seventy two

5.1K 89 2
                                        

ANDY POV :
wala naman talagang ipapagawa si ate. Ayoko lang talaga ang topic ni lazaro. Bigla akong nailang dahil sa sinabi ko.

Haaay! Hindi mo na naman napigilan ang sarili mo andy. Bakit ba kaylangan kong sabihin yun. Baka mailang pa sa akin ang babaeng yun. Imbis na okay na kami, baka dahil sa sinabi ko lumayo pa sya sa akin.

Pero nakakapagtaka lang, bakit nagtatanong sya bigla ng gnon? Ano bang nakain ng babaeng yun at nagtatanong sya bigla ng gnon. Haaay! Napasagot tuloy ako sknya.

Totoo naman kse yung sinagot ko e. Wala pa akong nagugustuhan na iba, dahil sya pa din yung taong nagugustuhan ko. Kahit anong gawin kong tumitingin sa iba, bumabalik pa rin ang tingin ko sknya.

Alam kong nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Kse lalo akong nagkakagusto sknya, imbis na mwala ang pagkagusto ko sknya. Lalong lumalalim ang pagkagusto ko sknya. Haaay! Kasalanan ko naman e.

Kinaibigan ko ba naman sya. Kahit alam ko na sa una pa lang lalalim ang pagkagusto ko sknya. Pero pinilit ko pa rin. Haaay! Pagdating talaga sa pagibig nagiging tanga ako. Buhay nga naman.

Pero ngayon nasasanay na ako. Yung tipong pag nakikita ko silang naghaharutan, nagsasayahan. Hindi na gnon kasakit. Parang wala lang sa akin, nasanay na sguro ako.

Mas gusto ko na yung ganito, yung nasanay na ako sknila. Atlis hindi na ako nasasaktan. Oo nasasaktan ako, pero parang hindi na gnon kasakit. Parang tinanggap ko na talaga kung hanggang saan lang talaga ako.

Hanggang kaibigan lang talaga ako. Hanggang doon lang talaga ako, pero minsan umaasa pa rin ako na sana hindi lang makikipagkaibigan ang meron kami. Sana lumalim pa doon ang mangyari sa amin.

Pero sa twing naiisip ko yun. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Hinding hindi mangyayari ang iniisip ko. Malayong malayo, hanggang pagiging kaibigan lang talaga mabibigay ni lazaro.

"Nakakainis ang ate mo doble A!". Napatingin naman ako sa katabi ko.

"Ano na naman ba ginawa sayo ng ate ko rach?". Oh ya, nandito pa rin ang babaeng to. Mukhang wala na syang balak bumalik sa us. Hahahaha!

"Papano ba naman, tinulungan ko syang magset up ng date sa kanila ni anne. Tapos, ganito lang gagawin nya sa akin! Papauwiin lang, hindi man lang nya ako pinakain!". Pagmamaktol nya.

Hindi ko mapigilan hindi mapagmasdan si rach. Maganda sya, mala-model nga ang mukha nito e. Pati katawan. Pero bakit gnon? Bakit hindi man lang sya nagustuhan ng ate ko? Ang tagal nilang magkaibigan, bakit hindi sya nagkagusto.

"Doble A, tigilan mo ang pagnanasa sa akin. Kse kahit anong gawin mong pagnanasa sa akin, hanggang gnyan ka lang". Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Hahahahaha! Iba ka rach". Humiga ako sa lap nya.

Nandito kse kami sa sala, hinihintay namin pareho si ate. Ako hinihintay ko sya dahil may kukunin ako sknya. Si rach naman im sure naghihintay to para makapaghiganti kay ate. Hindi to matutulog hanggat hindi sya makakapaghiganti kay ate.

"Rach". Napapapikit ako sa ginagawa nyang paghaplos sa mukha ko.

"Hmm".

"Sa tagal nyong pagkakaibigan ng ate, hindi kaba nagkagusto sknya". Tumingin ako sknya ng seryoso. Para alam nyang seryoso ako.

"Alam mo doble A, tinatanong ko din sarili ko. Aminado akong maganda ang ate mo, simpling babae lang sya. Sya yung babaeng magugustuhan mo talaga. Pero ewan ko ba bakit hindi ko sya nagustuhan. Sguro hanggang kaibigan lang talaga kami".

"Sana gnyan na lang kami". Napabuntong hininga na lang ako.

"Sino kayong dalawa ng kapatid ni anne?". Tumango naman ako.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now