thirty seven

5K 75 0
                                    

ANDY POV :
dahil maraming gumugulo sa isip ko. Gusto ko munang irelax ang utak ko.

Nandito kami ngayon ni chummy sa mall. Mabuti na lang ang babaeng to hindi busy. What i mean busy sa mga lalaki nya. Hahahaha. At marami din akong gustong marinig na kwento sa kanya.

Matagal tagal na din hindi kami nag babonding ng ganito. Masyado kaming busy sa school at sa iba pang bagay. Sayang nga wala ngayon si lianne, may pinagkakabisihan yung babaeng yun.

"Haaaaaay".

"Ang lalim naman yata non chummy". Nasa harapan ko na pala ang babaeng to.

"Gaano kalalim sa tingin mo chummy?". Nginitian ko syang pagkalaki laki.

"At ewan ko sayo". Umupo na sya sa harapan ko. "Himala nagyaya kang magmall ngayon. At himala nagkaroon kana din ng time sa akin".

Bigla akong nakaramdam ng guilty. Sa sobrang busy ko sa career at sa iba. Nakalimutan ko ng bigyan ng time ang kaibigan ko. Haaaay! Ganito na ba talaga ako kabusy at nakalimutan ko na sya.

"Im sorry".

"Ano kaba okay lang chummy. Alam ko naman na busy kana. Lalo na naghahanda na kayo sa finals".

Isa pa yan! Dalawang araw na lang finals na namin. At balik pakikipaglaban ako. Hindi ko alam parang nakaramdam ako ng kaba sa darating ng finals. Kung dati handang handa na ako dyan, ngayon naman sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Hindi lang sa finals ang kaba ko kung hindi pati na din sa darating na sea games. My god! Taga ibang bansa ang kakalabanin. Kaya ba namin yun? Kakayanin ko bang ihandle ang magiging  teammate ko.

"Dont worry chummy pag katapos ng laban na to. Babawi ako sayo".

"Makakabawi kaba e katapos ng finals training nyo na agad sa darating na sea games". Napasimangot naman ako sa snbi nya.

Haynako! Wala pala kaming pahinga. Pag katapos nga ng finals, sasabak na agad kami sa training. Ano ba yan! Hindi ko man lang maenjoy ang vacation.

"Sorry chummy. Bawi na lang ako pag tapos na lahat".

"Chummy hindi mo naman kaylangan bumawi. Naiintindhan ko naman na busy kang tao. Etong ganitong bonding natin or yung nagkikita at nagkakabonding sa school, sapat na yun".

"Haaaay! Ano kayang ginawa kong mabuti at binigyan ako ng understanding na bestfriend". At bigla na lang syang tumawa sa snbi ko.

"Ang corny mo chummy". Natatawa nyang sabi. "Kumain na nga lang tayo". Dagdag pa nya. Tumango lang ako.

Pagkatapos namin kumain nagyaya akong maglaro. God! Nakakamiss maglaro sa arcade. Lalo kong namiss yung ganitong kulitan namin ni chummy. Bumabalik kami sa pagkabata.

After namin maglaro nanood namin kami ng cine. Akala ko nga hindi na kami matutuloy e, hindi kami nagkasundo sa papanoorin. Eto lang talaga ang hindi namin mapagkasunduan, ang manood ng cine.

Tapos na kaming nanood ng cine. Nagshopping naman kami, marami rami din nabiling dress ng babaeng to. Ang hilig nya talaga sa dress, samantalang ako. Wala man akong nabili, taga bitbit lang ako.

Natapos namin lahat ang dapat gawin. Sobrang nakakaenjoy ang araw na to. Kahit papano nakapagrelax ako lalo na yung utak ko. Kahit na minsan sumasagi sya sa isipan ko.

"Kamusta na kaya sya". Bulong ko sa hangin.

"Sinong sya?". Lumaki naman ang mata ko ng may magsalita sa tabi ko. "Oh ano, nakakita lang ng multo chummy?".

"What are doing here chummy?".

"Aba! Nagkaamnesia ka yata bruha. Niyaya mo kaya akong matulog ngayon sa room mo". At doon napafacepalm ako.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now