MICHELLE POV :
balik school na kami. Nung isang araw pa kami nakabalik sa mga bahay bahay namin.Kamusta ang team building? Masaya naman sya. Kse nakasama namin ang mga ibang team doon. Nagkaroon ng bagong kaibigan, at lalo kaming naging close ng mga team mate ko.
Sa ilang araw na pag sstay namin doon, aminado lahat kami na nakatulong ang team building na yun. Lalo kami lumakas, at lalong nagkaroon ng communication para sa amin.
Ang akala namin puro pag hihirap ang makukuha namin doon, hindi pala. Dahil pag katapos ng teambuilding namin, binigyan kami ng isang gabi para magsaya.
About naman sa nangyari sa akin. Nagkaroon ako ng trauma doon, habang nandoon ako gabi gabi ko syang napapaginipan. Nagigising na lang ang mga kasama ko sa room dahil sa malalakas na sigaw ko.
Pero pag ako nagigising natatagpuan ko na lang ang sarili kong nakapalupot sa unggoy na katabi ko. Oo, nakayakap ako sa unggoy.
Nagtataka ako bakit gnon? Isa lang ang snbi sa akin ng mga kaibigan ko. Sa twing yayakap si unggoy sa akin doon ako titigil sa kakaiyak at kakasigaw.
Nung una hindi ako naniniwala. Bakit naman ako maniniwala snsbi nila, unang una ayaw na ayaw kong dumidikit sa akin ang unggoy na yun. At pangalawa, hindi ko maisip na unggoy na yun ang nakayakap sa akin.
Pero totoo nga, dahil sa twing yayakap ako sa unggoy na yun, nakakaramdam ako ng kakaiba. Yung feeling na ligtas ako, ligtas ako sa yakap nya. Nagkaroon ng saya sa katawan ko pag nakayakap sya sa akin. At yun ang hindi ko mapaliwanag, bakit nakakaramdam ako ng gnon sa unggoy na yun.
About sa amin ng unggoy na yun, sadyang makapal talaga ang pagmumukha nya. Pinipilit nya pa rin ang sarili nya sa akin, gusto nya talagang maging magkaibigan kami.
Sa pag sstay namin doon, walang nakita ang mga kasama namin kung hindi puro suntok at sipa nakukuha ng unggoy na sa akin. Nakakainis! Sobrang epal nya. Pero ang unggoy na yung tuwang tuwa pag nakikita nya akong naiinis.
Halos gusto ko na ngang lunurin sa dagat ang unggoy na yun e. Mawala lang talaga sa paningin ko, pero sympre hindi ako ganong tao.
Pagkauwe namin galing team building, napagalitan ako agad sa papa ko. Nalaman nya pala ang nangyari sa akin. Kung hindi pa sya pinatigil ni mama baka hindi sya matatapos.
Pagkatapos ako pagalitan ni papa umakyat ako sa kwarto ko. Napaisip ako, papano nga ba ako makakatulog lalo na wala sa tabi ko ang unggoy na yun.
Gusto ko na ngang tumalon sa bintana namin noon dahil sa pagiisip ko sa unggoy na yun. Sguro dahil iniisip ko sya dahil sya lang ang nakakarelax sa katawan ko pag napapaginipan ko ang nangyari sa akin.
Pero yun ang mali ko. Hindi ko napaginipan ang nangyari. Mukhang nakatulong ang ginawa sa akin ng unggoy na yun. Nakatulong na mawala sa isipan ko ang nangyari sa akin.
Ano nga ba ang ginawa nya? Simpli lang. Bago kami umalis sa resort na yun, kinausap nya ako. Snbi nya sa akin na bago ako matulog, magisip lang daw ako ng masasayang memory. At yun daw ang makakapg relax sa akin habang tulog ako.
Nung una hindi ko sya pinaniwalaan. Pero tinry ko pa rin, kahit papano nakatulong nga sa akin ang snbi ng unggoy na yun.
Sa totoo lang sa ginagawa ng unggoy na yun unti unti ko syang nakikilala. Kahit hindi ko sya close. Sya yung taong masiyahin, makulit. Yung tipong walang problema, pero sya din ang taong napakamisteryoso.
Sa ginagawa nya unti unti ko syang natatanggap. Pero may pumipigil pa rin sa akin. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko, wag lang talaga mapalapit sa babaeng yun.
