MICHELLE POV :
Dahil maaga naman akong uuwe ngayon, naisipan kong pumunta sa company ni ate.Matagal tagal din akong hindi pumupunta sa company nya. Kamusta na kaya ang company nya? Kamusta na kaya ang pagiging president ng bruha kong ate. Maayos kaya ang pamamalakad nya sa company?
Mukha lang talagang tamad ang babaeng yun. Pero pagdating sa work, masipag yun. Sinusumpung lang talaga sya ng katamaran sa katawan. Pero masipag talaga yun, wala lang talaga sa mukha nya. Hahahaha!
Mabuti na lang talaga wala kaming practice ngayon. Oh ya, nakabalik na kami sa training. Dahil malapit na naman ang dumating ang kumpetisyon sa amin. Balik paghihirap na naman kami ng mga player.
Well ako hindi paghihirap ang nararamdaman ko. Dahil mageenjoy ako, nageenjoy talaga ko pag naglalaro ako ng volleyball. Yung feeling na wala akong nararamdaman na problema pag naglalaro ako ng paborito kong sport.
Bata pa lang talaga ako paborito ko na ang larong yan. Dahil yan ang nilalaro noon ni ate. Yap, volleyball player din ang ate ko sa bringstone non. Isa din sya sa ace player non sa school na to. Sikat na sikat din ang babaeng yun.
Mukha lang talagang abnormal ang ate ko, pero pagdating sa ibang bagay ang galing nya. Lalo na sa volleyball, sya pinaka idol ko pagdating sa paglalaro. Kaya nga naging volleyball player ako dahil sknya e.
Pero ngayon tinigil nya na ang paglalaro, hindi ko nga alam kung bakit nya tinigil e. Ilang beses ko din syang kinukulit about sa gnyan hindi naman nya masagot. Pero may nararamdaman ako na tungkol na naman sa nakaraan nya kaya sya tumigil sa paglalaro.
"Hon dito kana lang ba?". Oo nga pala hinatid ako ngayon ni prince.
"Ya dito na lang ako". Bumaba ako ng car. "Ingat sa pag dadrive!". Pagkatapos kong magpaalam pumasok na ako sa loob.
Pagpasok ko sa loob pinagbabati ako ng mga ibang tao. Kilala naman nila ako dito e, mukhang wala pa rin bago sknila. Sila pa rin yung mga empleyadong nakikita ko dito.
"Michelle". Tumingin naman ako sa nagsalita.
"Ate clover". Bumeso ako sknya.
Sya si ate clover ang bestfriend ng baliw kong ate. Dito din sya nagtatrabaho sa company ni ate. Nakalimutan ko lang kung anong pwesto nya dito e, pero alam kong mataas din ang pwesto nya dito.
"Ngayon kana lang ulit dumalaw dito. Kamusta kana?". Naglalakad kami ngayon papunta sa room ni ate.
"Im fine ate. Medyo busy lang sa pagaaral. Lalo na balik training na naman kami".
"Oh i see. Nakita ko yung laban nyo sa singapore. Iba kana mich, umiibang bansa na ang galing mo". Pangaasar nya pa.
"Gnyan talaga ate. Iba ang dyosa e".
"Yan ang gusto ko sayo e". Nasa tapat na kami ngayon ng room ni ate.
"Good afternoon Mam clover". Tumingin sya sa akin. "Goodafternoon mam michelle. Kamusta na po kayo? Matagal tagal din po kayong hindi nagkita".
"Okay lang ako ate doty, medyo busy na sa pagaaral e. Alam mo malapit mg makapagtapos ng pagaaral". Tumango tango naman sya.
"Anong year kana ba?". Tanong ni ate clover.
"Third year ate. Dalawang tao na lang ate. Graduate na ako". Nakatingi kong sabi.
"Well goodluck sayo". Humarap sya kay ate doty. "Nandyan ba si mam mo sa loob".
"Yes mam. Hm kung papasok po kayo, baka mamaya na po kayo makakapasok". Nagtinginan naman kami ni ate clover at sabay kaming napakunot noo.
"Bakit naman? May bisita ba sa loob ang mam mo?". Pagtatanong ni ate clover.
![](https://img.wattpad.com/cover/87100008-288-k227313.jpg)