ANDY POV :
nabigla ako sa ginagawa ni lazaro. Pero dahil sa ginagawa nya, bumalik ang energy ko. Corny man pakinggan, pero sya ang inspirasyon ko ngayon.Oo nawalan ako ng gana, nawala ako sa laro. Dahil sa nakikita ko, nakikita ko silang magkasama ng lalaking yun. Ang sakit sa mata! Lalo na ang sakit sa puso. Nakakaselos lang!
Okay lang na magkatabi sila, pero yung naghaharutan sila. Nagtatawanan, hindi na okay yun! Hindi na talaga. Basketball ang pinunta nila! Hindi kalandian! Ang lalandi! Nakakainis!
Ang sarap batuhin ng bola ng lalaking yun e. Pinipigilan ko lang ang sarili kong gumawa ng kalokohan. Kung wala lang ako sa laro, baka nabigyan ko na sya ng lumilipad na bola. Hindi isang bola lang, lahat ng bolang mahahawakan ko ibabato ko lahat sknya.
Nawala ako sa focus dahil sa ginagawa nila. Nung una, wala na talaga ako sa focus. Dahil nga iniisip ko si lazaro, iniisip ko yung nakita nya kanina. Yung nakita nyang paghahalikan namin ni marie. Iniisip ko kung nakita nya ba yun? Or sanang hindi nya na lang nakita.
Pero bago ako pumasok sa court, tinanggal ko lahat yun. Kaylangan kong magfocus sa laro, lalo na ngayon na ulit ako nakabalik sa paglalaro. Simula nung nasuspended ako, kaylangan kong ayusin ang paglalaro ko ngayon.
Naging maganda naman ang paglalaro ko, dahil sa basketball lang ako nagfofocus. Yun lang iniisip ko, kaylangan namin manalo. Kaylangan kong magfocus dito. Kung hindi mawawala ako sa laro. Kaylangan basketball lang, walang lazaro. Walang iba! Basketball lang talaga.
Kaso nga lang nawala ako sa focus ng makita ko ngang magkatabi ang dalawang yun. Lalo na nakikita ko pa silang naghaharutan. Osge na! Kayo ng masaya. Bwisit! Nakakainis!
Alam kong maraming nabigla ng ilabas ako. Hindi naman kse ako nilalabas ni coach hanggat hindi kami lamang. Pero ngayon dahil sa mga error ko, nalabas pa ako ng wala sa oras.
Alam kong nakatingin sila sa akin habang nakayuko ako at nakatakip ang buong mukha. Pero wala akong pakelam sknila. Gusto kong ipahinga ang mata ko sa nakikita ko.
Tumagal ng ilang oras ang ginagawa kong pagpapahinga. Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang buzzer, humingi ng time out si coach. Hindi ko pinansin yun, imbis na makisali ako doon. Tumingin na lang ako kung saan makikita ko sya.
At pagkatingin ko hindi ko alam parang nakaramdam ako ng saya ng makita ko syang nakatingin sa akin. Gusto kong ngumiti, pero papano ako ngingiti sa nakikita ko. Katabi nya pa rin ang lalaking yun.
Pero kahit ganon, pinilit ko pa rin ngumiti sknya. Pinilit ko pa rin. Nabigla ako ng bigla syang tumayo, nakatingin pa rin ako sknya. At nakatingin din sya sa akin. Parang pakiramdam ko sa tinginan na yun, kami lang ang tao dito. Tanging kaming dalawa lang.
Nabigla ako ng nagsisigaw sya. Lalong lumaki ang ngiti ko sa ginagawa nya. At parang nakaramdam ako ng energy sa ginawa nya, parang feeling ko bumalik ako. Nagkaenergy ako!
Alam kong nahihiya sya sa ginagawa nya. Aba! Ginusto nya yun. Pero parang ako ang nahiya sa ginawa. seriously, alam nilang hindi kami close ni lazaro. Tapos makikita nilang gnyan syang sumuporta sa akin. Oh well wala na akong pakelam sa knila.
Ngayon balik na ako sa court, aayusin ko na. Hindi ko ipapahiya ang ginawa ni lazaro. At tutuparin ko ang snbi kong gagalingan ko para sknya. Kaylangan ng magfocus ulit.
"Woooooooo!".
Nabigla naman ang mga team mate ko sa ginawa kong pagsigaw. At sabay sabay silang ngumiti. Sa ngiting yun alam kong natuwa sila, natuwa silang bumalik na sa dati ang captain nila.
"So guys, ilang oras na lang ang natitira. Kaylangan na natin tapusin ang larong to! Seryoso na, wag ng lalaruin pa ang laro". Tumatango lang sila. "Ipakita natin sknila kung sino talaga ang champion. Ipakita natin sknila!".
