ANDY POV :
hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humihikab. God! Maaga naman akong natulog kagabi e, pero mukhang puyat na puyat ako ngayon.
"Anderson nakikinig kaba?". Tumingin naman ako kay coach.
Oo nga pala, nasa office nya ako ngayon. Kinakausap nya pala ako para sa darating na laban ulit. Pero parang walang pumapasok sa utak ko, dahil ang nasa utak ko gusto kong matulog sa malambot kong kama.
"Yaaawn!". Ayan na naman yung paghikab ko.
"Andy nagpuyat ka na naman. Dba ang sinabi ko sayo bawasan mo ang pagpupuyat. Lalo na palapit na ang opening".
"Hindi ko nga alam kung bakit antok na antok ako coach. Maaga naman akong natulog kagabi".
"Mabuti pa matulog ka muna sa clinic". Tumingin sya sa watch nya. "2:00 pa lang, then 5:00 ang practice. May three hours ka pa para matulog".
"Good idea coach. Kaya nga idol na idol kita coach". Napailing na lang sya.
"Binola mo pa akong bata ka". Tumayo na sya. "Teka lang wala ka na bang pasok?".
"Wala na coach e. Meron dapat kaso may meeting yung isang prof ko". Tumayo na din ako. "Nga pala coach, hindi ka nagpatry out ngayon?". Lumabas na kami sa office nya.
"Hindi na muna. Wala naman kseng gumraduate nung nakaraan e. Tsaka gusto kong gamitin ngayon muna yung mga dating rookie natin".
"Sabagay coach, hindi naman sila nagamit nung nakaraan e. Kaylangan nga silang magamit. Para may bago tayong panglaban sa iba".
"Yap. Lalo na kayong apat nila joy, alyanna at el. Lagi kayo ang nagagamit, at alam na yun. Lagi na nila kayong nababantayan. Ang gusto ko ngayong taon, yung mababawas ang playing time nyo. At bigyan ng time ang mga rookie or should i say mga sophomore".
"Pabor ako sa idea mo coach. Gusto kong lumabas ang galing nila, ayokong sinasabihan ang team natin na kaya nanalo tayo dahil sa amin. Ang gusto ko ipakita nilang hindi lang kami ang nagpapanalo sa team. Kung hindi sila din kaya nilang ipanalo ang team natin". Ngumiti naman sa akin si coach.
"Alam mo kahit na ikaw ang pinakamakulit na player ko, ikaw pa din ang paborito kong player". Ginulo nya ang buhok ko.
"Coach naman, yung buhok ko na naman ang ginulo mo". Pagmamaktol ko, tinawanan nya lang ako.
"Alagang alaga ka sa buhok mo no".
"Naman coach! Hawakan na lahat wag lang ang buhok ko".
"Ang ingay mo talaga anderson". Natawa naman ako sa babaeng sumulpot sa tabi namin. "Hi coach amber!".
"Hello shy". Bati ni coach.
"At ano namang espirito ang sumanib sayo at naririto ka?".
"Shut up andy!". Humarap sya kay coach. "Coach pinapatawag kayo ni dean. May sasabihin sya sayo".
"Ano naman kaya sasabihin ni dean".
"I think coach sa darating na opening. Dahil nandoon din ang ibang mga coach e".
"Gnon. Osge maiwan ko muna kayo". Humarap sya sa akin. "Matulog ka, para mamaya sa practice hindi ka inaantok".
"Yes coach". Tumango naman sya at umalis na.
"Oh papano iwan na kita dyan andy, susunod pa ako kay coach".
"Sgesge". Umalis na sya.
Papunta ako ngayon sa locker room dito sa gym, kukunin ko yung book ko doon. Sa library na lang ako magsstay mamaya, atlis doon may aircon pa. Hahahahaha im sure makakatulog naman ako doon.
