MICHELLE POV :
"kse kung unggoy ako. Hindi mabubuhay ang unggoy kung walang banana. Bye lazaro!".
"kse kung unggoy ako. Hindi mabubuhay ang unggoy kung walang banana. Bye lazaro!".
"kse kung unggoy ako. Hindi mabubuhay ang unggoy kung walang banana. Bye lazaro!".
Nagpaulit ulit sa utak ko yan. Hindi ko alam kung ilang beses nagplay sa utak ko, imbis na mairita ako. Nakaramdam ako ng kilig? Omygod! Dont tell me kinikilig ako.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!".
"Shit! What the hell michelle!". Tinakpan ko agad ng unan ang mukha ko.
Nakakahiya ka michelle! Bakit ba hindi mo napigilan ang pag sigaw! Nakakainis. Nakalimutan kong nasa sala pala ako ngayon, wala sa room. Ugh! Bwisit!
"Hoy!". Biglang nawala ang unan sa mukha ko. "Anong sinisigaw.. Teka lang, bakit namumula ang mukha mo dyan?".
Dahil sa sinabi ng bruha kong ate, agad kong hinawakan ang dalawang pisngi. Gosh! Ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko. Namumula nga ako.
"Ugh! Kasalanan mo to unggoy!".
"Ano na naman ba ginawa sayo ni andy?". Tinaasan ako ng kilay ng ate ko.
"Wala!". Sabay irap ko sknya.
"Asus! Pinakilig ka na naman ng unggoy mo no. Namumula ang cheek mo". Tinakpan ko kagad ng unan ang mukha.
Letche! Bakit ba hindi pa nawawala ang pamumula ng pisngi ko. Ganito ba epekto sa akin yung sinabi ng unggoy na yun. Nakakainis! Hindi dapat ako kinikilig, pero hindi ko mapigilan hindi kiligin! Nakakainis.
"Mukhang nakagawa na naman ng move ang unggoy na yun. Akalain mo nga naman napapakilig ka din pala ng unggoy". Natatawang sabi nya. Inirapan ko naman sya.
"Tigilan mo ako ate! Tsaka pwde bang wag na wag mo syang tatawagin na unggoy! Ako lang ang may karapatan na tumawag sknya ng unggoy!".
"Wow! Sobra mo naman angkinin si andy! Hahahaha".
"Che! Tigilan mo ako. Tsaka". Tumayo ako ngayon sa harapan nya. "Dba ang sinabi ko sayo tigilan mo na si andy! Ate wag sya!". Tinaasan nya lang ako ng dalawang kilay.
"Ayaw mo naman sknya dba. Kaya sa akin na lang sya". Tumalikod na sya. "At michelle tigilan mo ako sa kaartihan mo!".
"Ate naman e!". Sumunod ako sknya. "Type mo ba talaga si unggoy?".
Humarap naman sya sa akin. "Hm kung sasabihin kong oo, hahayaan mo ba syang mapunta sa akin".
Biglang nagflashback sa akin ang mga ngiti nya, pati yung pangaasar nya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit. Ayokong makitang ngumingiti sya sa iba, ayokong may inaasar syang iba. Gusto ko ako lang! Sa akin lang dapat.
"Ayoko ate". Mahinang pagkakasabi ko. Pero alam kong narinig nya yung sinabi ko. "Ayokong mapunta sya sa iba. Ayoko".
Narinig ko naman yung pagbuntong hininga nya. "Ang labo mo talaga. Sobrang labo mo michelle".
"Ate".
"Kung ayaw mo syang mapunta sa iba, tigilan mo yang kaartihan mo!".
"Hindi naman ako nagiinarte ate". Pagmamaktol ko sknya.
"E ano yang ginagawa mo? Tinutulak mo syang palayo sayo. Pinipilit mong magmahal ng iba para mapigilan yang nararamdaman mo kay andy. Tapos ayaw mo syang mapunta sa iba. Sabhin mo sa akin ngayon na hindi ka nagiinarte". Tinignan nya ako ng seryoso. "Kung ayaw mo talaga syang mapunta sa iba, umayos ka michelle. Pero kung hindi mo aayusin, pasensyahan na lang. Aagawin ko sayo si andy, kahit magalit kapa sa akin". At iniwan nya akong magisa.
