ANDY POV :
tingin sa kaliwa, check! Tingin sa kanan, check! Tago dito, check! Tago dito, check!"Chummy mukha kang tanga".
"Sssssh. Wag kang maingay, baka may makarinig sayo".
"A ano ba yang ginagawa mo? Bakit kaba nagtatago? May naghahanap ba sya? Gumawa kaba ng kalokohan?".
Kalokohan nga ba ginawa ko? Hm nagbigay lang naman ako ng gift sknya. Yap! Tungkol sa binigay kong gift kay lazaro kaya nagkakaganito ang kilos ko. I dont know parang bgla akong nahiya sa ginawa ko.
"Tara na nga chummy. Pumasok na tayo sa room".
"Mauna na kayo. Sunod na lang ako sa inyo". Nakatago ako ngayon sa isang halaman.
"Alam mo pretty ikaw ng bahala sa kaibigan nating baliw". Tumingin sya sa akin. "Im sure hindi ka na naman nakainom ng gamot A. Mauna na nga ako". At umalis na si lianne.
"Chummy ano ba talagang ginagawa? Kanina kapa gnyan. Para kang may tinataguan".
"Wag mo na lang ako pansinin chummy. Sge na mauna kana sa room. Susunod na din ako".
"Oo na lang nga. Sge na alis na ako". At umalis na sya.
Balik school na pala kami, hindi ko alam ng bumalik ako kami sa school parang bgla akong nailang. Parang ayaw kong magpakita kay lazaro. Nailang pa rin ako sa ginawa kong pag bigay ng gift sknya.
Naalala ko ng binili ko ang monkey na stuff toy na yun, bgla ko syang naalala. Ayaw ko naman kse talagang ibigay sknya yun, parang pinanindigan ko na talaga na unggoy ako. Pero bgla akong naisip na kahit hindi ko sya nakakasama, makikita nya lang yung monkey na yun, maaasar ko pa rin sya. Hahahaha
About naman doon kung papano napunta sa bahay nila yun. Tinanong ko kay vyc kung saan nakatira si lazaro. Then binigay nya ang address, e dahil hindi ako pwedeng magpadala non. Pinadala ko na lang sa isa namin guard.
Doon naman sa number nya, hiningi ko din kay vyc. Mabuti na lang talaga mabait ang kaibigan nya at hindi sya nagtanong kung bakit nanghingi ako ng address at number ni lazaro.
"Anong ginagawa mo dyan?". Bglang lumaki ang mata ko ng marinig ko yun. Napatigil din ako sa pahinga ko.
Kilala ko ang boses na yun. Bago ko pa makita ang mukha nya, kumaripas na ako ng takbo. Pag dating ko sa room nakita kong nbgla ang mga kasama ko sa room.
Ikaw ba naman makita ang isang babaeng parang nakakita ng multo. Pawis na pawis ako! Peste! Ang layo kse ng room namin, kaya ganito ako kapawis.
"Uy chummy anong nangyari sayo?". Tanong nya ng makaupo ako.
"Naaaa.. Okay lang ako". Naghahabol pa rin ako ng hininga.
"Michelleeeee!". Napalaki na naman ang mata ko ng marinig ko yun. Dali dali kong kinuha ang isang book ng katabi ko at tinakpan ko ang mukha ko.
"Hey andy okay ka lang?". Narinig kong tanong ni Jt.
"Oo naman". Sumagot ako kahit hindi nila nakikita ang mukha ko.
"Ano ba yang binabasa mo?".
"Book. Hindi mo ba nakikita?".
"Sgurado kang book yan?".
"Oo naman. Tsaka wag ka ngang maingay. Seryoso akong nagbabasa".
"Hayaan mo na sya babe, mukhang seryoso syang magbasa ng cook book na nakabaliktad".
At dahil sa narinig ko na yun, tinignan ko agad ang binabasa. At parang gusto ko na lang matunaw sa kinakaupuan ko. Nakakahyaaaaaa!!
"HAHAHAHAHAHAHAHA!".