ANDY POV :
hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Tatlong araw na ang lumipas pero hanggang ngayon napapangiti pa rin ako.Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasama ko si lazaro doon. At nakapag stay pa sya doon ng matagal, nakipg laro at nakipg kulitan pa kali lola at sa mga bata.
Ang hirap paniwalaan talaga na nakisalamuha si lazaro kali lola. Kung titignan mo kse ang babaeng yun parang napakaarte, yung hindi mo mapupunta sa gnon na bahay.
Sabagay kung hindi sa pagiging curious nyang tao hindi sya mapapadpad doon. At dahil din sa pagiging curious nya namumuntikan syang mapahamak.
Naalala ko noon ng unang sya makapunta doon. Kasama nya ang dalawang kaibigan nya, nakita ko kse na may pinagtitripan na naman ang grupo ni kuya bruno. Nang lumapit ako nbgla akong si lazaro ang nakita ko.
Sa totoo lang, totoo lahat ang snbi ko kay lazaro. Na mabait sila kuya bruno, sadyang mapagtrip lang sila. Pero pag hindi ka nila kakilala, mapanganib silang tao.
Nang una kong makilala sila kuya bruno, natakot din ako. Halos muntik na ngang akong mahihi sa short non e. Hahaha pero sabi nga nila, walang hindi nadadaan sa usapan.
Matagal na akong napupunta sa lugar na yun, kaya kakilala na ako ng mga tao doon. Kung titignan mo sila, mukha silang mga masasamang tao. Pero pag nakilala mo sila doon mo makikilala ang tunay nilang ugali.
Sina lola? Ya nakilala ko sila sa kalsada noon. Dahil broken hearted ako non, naglalakad lakad ako sa kalsada, at doon ko sila nakilala.
Lagi ko silang pinupuntahan pag uuwe ako galing school. Nagdadala ako ng mga pagkain para sknila. At pati na mga libro na pwedeng basahin ng dalawang bata.
Isang araw bglang nasira ang bahay nila lola sa kalsada, mabuti na lang dumaan ako doon. At natulungan ko sila. Pinaghanap ko sila ng bahay, at doon ko sila dinala kali kuya bruno. Doon ko nakilala sina kuya bruno non.
Sina lola ang naging pangalawang pamilya ko, pag malungkot ako pupunta lang ako sknila. At mawawala na non ang lungkot ko, sila ang nagbibigay ng saya sa akin.
Mas naramdaman ko nga ang salitang pamilya kali lola kesa sa mga magulang ko. Kali lola nararamdamn ko yung may nagmamahal sayo, may nagaalaga sayo, may nagpapasaya sayo. Mas tinatawag kong pamilya sina lola.
Twing pasko at kaarawan ko, imbis na kasama ko mga magulang ko. Sina lola ang kasama ko, mas gusto ko silang kasama. Kse yung mga magulang sa sobrang busy nila nakakalimutan na nilang may anak sila dito.
Minsan nga naiinggit ako kay ate, kse sya nakakasama nya ang mga magulang namin. May nagbabantay sknya, may nagaalaga, at may nagmamahal sknyang nanay at tatay.
Kung titignan mo ako mukhang walang problema, pero sa totoo lang ako yung taong mahina. Malungkot at nangungulila sa mga magulang. Marunong lang talaga ako magtago ng emosyon.
Teka lang, habang papasok sa school nakikita kong nagtatakbuhan ang mga students. Tumatakbo sila habang nagsisigawan, anong meron?
"CHUMMMY!".
"Oh chummy". Hinalikan ko sya sa noo. "Anong meron bat nagtatakbuhan ang mga students?".
"Sa gym ang punta nila. Ngayon ang laban ng women's volleyball team natin. Tara na!". At hinila nya na ako.
Pag dating namin sa gym halos hindi na kami makapasok dahil sa dami ng tao dito. May mga banner akong nakikita. Ngayon pala ang opening ng volleyball.
"Go bringstone!".
"Waaaaaa! Laban bringstone!".
Bringstone? Well yan lang naman ang name ng school namin. Kalaban nila ngayon ang naka kuha ng 2nd runner up last year.
![](https://img.wattpad.com/cover/87100008-288-k227313.jpg)