ANDY POV :
Anong meron? Bakit nagkakagulo ang mga tao dito sa school.
"Anong meron chummy?". Sabay hikab ko. Inaantok pa talaga ako.
Anong oras na ba ako nakatulog? I guess 3:00 na ng madaling araw. Hindi ako pinatulog ni marie. Oops! Hindi ko sya kasama kagabi, sadyang hindi ko lang makalimutan yung snbi nya.
God! Hindi ko nga alam kung ilang oras ako nababad sa shower kagabi. Para lang maalis ang init ng katawan ko. Simpling salita lang ni marie, pinainit nya ang katawan ko.
Hindi naman sa minamanyak ko si marie. Pero damn! Nakakaakit ang babaeng yun. Lumalabas ang pagiging devil ko. Pinapasalamat ko na lang talaga na hindi ko lagi sya nakikita. Kahit papano nawawala ang pagiging devil ko.
At dahil sa pagiisip ko sa snbi nya, inabot ako ng madaling araw. Grabeng babae yun! Malakas din ang epekto nya sa akin. At mabuti naman hindi sumakit ang ulo ko. Dahil sa late kong pagtulog.
"Oo nga pala. Love month na! Kaya nagkakagulo ang nga students ng bringstone".
Oh i see. Kaya pala ganito kabusy ang mga tao dito. Pag love month na, nagiging busy na mga tao para sa darating na valentines day. Ang mga student council kse, ang valentines day ang pinakafavorite nilang activity.
"Maraming mag partner na naman ang sasaya". Nakangiting pagkakasabi ni chummy.
"Teka lang, hindi lang naman mga couple ang pwedeng mag enjoy aa". Sabat ko.
"Oo nga. Hindi lang naman para sa mga couple ang valentines day. Para sa lahat". Sabat naman ni lianne.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na ganito ichura ng babaeng to. Sguro nasanay lang ako na mukha syang nerd. Pero dahil sa transform na ginawa nya, hindi na lang ako ang binabantayan ni chummy.
Binabantayan? Oh ye! Binabantayan ni chummy si lianne dahil lumabas ang mga lalaking nagkakagusto sknya. Kung dati ako lang pinoproblema nya dahil sa mga nagkakagusto sa akin. Pati na din si lianne.
Nagbago nga si lianne, pero ang ugali nya hindi pa rin nagbabago. Nandyan pa rin yung tahimik sya sa ibang tao. Sa amin lang talaga sya kaopen. At mas gusto ko naman yun. Ayaw kong magbago sya.
"So chummy sino bang kadate mo ngayon?". Tanong ko sa bestfriend ko.
"Naaaa. Pass muna ako dyan. Ikaw na muna ang date ko". Nginitian nya ako.
"Hahahaha. Oh sure". Humarap naman ako kay lianne. "How about you Yan, sinong kadate mo?".
"Hmm". Mukhang may kadate na ang babaeng to. "Pwedeng ikaw na lang?". Napansin kong namula ang cheek nya.
"Oooow. Sure! So dalawa ang date ko. Magiging masaya ang valentines day ko!". Nagtawanan naman kami doon.
Natigil ang usapan namin ng nasa harapan na kami ng room namin. Napansin kong ang sama ng tingin sa akin ni lazaro. Hala! Bakit ganito naman sya makatingin?
Nagkibit balikat na lang ako, hindi ko na lang sya pinansin. Baka kse masama lang ang gising ng babaeng to. At hindi tama ang kulitin pa sya, baka umagang umaga makakuha ako ng sipa ar batok sknya.
Pagkatapos ng klase hindi ko na muna ginulo si lazaro. Ewan ko din ba, parang nailang ako bgla. Parang gusto ko munang umiwas sknya. Sguro bgyan ko muna sya ng pahinga, tsaka ko na sya aasarin. Hahahahaha.
Natapos ang araw na hindi ko pinansin si lazaro. Iniisip ko din kse kung bakit nagkakaganito ako kay lazaro. Hindi ko na din alam ang nangyayari sa akin e.
Pasakay na ako sa car ko ng marinig akong mga boses. Mga boses na nagsisigawan. Hindi ko na sana papansinin, kaya lang. Meron akong boses na narinig na kilalang kilala ko.
