sixty six

4.8K 79 1
                                    

ANDY POV :
nagising ako dahil sa katok sa pinto. Haaaay! Tinatamad akong bumangon sa kama.

"Tok!tok!tok!".

"Haaaash!". Tumayo na ako at nagtungo sa pinto. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang poker face ng ate ko.

"Labas!".

"Ate naman!". Naglakad ako papunta sa kama ko at umupo doon. "Ano na naman ba. Nakikita mo naman nagpapahinga pa ako".

"Ang haba na ng pahinga mo kiddo. Kaya lumabas kana ng room mo at tulungan ako sa pagluluto". Napatingin naman ako sa knya.

"Nagluluto ka?".

"Ye".

"Anong meron at nagluluto ka?".

"Well trip lang". Ngitian nya ako.

"Ewan ko sayo. Kung nagluluto ka, wala akong matutulong sayo. Kilala mo ako ate, hindi ako nabigyan ng galing sa pagluluto".

Alam mo yung gusto ko pag nakapagtapos ako magtatayo ako ng business na resto. Pero papano ko gagawin yun kung hindi naman ako marunong magluto. Puro prito lang ang alam kong lutuin.

Mabuti pa ang ate ko marunong, ang sasarap pa ng mga niluluto nya. Kaya lang madalas lang syang magluto, pag sinumpung lang talaga sya ng kasipagan doon lang sya magluluto. Tch!

"Edi tikman mo na lang yung niluluto ko". Nakasandal sya ngayon sa pinto ko.

"Tapos ka na bang magluto?". Tumayo na ako.

"Yap. Anyway, kamusta ang katawan mo? Hindi naba sila masakit?".

"Hindi na. Mukhang nasanay na sila".

Dahil sunday ngayon, nagtraining na naman ako sa self defense. Kung dati dati pag kagaling ko sa training masakit ang katawan ko, ngayon naman hindi na. Mukhang nasanay na yung katawan ko.

Pagkatapos ng training dumaretso agad ako sa kama ko. Ipapahinga ko lang ang katawan ko ngayon, nakakapagod din ang tinuturo nila sa akin doon. Gusto ko pa sanang magpahinga, may baliw naman gumising sa akin.

"Mabuti naman kung gnon. Sge na mag ayos kana at sumunod kana sa baba".

"Oh ye". Lumabas na din sya.

Ako naman agad akong pumunta sa cr. Naligo na ako, mabilis lang naman akong maligo e. After non, nagsuot lang ako ng boxer short na may mukha ni spongebob. At jersey na malaki, sakto lang para matakpan ng kaunti yun boxer ko.

Nang matapos na ako bumaba agad ako. Dumaretso agad ako sa kitchen. Wow! Ang dami naman niluto ni ate. Kami lang naman ang kakain dito. Ano to, uubusin naming lahat ng mga niluto nya.

"Ang dami naman nyan ate". Pumunta ako sa ref para kumuha ng chuckie.

"Sabi ko nga sayo, nakatrip ako ngayon". Napailing na lang ako sknya. "Oh saan ka pupunta?".

"Doon sa sala. Manonood muna ako. Tawagin mo na lang ako pag kakain na". Tumango naman sya.

Pagdating sa sala agad akong umupo sa sofa at binuksan ang tv. Ano kayang magandang panoorin ngayon? Ang papangit naman ng mga palabas ngayon. Puro luma pa sila, wala na bang bago.

"One more chance". Hm, eto na nga lang ang papanoorin ko.

Ang tagal na ng movie na to, pero sikat na sikat pa rin sya. Sabagay, maganda kse ang mga ginamit nilang mga linya. Lalo na magagaling pa ang mga characters. Lalo na sina bea and john lloyd.

Busy ako sa panonood ng marinig ko na may nag doorbell. Hindi ko pinansin, ang mga maid na ang bahala don. Napatingin ako sa iniinom kong chuckie. Oops! Mukhang wala ng laman.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now