MICHELLE POV :
Pagdating ko sa bahay galing school napansin kong may ibang sasakyan na nakapark sa bahay namin."Magandang gabi mam michelle". Bati sa akin ni mang mario.
"Magandang gabi po mang mario. May bisita po ba?".
"Aa oo. Kanina lang dumating ang mga bisita ng daddy mo". Tumango lang ako at pumasok na sa bahay.
Pagpasok ko sa bahay nakita ko dalawang taong kilalang kilala ko. At kasama nila ngayon ang kanilang anak na lalaki. Ang Marcus family.
"Hey honey". Bumeso sa akin si mommy.
"Hi mom". Lumapit ako kay dad. "Hi dad".
"Finally. Dumating kana din. Pwede na din tayong kumain ngayon". Masayang sabi ni dad.
"Hi mich". Bumeso sa akin si prince. Ya sila ang tinutukoy kong bisita.
"Hi". Matipid kong sabi.
"Awwww ang cute nyo talagang tgnan dalawa". Nakangiting sabi ni tita emerald (prince mom)
"Ewan ko ba dito sa anak natin mommy hiniwalayan pa si mich". Inakbayan ni tito paul (prince dad) si prince. "Ligawan mo na ulit anak para maging kayo ulit". Napasimangot na lang ako.
Etong mahirap sa mga matatanda e. Hindi sila nakakaintindi, matagal na kaming wala ni prince. Pero hanggang ngayon pinagpipilitan pa rin nila maging kami.
Well hindi ko sila masisisi, kse nung time na kami ni prince masaya namn kami. Then bglang malalaman na lang nilang wala na pala kami. Sila ang mas nasayangan sa relasyon namin ni prince.
Alam ko naman kung bakit sila nasasayangan, kse akala nila kami na talaga ni prince hanggang huli. Yan din kse ang expect nila dahil gusto nilang lumaki ang company nila pag naging mag asawa kami ni prince.
Pero sympre hindi na matutupad ang gusto nila. Dahil wala na kami ni prince. And dahil gusto nila matupad yun, pinagpipilitan pa rin nila. Haaaay! Rich problem -_-
"Ano ba kseng dahilan ng pagkakahiwalay nyo?". Bglang tanong ni tita emerald. "Maayos naman ang relasyon nyo, super saya nyo naman. Ano bang nangyari?".
"Simpli lang tita emerald, nagsawa lang sila". Bgla kaming napatingin sa babaeng nakasandal sa pinto habang nakacross arm.
"Marianne!". Suway sknya ni dad.
"Hi dad". Bumeso sya kay dad. "Easy dad, nagbibiro lang ako".
Marianne Lazaro my ate. Ang ate kong baliw. Hahaha sya yung tipong mahilig talaga sumabat sa mga usapan. At sya rin din ang malakas mang asar.
"Oh sissy". Yumakap at bumeso sya sa akin. "Nasaan si mom?".
"Nasa dinning yata". Sagot ko. "Anyway dad, akyat na po ako sa taas. Gusto ko na pong magpahinga".
"Hiha, may bisita tayo. Sumabay kana sa amin. Nakakahiya naman kay prince". Tinignan nya naman si prince.
"Oo nga naman mich. Minsan na lang tayong magkasabay sa kainan, hindi mo pa ako mapagbgyan".
Ugh! Etong nakakainis e. Porket alam nyang boto pa sknya si dad, ginagamit nya yun para mapalapit sa akin. Dahil ayoko naman mapagalitan sa harap nila tumango na lang ako.
"Lets go. Nakahanda na ang food sa dinning". Sumunod na kami kay dad.
"Hi mom". Bumeso si ate kay mommy.
"Oh you're here na din. Mabuti naman makakasabay ka sa amin". Ngumiti lang si ate kay mommy.
"Sge na kumain na tayo".
