MICHELLE POV :
mabilis na lumipas ang bwan at araw. Ngayon nasa finals na kami. Back to the finals na naman kami.Totoo nga ang sabi nila hindi madaling makuha ang championship crown. Sobra! Hindi talaga madali. Kagaya na lang ngayon, talo kami ng dalawang set. Isang set na lang panalo na ang kalaban.
Crystal university, ang rival ng school namin. Ni minsan hindi pa natalo ng bringstone women's volleyball team ang crystal. Laging talo! At yun ang nakakainis.
Laging naghaharap ang school namin at school ng kabilang team sa finals. Pero sa huli, lagi kami ang talo. At lagi sila ang panalo. Sa twing naiisip ko yun naiinis ako! Sobra!
Team captain ako, ni wala ako magawa. Dalawang taon ko na nadala sa finals ang team namin. Pero hanggang finals lang! Walang champion! Mukhang totoo nga ang snsbi ng ibang tao, wala talaga akong kwentang captain.
"Boooo! Talo na naman tayo!".
"Ano pa nga ba. Naulit na naman ang dati".
At eto pa ang nakakainis! Nasa mismong school namin ginawa ang finals. Nakakahiya kung matatalo lang kami. Ni kahit isang set wala kaming napanalo!
Kaya lalo kami natatalo dahil din sa mga students dito. Imbis na icheer kami, binabash pa kami. So papano namin mapapanalo ang laro kung ganito ang natatanggap namin sa mga kapwa students.
Nilibot ko mata ko. Sobrang pagod na mga kasama ko, lahat sila nakayuko, walang ngumingiti. Ano ba to, tanggap na ba nila na talo kami? Mauulit na naman ba.
Pati mga tao dito nakayuko na lang sila. Nababash na din kami, kung ano ano masasakit na salita ang naririnig namin. Pati mga coaches namin napapailing na lang sila.
Alam ko naman na ginawa naman lahat ng makakaya namin para makapunta sa finals. Pero ano hanggang dito na lang ba talaga kami? Talunan na naman ba kami?
"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOY! ANONG GINAGAWA NYO?! SUSUKO NA LANG BA KAYO! LABAN PA! KAYA PA YAN! MANANALO PA TAYO!". napatingin lahat kami sa taong sumigaw.
"Anderson".
"MAY ISANG SET PA GIRLS! KAYA PA YAN! PATUNAYAN NYONG MAGAGANDA AY ESTE MAGAGALING KAYO!".
"anong bang ginagawa ng unggoy na yan?". Inis na tanong ko sa mga kasama ko.
"HOY CAPTAIN LAZARO? ANO DYAN KANA LANG BA? TUTUNGANGA! WALA KA PALA E! ANO BA! IPAKITA MO NA IKAW ANG MAGALING! LABAN PA!".
Ano bang ginagawa ng babaeng to. May hawak pa syang microphone habang winawagayway nya yung hawak nyang banner.
"GO BRINGSTONE! LABAN PA! GO! GO! GO!".
ANDY POV :
I know nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Pero i dont care! Kung eto lang ang makakapagpagising sknila.Humarap ako sa mga kapwa students ko. "HOY! ANO BA! ICHEER NYO NAMAN SILA! ANO BA KAYO! MANANALO SILA!".
"GO BRINGSTONE!". Bglang sumigaw ang mga kasama ko sa basketball.
"GO! LABAN PA!". bgla na din nakisigaw ang mga mens basketball.
"WHOAAAAA! LABAN BRINGSTONE!". sabay sabi ng mga students.
Nakita kong napangiti ang mga women's volleyball team. Tinignan ko ang babaeng nakatingin din sa akin. At bgla syang ngumiti sa akin.
"GO BESTFRIEND! TALUNIN MO SILA!". Alam kong makakakuha na naman ako ng sampal sknya mamaya dahil sa pagtawag ko ng bestfriend sknya.
Nagsimula na ang 3rd set, at nakita namin na lumalaban na ang team namin. At mga kasamahan kong nanonood nakikicheer na din. Puro positive na naririnig ko sknila.
