ANDY POV :
Nakapasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko habang nakasandal sa isang bus.Tahimik akong nakikinig ng music na parang ako lang ang tao dito. Kahit napapansin kong nagkakagulo sa harapan ko. Haaaay! Nabobored na ako dito. Kanina pa kami nandito, Gusto ko ng umalis.
Ngayon ang pagpunta namin sa foundation ng school namin. Sa isang taon tatlong beses kaming pumupunta doon. Well, per-section ang pagpunta at ngayon, ang section naman namin ang pupunta.
Napaayos ako ng tayo ng may kumalabit sa akin. Napataas naman ang kilay ko ng sumulpot sa harapan ko ang mukha ni lianne. Tinanggal ko naman ang headset na nakasalpak sa tenga ko para marinig sya.
"My god! Kanina pa kita kinakausap. Kaya naman pala hindi ka nakikinig ay dahil may headset na nakasalpak sa tenga mo!". Inis na sabi nya. Hindi ko naman maiwasan hindi mapangiti.
Etong babaeng to, kahit naiinis na sya. Nandoon pa rin yung boses nya na napakamahinhin. Kaya nga gusto ko din inaasar ang babaeng to dahil sa boses nya e. Hindi ko pa naririnig na tumaas ang boses nya, laging napaka kalmado ng boses nya.
"Oh anong ningitingiti mo dyan?". Kinurot ko naman ang pisngi nya.
"Hmm cute cute mo talaga Yan". Binitawan ko naman ng mapansin kong nasasaktan na sya.
"Aray A. Pag talaga lumaki ang pisngi ko sa sa kakakurot mo. Ipapakidnap kita!". Hindi ko napigilang hindi matawa sknya.
"Napaka-Oa mo talaga Yan. Anyway, ano ba yang sinasabi mo?".
"Ang sabi ko umakyat na tayo. Dahil tayo na lang ang nandito".
Nilibot ko naman ang mata ko at tama nga sya. Nasa loob na ng bus ang mga kasama namin. At napansin kong ang sama ng tingin ni mam. Mukhang kanina pa sila naghihintay. Hinila ko na si lianne at pumasok sa loob.
Pagpasok ko nakaupo na lahat ang mga kasama namin. Tinignan ko kung may bakante pa, nang makita ko ang likod lang ang bakante hinila ko na naman si lianne. Doon na kami uupo sa likod.
"A naman e! Kanina kapa hila ng hila! Pag yang kamay ko naputol, talagang ipapakidnap na kita!". Pagmamaktol nya.
"Dont worry, kusa akong papakidnap non". Inirapan nya lang ako.
Nang makaupo kami, napansin ko naman na nasa harapan namin ngayon sina apple and ange. Lokong mga babaeng to, talagang nauna silang umupo sa amin. Hindi man lang talaga ko tinawag.
Nagsimula ng umandar ang bus. Hm ang alam ko isang oras lang ang byahe. Matutulog na lang ako, tutal inaantok din ako. Kinuha ko ulit ang headset at nilagay ko sa tenga ko. At doon ko na pinikit ang mata ko.
Nagising ako ng may gumigising sa akin. Si lianne lang pala, sinabi nya sa akin na nasa labas na daw mga kasama namin. Tumango naman ako at nagpasalamat sknya. After non bumaba na kami at pumunta sa mga kasama namin.
"Oh students nandito naba lahat?". Tanong ni mam.
"Yes mam!".
"Oh tara na!". Sumunod naman kami sknya.
Bringstone foundation, kung saan matatagpuan ang mga batang wala ng pamilya or ang mga batang hindi na kayang alagaan ang mga anak nila. Dito din napupunta ang mga batang, naliligaw ng landas.
Sa totoo lang naisip ko na lang dalhin dito si mindy. Dahil alam ko naman kung papano nila naaalagaan ang mga bata. Nakikita ko naman na maayos naman nila naalagaan ang mga bata, at pinaparamdam nila pagmamahal sa mga bata.
Pero naisip ko din sa dami ng mga bata dito, naaalagaan paba nila? Nakakaya pa bang hihandle ang mga bata. Kahit alam ko naman na ang kalahati sa mga bata dito sakit sa ulo. Sobrang makulit!
