thirty eight

4.7K 90 3
                                        

ANDY POV :
ang bilis talaga ng araw ngayon. Akalain mo nga naman na ngayon na pala yung finals.

Waaaaaa! Dumating na naman yung kaba ko sa katawan ko. Kaya ba namin talunin ang crystal university. Oo natalo na namin sila dati, iba na ngayon. Lalo na malakas sila ngayon.

At lalo na nakakadagdag kaba sa katawan ko yung pagiging champion namin last year. Kaya ba namin idefend ang crown? Kaya ba namin makuha ulit ang championship. Kaya ba namin? Kaya ko ba?

"Kaya mo yan. Makukuha nyo ulit ang championship". Napangiti naman ako sa snbi nya.

"Ate".

Lalo akong kinakabahan dahil nandito si ate. First time nyang manood ng laban ko, papano na lang matalo pa kami. First time nya na lang manood, talo pa kita. Kaya lalo akong kinakabahan e.

"Ate kinakabahan ako". Seryosong sabi ko kay ate.

"I know nakakakaba yan. Pero kung hahayaan mo lang yan mangyari, walang mangyayari sayo. Matatalo kayo. At kasalanan mo pa yun. Dahil nagpatalo ka sa kaba mo". Tinapik nya balikat ko. "Alam kong kaya mo yan. Kaylangan mong galingan kiddo. Kung hindi, hindi mo makukuha ang reward mo sa akin". Lumaki naman ang mata ko sa snbi nya.

"Reward ate?". Tumatango lang sya. "Anong reward ate?".

"Aba! Kaylangan mo munang manalo, para naman makuha mo yun". Nakangiti nyang snbi.

Parang biglang nawala ang kaba sa katawan ko. Naexcite tuloy ako sa snbi nya. Ano kayang reward ang snbi nya. God! Parang gusto ko agad matapos ang laban, para makuha ko agad ang reward na yun.

"Uy excited ang bata". Pangaasar ni rach. Yap! Nandito din ang babaeng to.

"Wag ka nga. Mangaasar kapa e". Nagtawanan naman sila ni ate sa snbi ko.

"Chummmy!A!". Tumingin naman kaming tatlo sa tumawag.

Pag tingin namin sa sumigaw, at parang nawala na talaga ang kaba sa katawan ko. Makita ko ba naman ang number one fan ko, hindi na pala sya nagiisa. Dalawa na sila ngayon.

"Ange, lianne". Nakangiti kong tawag sknila.

"This is it chummy! Goodluck!". Masaya nyang pagkakasabi.

"Thank you. Talagang may gnyang suot pa kayo aa". Ang cute lang kse nilang tignan sa suot nila, nakalagay sa harap na "Go Go Go Andy".

"Bakit pangit ba?". Tanong ni lianne.

"Hindi aa. Ang cute nyo ngang tignan e". Napangiti naman sila doon.

"Dahil cute kami chummy, dapat galingan mo! Aba, napakaganda ng mga cheering squad mo. Wag mo naman kaming ipapahiya". Nagtawanan naman kami sa snbi ng bruha kong bestfriend.

"Oo nga". Dagdag pa ni lianne. At may pinakita sya sa amin. "Gumawa pa kami ng banner. Pinaghirapan pa namin yan".

"Talaga naman may cheering squad kapa doble a". Natatawang sabi ni rach.

"Well gnyan talaga. Anyway, pumasok na kayo sa loob. Doon kayo sa likod ng bench namin. May pwesto na kayo doon". Sabi ko sknila.

"Oh tara na. Pumasok na tayo, para naman magoodluck din natin ang ibang player". Nauna ng pumasok ang dalawang kaibigan ko.

"Oh kiddo galingan mo aa. Kung ayaw mong mawala yung reward mo, kaylangan mong galingan".

"Dont worry ate, kahit walang reward, gagalingan ko talaga". Bigla nya naman akong niyakap. "Ate".

"Im so proud of you kiddo". Hinalikan nya ako sa noo.

God! Namiss ko yung ganitong kasweetan ni ate. Dati dati kse lagi nya akong hinahalikan sa noo. Yun ang namimiss ko sknya, ngayon nya na lang ulit ginawa yun.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now