fifty nine

5.1K 77 4
                                        

ANDY POV :
Parang kaylan lang kakapasok ko lang sa school. Ngayon naman july na, ang bilis talaga ng panahon.

"ANDY ANDERSON YOU HAVE A MESSAGE".

"Oh ano kayang masamang elemento ang sumanib sa babaeng to at ang aga nya magtext".

From Apple (Pandy) : hoy kulit! Nasaan ka ng babae ka! Pumasok ka ngayon din!

To Apple (Pandy) : good morning too pandy! Hahahaha. Umagang umaga highblood ka naman e.

From Apple (Pandy) : e nakakahighblood kang babae ka. Pumasok ka ngayon din! Kaylangan ko yung note. Magrereview ako.

To Apple (Pandy) : ooops. Nasa akin pala note mo. Hahahaha wait mo ko dyan. Papasok na nyan ako. Wag kang atat! Hahaha.

From Apple (Pandy) : bstat pumasok kana!

To Apple (Pandy) : opo. See you later pandy. :*

"Mukhang bumabalik na yung ngiti mo kiddo". Tinago ko naman ang phone ko sa bulsa.

"Hm bakit nawala ba yung ngiti ko? Hindi naman aa". Ngitian ko naman sya.

"Talaga? E ano yung nakaraan na buwan. Bakit hindi ko nakita yang mga ngiti na yan".

"Kung ano ano na lang pinapansin mo ate". Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Simula ng makuha ko ang number ng babaeng yun. Walang ginawa kung sungitin ako sa text. Hahahaha ang sungit din pala non kahit sa text lang. Parang kasama ko na din sya dahil sa pagiging masungit nya e.

Naalala ko kung papano ko nakuha yung number nya. Pahirapan bago ko makuba ang number nya, kung ano ano pa sinabi. Bakit ko daw kinuha number nya? Liligawan ko daw ba sya? Ang kapal talaga ng mukha nya. Hahahaha.

Oo maganda sya, pero hindi ko iniisip na magkakagusto ako sknya. Aminado akong inaasar ko syang liligawan ko sya minsan, pero biro lang yun. Inaasar ko lang talaga sya dahil ang sarap nyang asarin. Hahahahaha.

Tsaka hindi na ako magkakagusto sa taong straight. Aba! Ang hirap nilang makuha, tsaka baka pag nagkagusto ako ulit sa taong straight. Baka masaktan na naman ako. Tama na muna yung sakit. Hahahaha so drama andy!

"Goodmorning doble A". Biglang lumaki ang mga mata ko.

"Rach!". Gulat na sabi ko.

"Oh yes, its me". Umupo sya sa upuan. "Goodmorning guys".

"Goodmorning rach". Nakangiti bati sknya ni ate.

"Kaylan kapa dumating rach?". Pumupungay pungay pa ang mata nya.

"Kagabi lang. Hindi mo na ako nakita kse nga po maaga ka daw natulog sabi ng ate mo".

"Oh ya, napagod kse ako sa pag copy ng note e". Tumango naman sya. "Himala bumalik kana agad dito?".

"Magpapahinga muna ako. Tsaka magmomove on muna ako. Nasaktan ako e". Natawa naman kami ni ate sa sinabi nya.

"Move on?". Nagtatakang tanong ko.

"Papano kiddo, yung hinahabol habol nyang lalaki. Malapit na pa lang ikasal". Dahil sa sinabi ni ate hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

"Hahahaha gosh! Broken hearted ka agad. Hahahahaha". Sinamaan nya naman kami ng tingin.

"Kaylangan ipagkalat ivy! Nakakainis naman! Malay ko bang ikakasal na pala ang lalaking yun! Wala naman kse akong nakikitang dinadate nya e".

"Baka secret on sila. Hindi kaba nagtanong sa lalaking yun?".

"Papano sya magtatanong e hindi naman sya kilala nung lalaki. So bakit sya kakausapin e hindi naman sya kilala nung lalaki". At lalong lumakas ang tawa ko sa narinig ko.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now