ANDY POV :
ugh! Nakakainis! Nakakainis! Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.
Huminga muna ng malalim bago pumasok sa clinic. Pagpasok ko nakatingin silang lahat sa akin, hindi ko pinansin ang tingin nila at dumaretso ako kung saan nakahiga ngayon si lianne.
"Kamusta sya?". Hinahaplos ko ngayon ang mukha nya.
Bumalik na naman ang galit sa katawan ko. Kung sana hindi ako umalis sa tabi nya, edi sana hindi sya napagtripan ni peter! Ugh! Hindi sana sya masasaktan.
"Andy". Napatingin ako sa tumawag sa akin.
"Chummy". Parang nanghina ako sa nakikita ko.
Dalawang kaibigan ko ang nasaktan nya. Dalawa! Gusto ko syang saktan ulit! Gusto ko syang patayin! Wala syang karapatan na saktan ang mga kaibigan ko.
Lumapit ako kay angelica. "Chummy im sorry". Pag katapos kong sabhin yun niyakap ko sya.
Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko, hinayaan ko silang masktan. Hindi ko man sila napagtanggol ng kaylangan nila ako.
"Im sorry. Im sorry chummy".
"Sssssh. Wala ka naman kasalanan. Im sorry chummy kung hindi ko man napagtanggol si lianne. Ginawa ko naman lahat para malayo sya doon. Sadyang hindi ko lang sila kinaya". Naramdaman ko na lang na basa ang damit ko.
Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ko ang luha nya. "Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan, alam naman natin na ako lang malakas sa atin, wala pa ako sa tabi nyo ng binully nila kayo".
"Wala kang kasalanan andy". Napaayos ako ng tayo at tinignan ko kung sino ang nagsalita.
"Lianne".
"Alam ko naman pag nandon ka ipagtatanggol mo kami. Wala kang kasalanan". Napangiti na lang ako.
"Kamusta ka?". Naaawa ako sa knya.
"Eto". Tumingin sya sa katawan nya. "Ginawang soccer ring nila peter". Napayukom na lang ang kamao ko.
"Im sorry".
Hinawakan nya ang kamay ko. "Hey tama na. Wala ka ngang kasalanan dba". Ngumiti sya sa akin.
"Kasalanan ko pa din. Snbi ko naman sayo dba na ipagtanggol kita. Pero ano, nasaan ako ng sinaktan ka nila. Wala ako sa tabi mo. Tabi nyo ni angelica".
"Paaaaaaak!".
"Araaaaay!". Napahawak ako sa ulo ko. Batukan ba naman ako.
"Tigilan mo ako A. Ang drama mo na". Nagtawanan naman kami sa snbi nya.
"Well i think okay na nga sya". Oo nga pala nandito ang mga team mate ko.
"Captain". Tinignan ko si el, at may pagaalala sa mata nya.
Haaaay. Napangiti na lang ako, alam ko na ang mangyayari sa akin. Napasali ako sa away, im sure mapapatawag ako ng dean ngayon.
"Andy anderson". Tumingin kaming lahat sa lalaking pumasok.
"Yes?".
"Pinapatawag ka sa office". Ayon na nga ba snsbi ko.
Nandito ako ngayon sa office, kasama ko sa loob sina peter. Napangisi na lang ako sa nakikita ko, magang maga ang dalawang pisngi nya. Bagay lang sknya yun.
"Alam nyo naman sguro kung bakit ko kayo pinatawag". Sabi ng dean. "Ayoko sa lahat ang nagkakaroon ng gulo sa school na to".
"Dean si andy ang nagumpisa nito". Bgla akong napangisi lalo sa snbi ni peter.
