MICHELLE POV :
Kanina pa ako nagpipigil dito. Pero konti na lang, may bibinggo na sa akin."Mommy, yung pencil ko po naputol nyo po". Napatingin naman ako sa hawak kong pencil.
"Ay". Gnon na lang ang pagkabigla ko ng makita kong naputol nga. "Im sorry, gamitin mo na lang yung bagong pencil mo". Tumango naman sya.
"Relax sissy, masyado kang hot e".
"Alam kong hot ako ate". Inirapan nya lang ako. "Sino ba yang mga babae na yan! Kung makapaikot sila kay andy parang mga sawa! At eto naman si unggoy, tuwang tuwa sa mga sawang nakapaikot sa knya!". Gigil na pagkakasabi ko sknya.
"Hindi ko alam kung sino mga yan e. Tsaka magrelax ka lang dyan. Hindi naman aagawin si andy sayo".
"Ate kilala mo ako, ayokong nalalapit sa iba si andy! Ni kanino man na higad dyan, ayokong mapalapit sya!".
"Omygod. Sissy, nagiging possesive kana". Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya.
"Ate hindi ko alam bakit nagiging ganito ako. Yung tipong ayaw na ayaw ko talagang nalalapit si andy sa ibang tao. Lalo na sa mga babae, pag nalalapit sya. Kung ano ano na lang pumapasok sa imahinasyon ko. Ayoko yung gnon ate, kaya lagi kong pinapalayo si andy".
"E kaso hindi pa kayo". Napatingin naman ako sknya. "Wala ka pang karapatan na pagbawalan sya. Oo sumusunod sya sa sinasabi mong lumayo sya sa iba, pero ang unfair non sknya. Nanliligaw pa lang sya sayo, pinaghihigpitan mo na sya agad. Pinapakita mo lang sknya na wala kang tiwala sknya".
"Meron naman akong tiwala sknya ate. Sadyang natatakot lang ako. kilala mo naman si andy dba, sinabi mo sa akin non. Kung sino sino mga babaeng nilalaro nya. Baka bumalik sya doon pag hinayaan ko sya. Ayoko ate, kung kaylan hulog na hulog na ako sknya. Doon pa sya maghahanap".
"Sissy, malawak na talaga imahinasyon mo. Papanong maghahanap ng iba yan, e halos ayaw na ngang umalis sa tabi mo yan e. Kulang na nga lang pumasok sa na yan sa loob ng damit mo para hindi kana malayo sknya".
Bakit gnon, nung sinabi ni ate na pumasok sa damit ko si andy. Parang iba ang pagkakaintindi ko. Gosh! Dahil sa pumasok sa utak ko naramdaman ko na lang na tumaas lahat ng dugo ko sa mukha. Omygod! Nagiging pervert na ako. Napatakip agad ako sa mukha ko.
"Mich alam ko yang iniisip mo. Hindi gnon ang sinasabi ko sayo. Tanggalin mo ang pagiging green mo sa utak mo".
"Che! Wala akong iniisip na gnon". Umiwas ako ng tingin.
Oo nga pala, nasa isang park kami ngayon. Well, nagbonding kaming lima. Ngayon lang kse namin nakita ang mga anderson's, dahil nga tinapos namin ang christmas. Nagyaya silang magpark, namimiss na daw nila kami. Kaya ayan, nakipagkita sila sa park.
"Mommy, may green po ba ang utak nyo".
"Huh?".
"Sabi po kse ni titamommy may green po ang utak nyo e". Narinig ko naman na tumawa si ate sa sinabi ni mindy.
"Dont mind her sweety. Wala lang talagang magandang lumalabas sa bibig ng titamommy mo". Naramdaman ko naman yung kurot ni ate sa tagiliran ko. "Awww".
"Wag mo nga akong sirain sa pamangkin ko. Batukan kita dyan e".
"Sadista ka talaga".
Bumalik ako ulit sa tanawin na tinitignan ko. Kung saan makikita mo ang magkapatid na nagbabasketball, habang may kalaban silang tatlong babae. Actually, hindi naman nila nakakalaban e. Dahil halata naman na yumayakap lang ang mga higad na yun sa magkapatid.
Ewan ko sa ba sa ate ko, kalmado lang syang nakatingin sa partner nya. E nakikita nya naman na may higad na kumakapit sa girlfriend nya. Hinahayaan nya lang, e ako nga. Eyo pinapatay ko sa tingin yung higad na yumayakap sa unggoy ko.