". Pinagbukas ko naman sya ng C2. "Here". Kinuha nya naman.
"Alam nyo, kung hindi ko lang kayo kilala. Pagiisipan ko kayong magjowa e". Napatigil naman ako sa sinabi ni apple.
"Tama ka apple. Yung nagsusubuan sila, may papunas punas pa sila. Parang magjowa lang". Dagdag pa ni vyc.
"Tigilan nyo kaming dalawa!". Inirapan lang sila ni lazaro.
