ANDY POV :
alam ko hindi madali ang desisyon ko, pero nandito na to. Paninindigan ko ang mga binitawan kong salita.Aakuin ang pagaalaga sa batang to. Aalagain, mamahalin at ituturing na sariling anak. Sa totoo lang sa twing makakakita ako ng magulang na may mga anak, lagi kong tintanong anong feeling ng may anak? Anong feeling na may tumatawag na nanay sayo?
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako madaling magkakaanak dahil sa status. Hahaha oo bi ako, pwede sa lalaki pwede sa babae. Pero kahit pareho, mas lumalamang ang pagkakagusto ko sa mga babae e.
Magkakagusto nga ako sa lalaki, pero hanggang crush lang. Yung tipong nagagwapuhan lang ako sknila. Oh kung ganon lang ang mangyayari, papano ako magkakaanak dba? Kung hindi ako magkakaboyfriend ng lalaki, papano ako magkakaanak.
Pero eto, dumating na ang blessing sa buhay ko. Hindi ko na kaylangan ng lalaki para magkaanak. Kusa akong binigyan ng dyos para magkaroon ng sariling anak. Binigay sa sya sa akin, at buong puso ko syang tatanggapin.
Tsaka kung ibabalik ko sya sa lansangan, baka mapahamak pa sya. Ayokong makakita ng mga batang napapahamak, ang dapat sknila inaalagaan at minamahal. Yun lang dapat! Hindi yung sasaktan.
Nang makita ko kung papano sya saktan nung lalaking yun. Damn! Gusto kong patayin ang lalaking yun. Demonyo sya! Napakasama nya. Pero dahil hindi ako katulad nya, hahayaan ko na lang sya. Pero sana tumigil na sya sa ginagawa nya.
Sobrang naaawa ako sa batang to. Nakaranas sya ng karahasan, then wala pa syang magulang. Hindi ko alam kung papano nya nabuhay ang sarili, nakaya nyang mamuhay sa lansangan.
Kung ibabalik ko sya sa dati, baka sa susunod na mapahamak sya hindi na sya makakaligtas. Hindi ko na sya maliligtas pag nangyari ang pagkakataon na yun. Ayoko mangyari sknya ulit ang ganon. Or kahit sinong bata.
Two days ko pa lang syang nakakasama, pero may kung anong saya ang nabibigay nya sa akin. Ngayon masasabi ko ng masarap magkaroon ng sariling anak. Sobrang sarap!
Lalo na kung ang anak mo napakalambing. Ya, sobrang lambing ng batang to. At the same time, matalino din sya. Hindi ko nga alam kung tatlong taon nga ba tong batang to e.
Wala pang nakakaalam sa desisyon ko, tanging sina lazaro lang ang nakaalam. Hindi ko pa nasasabi kali ate or kahit kali mommy. Tsaka ko na sasabihin sknila, pag umuwe na lang ang parents ko. Para masabi ko sknila ng sabay.
"Mm (Em-em) nasaan po tayo?".
Sa twing maririnig ko ang tinatawag nya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang sarap sa pakiramdam. Hm MM, short for MaMa. Hahaha! Gusto ko unique ang itawag sa akin.
"Nandito tayo ngayon sa school kung saan nagaaral ang Mm mo".
"Talaga po? Magaaral din po ako?".
"Hahaha. Hindi kapa pwde. Sinama lang kita dito dahil wala naman magaalaga sayo doon sa bahay natin".
Dahil hindi ako pwedeng umuwe sa bahay na may dalang bata, kaya doon kami sa condo muna nakatira. Haaay! Kaylangan ko ng kumuha ng magaalaga sa batang to para naman pag papasok ako sa school may maiiwan sknya.
"Lets go".
Naglalakad na kami ngayon papunta sa room ko. Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga students. Papano ba naman ang cute namin tignan, pareho ang outfit namin. Para kaming kambal. Hahahaha!
Pagdating sa tapat ng room namin agad kong binuksan ang pinto. Ooops! Mukhang nagsstart na ang klase. Nakatingin silang lahat sa akin, ay hindi pala sa akin. Sa anak ko sila nakatingin.
"Anderson you're late".
"Im sorry mam. Hindi na po mauulit".
"Hindi na talaga mauulit". Napatingin naman sya sa anak ko. "Sino sya?".
![](https://img.wattpad.com/cover/87100008-288-k227313.jpg)