seventy three

4.9K 84 1
                                        

ANDY POV :
Isang linggo na ang nakakalipas, pero hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni ate.

God! Seryoso talaga sya sa sinabi nyang papakasalan nya si marie. Akala ko after nyang sabihin yun sasabihin nyang biro lang yun, kahit hindi naman marunong magbiro si ate. Pero seryoso talaga sya.

Papano ba naman, sa isang linggo na yun. Inaayos nya na ang kasal nila marie. Oo yun ngayon ang pinagkakabisihan ng ate ko. Wala pang nakakaalam sa secret wedding nila, kami pa lang nila rach at lazaro ang nakakaalam.

Hindi ko alam kung kaylan sila magpapakasal. Pero naghahanda na sila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng ate ko at yun ang naisip nya. Ilang beses ko nga syang kinukulit doon, lagi nya naman sinasabi seryoso sya doon.

About naman kay marie, aba! Payag na payag na sya. Matagal nya na din daw hinihintay na makasal sya sa taong mahal nya. At yun lang ang nakikitang paraan para hindi sila mapaghiwalay ni ate.

Si lazaro naman, hindi okay sknya. Pwede naman daw makausap ang dad nya. Pero gusto nya naman daw makitang maging masaya ang ate nya. Kaya susuportahin nya ang gusto ng ate nya.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa gagawin nila. God! Isang senator ang kalaban ni ate. Hindi ko alam kung magtatagumpay sya sa iniisip nya e. Mahirap ang gagawin nya. Sobrang hirap!

Hindi ako sang-ayon sa gusto ni ate. Pero dahil sa nakikita ko at naririnig ko. Parang mas gusto kong makasal na sila agad. Yung hindi na nila patatagalin, kasal na agad.

Papano kse, naririnig ni lazaro ang tatay nila na ipapakasal na daw si marie doon sa lalaki. Kaya gusto ko agad na silang makasal e, baka kse maunahan pa si ate ko ng lalaking yun.

Sabi ko nga si ate magpakasal na sila agad. Wag na silang magplano, pero sya kalmado lang sya. Hayaan lang daw, matatapos din daw ang lahat. Ang labo ng babaeng yun!

Naiisip ko tuloy sina mom and dad, ang alam nila nagtatrabaho lang si ate dito. Pero ang hindi nila alam ikakasal na ang anak nila. Hindi man nila masasaksihan ang kasal ni ate.

Pinagiisipan ko nga na sabihin na kali mom e. Kse im sure pag nalaman nila yun, magiging masaya sila. Kse finally makakasal na si ate sa taong mahal nya. Yung may makakasama nya sya panghabangbuhay.

Pero papano pag nalaman naman nilang secret wedding lang ang mangyayari. Sguradong tututol sila sa gagawin ni ate. Para sknila mali ang gagawin ni ate. Mali naman talaga kse sya.

Haaay! Pagdating talaga sa pagibig nagagawa mo lahat. Kahit ipapahamak mo, magawa mo lang talaga para lang sa pagibig. Iba ka talaga pagibig! Sobrang iba ka.

"Uy ano ba! Teka lang". Bigla ba naman syang manghila.

"Manahimik kana lang. Sumunod kana lang sa akin unggoy".

Sumunod na lang ako sknya. Wala din naman akong magawa, baka pag nagreklamo pa ako sknya. Makakuha pa ako ng magasawang sampal at maraming batok galing sa amazonang babaeng to.

Kinaladkad nya ako papuntang parking lot. Nailang tuloy ako bigla, ang dami kseng nakatingin sa aming dalawa. Pagtapat namin sa kotse nya agad nya akong pinapasok. Gnon din sya.

"So anong meron lazaro?". Tanong ko sknya.

"May problema tayo unggoy". Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Problema? Anong problema naman yan?".

"Si dad.. Magaannounce sya later na ikakasal na si ate kay geo".

"What?!". Gulat na pagkakasabi ko.

"Ya, may party mamaya sa bahay. Narinig ko lang to sa isang babae, kausap sya ni dad. Napadaan kse sya room ko then may kausap sya sa phone, ayun nga narinig kong nagpaplano na sila".

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now