eighty

5.1K 97 1
                                        

MICHELLE POV :
Haaaay! Nabobored ako dito sa booth na binigay sa amin.

Ngayon ang school fair namin. Maraming booth ngayon ang nakalabas, merong marriage booth, jail booth, dedication booth or kung ano ano pa. Parang valentines day din sya, pero may pagkaiba lang.

Dahil sa school fair, pwede kang magbenta ng mga item mo. Yun ang magiging booth mo. Pwede mong ibenta ang mga jersey mo na ginamit, then mga instrument mo na hindi ginagamit.

"Gusto kong itry yung roller coster".

"Ako nga gusto ko itry yung horror house e".

"Mamaya try natin ang ferris wheel".

Yan lang ang maririnig mo sa mga students. Yap! naglagay din sila nga mga ride, malaki naman ang school namin. Kaya nakaya nilang maglagay ng mga malalaking ride. Kaya ang mga students, parang nasa amusement park din sila.

Ang alam ko dalawang ride lang ang kinuha nila, ang roller coster at ferris wheel. Pinili nila ang dalawa kung saan tingin nila mageenjoy ang mga students. Naglagay sila ng horror house, para naman may thrill ang school fair namin.

"Oh babe anong meron sa box na yan?". Nabaling naman ang tingin ko kay vyc. Kausap nya ngayon si Jt.

"Eto yung mga ibebenta namin. Mga jersey namin at mga bolang ginamit". Sagot naman ni Jt.

"Sa tingin nyo ba may mga bibili pa dyan? Baka nga wala ng bumili sa mga yan". Sabi ko sknila.

"Ano kaba mich, bibilhin nila to. Lalo na kung galing sa amin. Sinong hindi bibili sa ginamit naming mga jersey na pinanglalaban namin". Sabat naman ni Rr.

"Sabagay, may mga babaeng bibili nya. Lalo na galing sa inyong dalawa". Sabi naman ni chelsy.

"Ang perang matatanggap nyo dyan, sa inyo mapupunta?". Tanong ko sknila.

"Mich parang iba ka naman e. Nakalimutan mo ba kung saan mapupunta ang mga pera". Napafacepalm na lang ako sa sagot ni Jt.

Oo nga pala, ang mga perang natatanggap nila sa pagbebenta. Hindi pala sknila mapupunta. Kukunin ng mga council ang mga perang kinita then ibibigay nila kay dean. Ya kay dean nga mapupunta.

Pero hindi talaga sknya. Dahil si dean, ibibigay lang nya sa foundation ng school. Meron kse silang foundation, kung saan matatagpuan ang mga batang wala ng magulang. Yung mga napabayaan, doon mapupunta ang mga pera.

"Hello guys!". Napatingin naman kami lahat sa isang booth.

"Aba si apple yan". Sabi ni vyc.

Hm anong ginagawa ng babaeng yan dyan? May booth din sya? Tinignan ko ang booth nya. Music booth. Hm alam ko ang booth na yan, kung saan pwede kang magrequest ng song at sila ang kakanta.

Mukhang meron nagrequest ng kanta. At mukhang si apple ang kakanta. Hindi ko pa naririnig kumanta ang babaeng to. Pero alam kong kasali sya sa music club.

"May unang nagparequest ng kanta". May binasa sya sa papel. "Seriously, yun agad ang kakantahin ko?!".

Napatakip lahat kami ng tenga ng sumigaw sya. Letche! Nakalimutan nya bang naka microphone sya. Napansin nya naman ang ginawa nya, agad naman syang humingi ng sorry.

"Hi guys". Napatingin naman ako sa dumating sa booth namin.

Biglang sumilay ang ngiti ko ng sya ang makita ko. Finally! Nakita ko na sya, kanina ko pa sya hinahanap. Dahil hindi ko sya nakikitang pag gala gala sa school. Mabuti naman kusa syang nagpakita sa akin.

"Hi baby". Ayan na naman ang ngiti nya.

"Che! Tigilan mo ako unggoy!". Pinipigilan ko ang ngumiti dahil sa pagtawag nya sa akin na baby.

Baby, I Love YouStories to obsess over. Discover now