MICHELLE POV :
Palihim akong tumitingin sa mga naghaharutan sa harapan ko.
Letche! Ang sakit sa mata ang ginagawa nila. Ugh! Nakakakainis tong unggoy na to! Ang landi landi talaga! Nakakainis talaga sya! Ang sarap nyang ipatapon sa ibang lugar para hindi na sila makapagharutan ng babaeng to.
Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain kami. Imbis na kumain ako ng masarap, nawawalan lang ako ng gana sa nakikita ko. Nakakairita ang kalandian nila! Sobrang nakakairita!
"Mich". Napatingin ako kay prince. Oo nga pala, kasama ko nga pala sya ngayon.
"Yes?".
"Ayaw mo ba yung food. Hindi mo kse ginagalaw".
"Im sorry. Busog lang kse ako". Sinungaling kana masyado michelle, kanina gutom na gutom ako. Pero dahil nga sa nakikita ko. Nawawalan ako ng gana.
"Talaga lang mich, e kanina kapa nga nagyayayang kumain dahil nagugutom kana. Tapos ngayon busog kana. Naku mich! Wag ako". Natatawang sabi ni chelsy.
"Tigilan mo ako montenerro". Inirapan ko sya.
"Wag mo ako matawag tawag sa last name ko. Feeling ko nasa harapan ko si Mrs. Cruz". Natawa naman ang boyfriend nya dahil sa snbi nya.
"Are you sure mich okay ka lang? Busog kaba talaga?". Nagaalalang tanong ni prince.
"Ya im fine. Busog na ako". Tumingin ako ng palihim sa dalawang naghaharutan, at tumaas naman ang dalawang kilay ko sa nakikita ko.
Ano to, subuan pa sila. Wala bang kamay ang babaeng yun. Kaylangan nya pang magpasubo kay unggoy. Eto naman si unggoy, gustong gusto nya naman ang ginagawa nya. At talaga namang nakangiti pa sya.
"Nakakainis". Gigil na sabi ko. At mukhang napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil nakatingin sila sa akin.
"Anong nakakainis mich?". Nagtatakang tanong ni vyc.
"Nothing. Tapos naba kayong kumain?".
"Bakit? Aalis kaba mich?". Tanong ni prince
"Yap. May pupuntahan lang ako doon sa locker ko". Tumayo ako. "Magkita na lang tayo sa room later guys".
"Samahan na kita mich". Bago pa makatayo si prince napigilan ko na sya.
"Wag na. Kaya ko naman e, ubusin mo muna yang kinakain mo". Hindi pa kse sya tapos kumain.
"Pero..".
"Dyan kana". At umalis na ako.
Malayo layo pa naman ang locker room kung saan ako galing. Haaaay! Ngayon ko ulit naramdaman ang gutom. Itetext ko na lang si prince na pangdala nya na lang ako ng food mamaya sa room.
Pagpasok ko sa locker room, agad ko ng binuksan ang locker ko. Pagbukas ko halos magkasalubong ang dalawang kilay ko sa nakikita ko. Papanong nakapasok ang isang rose sa locker ko.
Kinuha ko ang rose at napansin kong may nakasabit na sulat doon. Tinignan ko ang sulat, at hindi ko alam parang nakaramdam ako ng saya ng mabasa ko ang letter.
To michelle.❤ :
Hi michelle! Ang ganda mo talaga. Sana mapansin mo ako. Sana naman nagustuhan mo ang rose na bigay ko sayo.😉
From : AU.😘
Sino naman kaya ang AU na to. AU? Initial ba to ng isang pangalan. Kung oo, wala akong kakilalang AU ang initial. Haaaay! Pero kahit sino pa sya, thank you na din sa binigay nya.
Pero teka lang, papano nya napasok eto sa locker ko. Hindi naman sira ang lock ng locker ko. Ugh! Gumamit sya ng pin para mabuksan nya. Nakakainis sya! Kung ibibigay nya na lang kaya sa personal, may nalalaman pa syang palocker locker.
