ANDY POV :
"Hahahahahaha!".
"Bumalik ka dito! Papatayin kita!".
"Ayoko nga! Lumayo ka sa akin! Sisipain kita!".
"Sadista talaga ang kambal na to!".
"Anong sabi mo!".
"Wala!".
"Hoy magsitigil nga kayo, ang iingay nyo e!".
Hindi ako mahinga sa kakatawa dahil sa ginagawa ng mga teammate ko. Hahahaha! Namiss ko sila. Namiss ko yung ganitong kulitan namin, yung pag break time na nagkukulitin kami.
Yung teammate na tinutukoy ko, yung teammate sa bringston. Napapasyal sila dito sa gym para manood ng practice. Hndi lang pala para manood lang, para manggulo din sa aming tatlo.
Balik training na pala ako, kaylangan ko na agad makabalik dahil nga one week na lang ang natitira sa amin nyan. At lalo na kaylangan ako, dahil nga ako ang team captain ng team.
About sa pagiging captain ko, okay naman sya. Pwera lang sa mga taga crystal. Papanong magiging okay sknila kung ang captain nila ngayon, e rival nila. Lagi nga kaming nagkakasagutan nung pinakacaptain ng crytal e.
Nagtitimpi lang ako sknya, pero pag sumobra na ang babaeng to. Ipapakain ko lahat ng bola sknya. Nagmamagaling sya, team work ang kaylangan namin. Hindi isang tao lang! Nakakainis ang babaeng yun.
At about naman sa training ko sa martial arts, well pagkatapos ng sea games doon ako magsisimula. Pinagiisapan ko pa nga kung sasali ako doon. Aba! Ayoko naman kse masira ang mukha ko. Baka kse doon masira ang mukha ko e.
Pero sumasagi sa isipan ko yung sinasabi ni ate na kakaylangan ko talaga yun. Kaylangan kong matutong makipaglaban, para kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Lalo na babae ako, kaylangan ko talagang matuto.
"Kamusta na pala ate mo andy". Tumingin naman ako kay alyanna.
"She's fine. Nagpaplano pa rin sya kung papano ligawan ang love of my life nya". Natatawang sinabi ko sknya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na ang ate mo at ang ate ni michelle lazaro ay mag ex. Wow! Ang liit ng mundo nyo. Sa inyong apat".
Alam nya din ang tungkol doon. Sa mga teammate ko kse tatlo lang ang pinagkakatiwalaan ko. Hindi naman na hindi ko pinagkakatiwalaan ang iba, pero iba kse ang close naming tatlo nila alyanna, joy at el.
Sina alyanna at joy, dalawang taon ko na silang nakakasama. Kasabay ko sila sa batch, si el naman. Rookie pa lang sya, pero nakakasabay sya sa aming tatlo. Kaya nga isa din sya sa kaclose ko e.
Kinwento ko sknila kung anong nangyari sa ate ko at sa ate ni lazaro. Hindi nga sila makapaniwala e. Kahit ako din naman hindi makapaniwala e. Sobrang liit talaga ng mundo naming apat. Hahahaha.
Pero yun lang ang alam nila, hindi ko sinasabi sknila yung feeling ko para kay lazaro. Hindi ko pa pwedeng ikwento sknila. Lalo na mapangasar ang tatlong to, at sa kakaasar nila malaman pa ni lazaro. Mamamatay na ako sa hiya non.
"Hoy ano ba! Ibalik mo nga ang bolang yan!".
"Ayoko nga! Nakikita hindi pa nagsisimula ang practice nila e".
Napatingin naman ako sa court, naglalaro ngayon ang mga dati kong teammate. Well, break time naman kaya pwede silang maglaro. Pinagtitinginan na nga sila e, pero dahil makakapal ang mga mukha nila. Wala silang pakelam.
"Pwede ba magsitahimik kayo! Ang iingay nyo!". Tumingin naman ako sa sumigaw.
"Beastmode na naman si jane lopez". Bulong ni el. Oh that girl, sya yung captain sa crytal. Yung mainit ang dugo sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/87100008-288-k227313.jpg)