eighty four

4.8K 86 0
                                        

MICHELLE POV :
Kanina pa ako nagpipigil na hindi tumayo dito sa pwesto ko. Gusto ko na talagang pumasok doon.

"Hoy ano! Umayos ka nga! Tignan mo yan!".

"Boooo!".

"Shit! Ang tanga nya!".

"Masasapak na kita! Ayusin mo!".

Yan ang mga naririnig ko ngayon sa mga kasama ko. Puro galit ang mga tono nila. Nanonood kami ngayon ng finals ng women's basketball. Nasa finals na naman ang team namin. Pangatlong taon na nila.

Kung titignan mo ang laro, masasabi mo ngang makukuha nila ulit ang championship crown. Pero hindi gnon kadali, lalo na nandadaya ang kabilang team. Oo, nandadaya sila ngayon! At yun ang nakakainis!

Papano ba naman puro siko, paghila ng jersey ang ginagawa ng kabilang team sa team namin. Hindi ka maiinis non! Pero ang nakakainis yung mga referee! Harap harapan na nilang nakikita, wala lang sknila.

Lamang ang team namin, pero kahit lamang sila makikita mo ang paghihirap sa mukha nila. Dahil sa sakit na nakukuha nila sa kabilang team. Lalo na si andy, sya ang laging tinatarget ng kabilang team.

"Hoy foul yun! Ano ba ref!".

"Letcheng referee yan! Ang tatanga!".

"Sino mga referee na yan at ng mapa-salvage ko!".

Kanina pa din nagwawala ang mga katabi ko lalo na ang mga kaibigan ko. Pinipigilan din nila ang sarili nilang sumugod doon sa court. Lalo na ako, sobrang pigil ang ginagawa ko ngayon.

"Foul! Number 15!".

"What?! Papanong naging foul yun! Sya nga ang tumulak kay andy!".

"Hoy tangang ref! Umayos ka! Nasa teritoryo ka namin!".

"Mommy si Mm". Oo nga pala, nakalimutan kong kasama ko pala ngayon si mindy.

"Ssssh, dont worry baby. Malakas si Mm okay".

"Anong klaseng paglalaro yan. Ang dadaya naman nila!". Sabi ni ate anne. Kasama ko din sila pati na din si ate ivy.

"Papano po kse ate anne, dalawang beses ng natalo ng team namin ang team na yan. Hindi na sila makakapayag na matalo ulit sa finals. Kaya ayan, naglalaro na sila ng madumi". Pagpapaliwanag ni ange sknya.

"Grabe naman! Physical na yang ginagawa nila. Kung hindi lang matitibay mga katawan nila, panigurado kanina pa bagsak ang mga yan. Lalo na si andy".

"Fuck! Foul na naman sa atin! Ang tanga ng ref!". Naririnig namin ang sigaw ni alyanna. Nasa likod lang kse kami ng bench nila.

"Ang boboo ref!". Sigaw ng teammate nila.

"Stop! Wag kayong magsalita ng gnyan, baka marinig kayo!". Saway sknila ng assistant coach nila.

"Foul number 15! Fourth foul!".

Nakita namin na nagtatakbo sa bench si andy habang nasa ulo nya ang dalawang kamay nya. Kitang kita kong frustrated sa mukha nya at ang pagkainis dahil sa nangyayari. Naririnig ko na din syang nagmumura.

"Damn! Fourth foul na si andy, isang foul na lang matatanggal na sya". Kinakabahan na sabi ni Rr.

Nasa fourth quarter na kami, at nakikita ko sa oras nasa tatlong minuto na lang ang natitira. Lamang ng lima ang team namin, makakaya paba nilang ihandle ang paglamang nila lalo na nanganganib mapatalsik ang captain nila.

"Andy calm down!". Sigaw sknya ng coach nila.

"Coach papano ako hihinahon! Nandadaya na sila! At yang mga referee na yan! Ang tatanga nila! Fuck them!".

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now