eighty six

5.3K 88 3
                                    

MICHELLE POV :
pinagmamasdan ko sya ngayon. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti habang nakatingin ako sa knyan.

My god! Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ko nung christmas party. Dahil sa selos hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na talaga ako! Pero kahit gnon, wala akong pinagsisisi sa ginawa ko, dahil finally! Nakalaya na ako.

Naalala ko non, masaya lang kami nagsasayaw ng mga kaibigan ko pero kahit sumasayaw ako palihim pa rin akong nakatingin sknya. Masaya syang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya, napansin ko pa nga na wala pa si apple sa tabi nya e.

Nang dumating si apple, nakaramdam na naman ako ng selos. Sanay na akong nakikita silang magkasama. Kahit konti na lang mababaon ko na sa lupa ang taong mansanas na yun. Pinipigilan ko lang ang sarili kong sumabog, dahil nakikita ko naman na masaya na sila. So bakit pa ako makikiepal dba.

Tinatanggap ko na sa sarili ko na tapos na. Talo na ako, mapapasakanya na si andy. Mapupunta na sya sa taong kaya syang tanggapin at mahalin kahit sino pa sya. Pero ng malaman kong sasagutin na sya ni apple, nakaramdam na ako ng sobrang takot. Takot na mawala sya.

Nang umalis sila, nagdadalawang isip ako kung sundin ba sila or hayaan na sila. Hindi ko na alam kung ano ng mararamdaman ko non. Sobrang takot ko na non. Ano nga bang mas nakakatakot, ang sasabihin ng iba or ang mawala na sya ng tuluyan sa akin. Pero mas nagwagi ang natatakot akong mawala sya.

Sinundan ko kung anong sinasabi ng puso ko. Wala akong pakelam kung masira ko ang moment nila. Dahil sa amin lang ni andy magkakaroon ng moment. Pagdating ko kung nasaan sila, pinipigilan ko ang sarili kong lumapit sknila. Nakatingin lang ako sknilang dalawa.

Pero nang marinig ko ang mga sinabi ni apple. Letche! Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili. Kaya ng umamin sya kay andy, sumingit na ako sa usapan nila. Ayoko ng patagalin, baka pag nagtagal pa ako. Makuha nya na si andy. Hindi ako makakapayag non. Sa akin lang sya!

Hinalikan ko si andy sa harap ni apple. Wala akong pakelam kung magalit sya, ang importante sa akin masabi ko at maparamdam ko sknya kung gaano ko kamahal si andy. Sa harap harapan ni apple, sinabi ko lahat ng nararamdaman ko kay andy. Lahat! Pati ang takot na nararamdaman ko.

Pero ng makita ko kung gaano sya kasaya ng malaman nyang nararamdamn ko para sknya. Lahat ng takot ko nawala sa katawan ko dahil nakikita ko sa mga mata nya na hindi nya ako iiwan, sasamahan nya akong harapin ang takot na nararamdaman ko.

About naman kay apple, ugh! Ang sarap ibaon talaga sa lupa ng babaeng yun. Akala ko naman talagang nagkakagusto na sya kay andy yun pala puro pagaarte lang pala ang lahat. Pati ang panliligaw na sinabi nila sa akin, arte lang lahat! Lahat ng non kagagawan ng dalawang kaibigan kong bruha!

Actually hindi naman sa knila plano yun e. Kay ate! See? Pati ate ko wala ng magawa sa buhay kaya pati ako pinapakelamanan nya na. Nakikita nya na daw akong nahihirapan dahil sa pagseselos. Kaya ayan, kinausap nya ang mga baliw kong kaibigan. Nagtagumpay naman sila sa ginawa nila e.

Napasabog na nila akong parang bulkan! Haaay. Ang hirap naman kse magpigil ng feeling e, lalo na pag nakikita ko talaga silang naghaharutan sa harap ko. Ang sarap lang talaga nilang ibaon ng buhay! Yung hanggang pinakalalim ng lupa doon ko sila ibabaon.

Anyway, about naman sa amin ni andy. Hm ano nga ba kami ngayon? Hm m.u dahil pareho kami ng feeling. Kami na ba dahil alam naman namin na pareho lang kami ng nararamdaman. Ano nga ba kami? Alam kong nagkausap na kami ni andy tungkol dito e.

Aaaaaa! Oo ng pala, nasa ligawan stage kami ngayon ng unggoy. Aba! Kahit naman pareho kami ng feeling gusto ko din makapunta sa stage ng manliligaw no. At nalaman ko pa na hindi pa pala nakakapangligaw si andy, so kauna unahang babaeng ako. At gusto ko maranasan yun.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now