ANDY POV :
Ang bilis ng araw, magpapasko na nga. Parang kaylan lang, nagsisimula pa ang klase. Ngayon naman christmas vacation na nga.Nakatingin ako ngayon sa mga students na nagsasaya, ngayon araw kse ang christmas party namin. Kaya eto, ang mga students, nagsasaya sila ngayon. Puro ngiti nga ang nakikita ko sa mga mukha nila. Pati ng mga kaibigan ko.
Kasama ko ngayon sina ange and lianne. Infairness sa dalawang to, dalaga na sila. Pareho silang may date ngayon. Si ange kadate nya ngayon ang isa sa ka-club nya. Samantalang si lianne, isa sa mga student council.
Wala pa dito si apple, hindi ko nga alam kung nasaan ang babaeng yun. Hanggang ngayon wala pa rin sya, nagsisimula na ang party, hanggang ngayon wala pa rin sya. Haaay! Panigurado na naman na hindi pa sya tapos kumilos. Mabagal kse kumilos ang babaeng yun.
About naman sa panliligaw ko sknya, hindi naman totoo yun. Ewan ko ba sa mga kaibigan ni lazaro, sabihin ko lang daw pag nagtanong si lazaro kung nanliligaw daw ako kay apple, omo-o lang daw ako. At sabihin ko na dalawang linggo na akong nanliligaw kay apple
Hindi ko alam kung anong kalokohan ang binabalak ng mga yun e. Pero eto naman ako, naniniwala at nagpapauto sa mga yun. At hindi ko din alam kung papano nila napapayag si apple. Papano ba naman nageenjoy sya ngayon.
Papanong hindi sya nageenjoy, lahat ng sasabihin nya susundin ko. Oh sympre sa harap ni lazaro nanliligaw ako kay apple. Kaya wala akong choice kung hindi sumunod sa babaeng yun. Kahit na konti na lang malapit ko na syang masapak sa ginagawa nya.
About naman kay lazaro, wala naman nagbago. Close pa din kami. Pero naglalagay na sya ng konting harang sa pagitan namin dalawa. Alam ko naman na hindi na kami katulad na dati, dahil alam nya nga nanliligaw ako kay apple.
Madalas ko din syang nakikitang tumitingin sa aming dalawa ni apple. Ang tingin nya na may kasamang lungkot at selos. Ayokong nakakaramdam sya ng gnon, kung pwede lang sabihin sknya ang totoo, para hindi na sya makaramdam ng gnon.
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng ginagawa namin ngayon. Ang sabi lang ng mga kaibigan ni lazaro, ipagpatuloy ko lang daw. Naniniwala daw silang magbubunga daw ng kasiyahan ang ginagawa namin. Hindi ko naman alam kung anong tinutukoy nila.
Napatingin ako ngayon sa pwesto nya, nandoon sya kasama ang mga kaibigan nya. Nagsasayawan sila sa gitna. Nakikita ko na naman ang mga ngiti nya. Nakakaramdam na naman ako ng hypnotized sa mga ngiti. God! Ganito ba talaga kalakas ang tama ko sa babaeng to.
Ang ganda nya ngayon, lalo na sa suot ng white dress. Gusto ko ngang lagyan ng pakpak ang likod nya, dahil pakpak na lang ang kulang at nagmumukha na syang anghel para sa akin. Pero sabagay, kahit naman walang pakpak, mukha pa rin syang anghel para sa akin.
Kahit ano talagang suotin ng babaeng to, nagmumukha syang dyosa sa akin. Pasuotin ko kaya to ng punit na damit. Magmumukha pa rin ba kaya syang dyosa. Haaay! Sgurado naman na magmumukha pa rin syang dyosa. Sya ng maganda!
"Uy honey". Nabaling naman ang tingin ko sa kumalabit sa akin.
"Finally! You're here". Nakangiti kong sabi.
Hindi ko maiwasan hindi sya mapagmasdan. Nakasuot sya ng black na dress, kitang kita ang pagkaputi nya. Damn! Ang ganda ngayon ng babaeng to. Sabagay, maganda naman talaga to. Kaya marami din nababaliw sknya.
"Im sorry. Alam mo naman". Tumango na lang ako sknya. "Tara sumama kana muna sa akin". Hinila nya na ako.
"Huh? Saan tayo pupunta? Kain na muna tayo. Nagugutom na ako, kanina pa ako naghihintay sayo e".
"Mamaya na. Sumunod kana muna sa akin".
"Oo na lang!".
Tahimik lang ako ng nagpapahila sknya. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko sa garden sya papunta. Magrereact na sana ako, pero hinayaan ko na lang sya sa gusto nya. Nagpahila na lang ako sknya, tsaka wala ako sa mood makipagsagutan sknya. Lalo na gutom ako.
