MICHELLE POV :
apat na araw ng nakakalipas, hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa amin ng gabing yun.
Dahil sa nangyari na yun, tuluyan na akong binigyan ng body guard ni daddy. Pati na sina ate and mommy. Hindi pa namin alam kung sino ang mga nagtangkang kunin ako. Pero malakas ang kutob ni daddy na isa sa mga nakalaban nya sa pagiging senator.
Hindi pa din ako pumapasok, gusto nila daddy na gumaling ako ng tuluyan bago ako bumalik sa school. Walang nakakaalam sa nangyari, nagawan agad ni daddy ng paraan bago malaman ng iba.
Ang nangyari sa akin nagdala ng trauma, gabi gabi kong napapaginipan ang putukan at banggaan. Nagigising na lang ang mga tao sa bahay dahil sa mga sigaw ko.
Dahil doon kaya hindi muna ako pinapapasok ni daddy. Ang sabi ng doctor, makakalimutan ko din yun. Bstat kaylangan ko lang magisip ng masasayang memory at ipahinga ang utak ko sa mga iniisip ko na bagay bagay.
Napatingin ako sa niyayakap ko ngayon. Hinigpitan ko ang pagkakayakap, eto ang nakakatulong sa akin pag naiisip ko ang bagay na yun. Pag nayakap ko na to, narerelax ang katawan ko pati pag iisip ko. Etong monkey ang tumutulong sa akin.
"Unggoy".
Bglang lumabas ang mga luha ko sa mata ko. Ang sama sama ko! Ang sama kong tao. Nakakainis! Sobrang nakakainis ang katulad ko. Naiinis ako sa sarili ko! Sobrang inis!
Bakit gnon? Ilang beses nya na akong niligtas sa kapahamakan. Laging nalalagay ang sarili nya sa kapahamakan dahil sa akin. Bakit gnon! At bakit gnon sya!
Bakit nya nilalagay ang sarili nya sa kapahamakan para lang sa akin! Para lang sa katulad kong walang ginawa kung hindi ipagtabuyan at ipahiya sya! Bakit sya gnon sa akin! Gnon naba talaga sya kadesperadang maging kaibigan ako!
"Nakakainis ka!". Pinaghahampas ko ang money na binigay nya. "Nakakainis ka unggoy! Sobrang nakakainis! Pero mas naiinis ako sa sarili ko! Napakasama kong tao! Nakakainis!". Lalong lumakas ang iyak ko. Bgla kong niyakap ang monkey na to. "Im sorry. Im sorry unggoy".
"Mich". Naramdaman kong may yumakap sa akin.
"Ate". Umiiyak ako ngayon sa harapan ni ate.
"What happend sissy?". Nagaalalang tanong nya.
"Ate ang sama ko. Ang sama kong tao ate. Sobra".
"No you're not. Hindi ka masama michelle".
"Ate bakit gnon? Ilang beses ko na syang ipinahiya, pinagtabuyan. Pero gusto nya pa din maging magkaibigan kami. Lagi nyang nilalagay sa kapahamakan ang sarili nya para maligtas ako ate. Bakit gnon syang tao ate? Nakakainis sya! Alam mo ba yun ate? Nakakainis sya!".
"Husssh. Husssh".
"Pero mas naiinis ako sa sarili ko ate. Gusto ko syang tanggapin bilang kaibigan. Pero may pumipigil sa akin ate. Gusto ko syang tanggapin ate".
"Then tanggapin mo sya". Napahiwalay naman ako sa pagkakayakap sknya.
"I cant ate". Umiiling na pagkakasabi ko.
"Why?".
"Dahil ang katulad nya ang nanakit sayo ate. Sila ng mga kagaya nya ang nagbigay ng maraming sakit sayo ate. Kaya gnon na lang ang ayaw ko sknya ate".
"Oh". Napatakip sa bibig si ate.
"Kaya kahit gusto ko syang tanggapin ate, hindi ko kaya. Dahil sa twing napapalapit ako sknya. Naaalala ko ang mga iyak na naririnig ko sayo. Ang sakit na naramdaman mo dahil sa katulad nila!".
"Michelle". Niyakap ako ni ate. "Mich please, kalimutan mo na yun. Okay na si ate. Kalimutan mo na yun".
"I cant ate. Lalo na alam kong hindi kapa rin tapos sa taong nanakit sayo".
