fifty seven

4.9K 91 0
                                    

MICHELLE POV :
dba eto naman ang gusto ko ang lumayo sya? Yung hindi nya na ako kukulitin. Hindi nya na ako aasarin, eto ang gusto ko.

Simula nung nagkasagutan kaming dalawa ni un.. Ay este ni anderson, hindi na talaga nya ako pinansin. Ni matignan nga hindi nya mabigay sa akin, pero yun naman ang gusto kong mangyari e. Ang lumayo na talaga sya sa akin.

Ang akala ko nagbibiro lang sya sa mga sinabi nya, dahil nasanay ako sa palabiro nyang ugali. Pero tinotoo nya nga, may isang salita naman pala si anderson. Pero kahit gnon, umaasa akong hindi nya tutuparin ang sinasabi nya lahat sa akin.

Tanga ba ako? Ginusto ko syang lumayo sa akin. Pero eto ako umaasang hindi sya lalayo. Nakakainis! Umaasa ako sknya kahit hindi na dapat. Dapat matuwa ako e, pero hindi ganito ang nararamdaman ko.

Nung magkasama kami sa singapore, magkasama kami sa isang kwarto. Oo, magkasama ang mga women's basketball at volleyball team. Iniisip ko nga kung anong mangyayari sa amin dahil magkasama kami take note, magkatabi pa kaming matulog.

Ang akala ko mahihirapan ako, yun pala hindi naman. Dahil kusa syang lumalayo sa akin, sya ang kusang lumalayo para wag lang madikit sa akin. Masakit para sa akin yun, pero eto naman ang ginusto ko dba.

Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ng binabalewala, masakit pala. Yung tipong parang may sakit ka, na ayaw nyang dumikit sayo dahil mahahawa sya sayo. Gnyan ang naramdaman ko dahil sa paglayo nya sa akin.

Dapat nga nageenjoy ako sa pagpunta namin sa singapore e, pero hindi ko naenjoy. Dahil sa sitwasyon, pero sya. Nakuha nyang magenjoy, nakakatuwa nga e. Palihim ko syang tinitignan. Palihim ko syang sinusubaybayan.

Wala man akong nakitang lungkot sa mukha nya. Masaya pa sya, pero hindi gnon ang naramdaman ko. Dapat masaya na ako, dahil tumupad sya sa sinabi nya. Pero nakakainis! Parang gusto kong bawiin nya na lang yung sinabi nya sa akin.

Akala ko nga nung lumalaban kami matatalo na kami dahil sa akin e. Dahil nga wala ako sa sarili, papano sinakop lahat ni anderson ang pagiisip ko. Sya lang iniisip ko, mabuti na lang talaga hindi kami natalo.

"Hon nagsspace out ka na naman". Napatingin naman ako sa katabi ko.

Prince? Ang unfair ko naba sayo. Dapat masaya yung pakiramdam ko dahil may boyfriend na ako. May taong nagmamahal at nagaalaga sa akin. May nagbibigay ng lambing sa akin, dapat masaya ako ngayon.

Naalala ko nung nagpropose sya sa akin, tinanong nya ako kung pwede ko na syang sagutin. Nakakahiya nga ginawa nya e, nagtanong sya sa harap ng maraming tao. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko non, nahihiya ako.

Nagdadalawang isip pa ako kung sagutin sya. Sa totoo lang wala pa akong balak na sagutin sya, kse ang gusto ko pag sinagot sya yung may nararamdaman na ako sknya. Yung sya na yung mahal ko. Para hindi ako magsisi pag sinagot ko na sya. Walang pagsisisi ang mararamdaman ko non.

Pero wala na akong magawa kung hindi sagutin sya. Dahil nandoon ako sa sitwasyon na pag hindi ko sya sinagot mapapahiya sya, ayoko naman mapahiya sya. Kaya sinagot ko na lang sya.

Tsaka ginawa ko na din yun dahil alam kong nandoon sya nanonood. Pero pinagsisihan ko ang pagsagot kay prince habang nanonood si anderson, dahil kahit seryoso syang nanonood. Alam kong nasaktan ko na naman sya.

"Hon". Napaayos naman ako ng upo dahil sa boses na yun.

"Im sorry. May iniisip lang ako".

"Haaay". Inakbayan nya ako. "Katabi mo na nga ako, iniisip mo pa rin ako".

"Wag ka nga. Hindi ikaw ang iniisip ko". Napasimangot naman sya.

"Boom basag!".

"Mga gago!".

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now