ANDY POV :
dahil wala naman kaming magawa ni apple. Naglakad lakad na lang kami sa campus.Pareho kaming wala ng klase. Ako, naghihintay na lang ng oras para mamaya sa practice. Samantalang sya naman, tinatamad lang syang umuwe. Ayaw pa kseng umuwe kaya nandito pa rin ang babaeng to.
"Honey hindi kaba pupunta sa club nyo?". Nakakasanayan ko na din syang tawagin sa tawagan namin na "honey"
"Dumaan na ako kanina doon. Wala naman tao doon. Mukhang may inaasikaso si pres".
"Oh i see. Sabagay, malapit na kayong lumaban nyan sa ibang school no".
"Yaa. Matanong ko lang honey, noong nakikipaglaban ang mga singer ng bringstone. Sinong laging pinanglalaban nyo?".
"Hm si ate liz. Maganda kse talaga boses nya. Pag naririnig ko nga yun, gusto ko na lang dumikit lagi sknya para lagi kong naririnig ang pagkanta nya". Natatawa kong sabi sknya.
"Ay agree ako sayo dyan. Kse noong isang araw, narinig ko sya kumakanta. Damn! Sobrang ganda ng boses nya. Parang narinig mong kumanta si kyla, mala-rnb sya".
"Sayang nga nung last year e, hindi na sya sumali. Iba yung pinasali nya".
"Bakit hindi na sya sumali?".
"Kse mas pinili nya na lang maging president sa club. Mas ginusto nyang turuan at gabayan ang mga singer sa club nyo".
"Sayang naman. Pero mas mabuti ng hindi sumali last year, baka natalo nya pa ako noon". Bigla naman akong napatingin sknya.
"Huh?".
"Honey last year, ako ang represent ng crystal. Kung nagkataon na sya ang makakalaban ko matatalo nya ako no. Pero dahil hindi sya ang sumali, ako ang nanalo!". Nakangiti nyang pagkakasabi.
"Oh ikaw pala ang nanalo. Usap usapan ang pagkapanalo mo e. Nagmala-taylor swift ka daw last year".
"Hahaha oo. Masyado ko kseng idol noon si taylor e. Ngayon ang idol ko na ang mga one direction".
"Tch. Boy group ka ngayon. Sayang no, hindi na kasali si zayn sa grupo na yan. Sya lang pa mo ang gusto ko sa grupo na yan".
"Akala ko nga noon ng mawala sa grupo si zayn, hindi na sisikat ang grupo na yan e".
"Ano kaba, magagaling naman ang mga naiwan e. So kaya nilang dalhin ang grupo na yun na wala si zayn".
"Oo na lang". Humarap sya sa akin. "Tara sa club na lang muna tayo. Napagod na din ako sa kakalakad e".
"Osgesge".
Pagdating namin sa club nila may mga ibang tao. May mga nagpapractice sa mga ibat ibang strument. May mga singer din na nagpapractice, teka nga lang.
"Akala ko ba walang tao dito?". Pagtataka ko.
"Kanina pa yung sinasabi ko". Inirapan nya naman ako.
Pinagbabati kami ng mga tao dito. Kilala din naman ako dito dahil madalas akong tumambay dito pag wala akong klase. Kse lagi kong pinapanood si apple na kumanta. Pati na din ang ibang tao dito.
Well sa totooo lang, naadik ako sa boses ni apple. Ang sarap pakinggan ng boses nya. Tama nga sya, hinahanap hanap ko nga ang boses ng babaeng to. Sobrang ganda kse ng boses nya. Hindi na ako magtataka kung bakit sya nanalo last year.
"Honey dito". Nakita ko naman na nakaharap sya ngayon sa malaking piano. Lumapit naman ako sknya.
"Marunong ka?". Tanong ko naman sknya.
"Yaa. Piano at guitar lang ang alam kong strument". Napangiti naman ako doon. Ang talented din ng babaeng to.
"I see. Sge nga kantahan mo ako". Ngumiti naman sya at nagsimula na sa pag piano.