ANDY POV :
Haaaay! Ang sarap talagang batukan ang babaeng to.
"Sandali lang naman yun captain. Madali lang talaga".
"Ang dami mong pwedeng kalimutan yung pang binigay na listahan ni coach". Inis na sabi ko sknya.
"Sorry na cap. Nagmadali kse kanina sa donna e".
"At sino na naman yang donna na yan? Bago mo na naman kalandian!".
"Uy hindi cap. Friend lang kami non".
"Friend mo mukha mo!".
"Oo nga cap". Hindi ko na lang sya pinansin.
Dito sa babaeng to, tatanda ako ng maaga. My god! Lagi nyang napapainit ang ulo ko. Isip bata kse ang baliw na to e.
Ang dami nya pwedeng kalimutan yung listahan pa. Listahan ng mga player na women's basketball team na sasali sa seam games. Sa akin pinahawak ni coach yun e. Pinahawak ko lang kay El dahil may dinaanan pa ako sa library.
Oo kasali kami sa sea games na yun. Nabigla nga ako, pero mas nabigla ako ng sabhin na ako ang magiging team captain. Kaya kanina ng makita kami ni lazaro sa gym, seryoso kaming naguusap ni coach about sa pagiging team captain ko.
About sa sea games, sobrang saya ko! Hello! Pinangarap kong makapaglaro sa ibang bansa. Yung mapapakita mo ang galing mo sknila. Sobrang saya ko talaga ng malamn ko yun.
Tatlo sa team namin ang kinuha. Ako, si alyanna at si el. Dapat si joy ang kukunin, kaya lang kaylangan ng isang senior na makakasama ang mga bagong rookies.
Naalala ko na naman si lazaro. Hindi ko alam na ganon pala ako kalakas kay tadhana, akalain mo nga naman na pinagsasama talaga kami ni lazaro. Maeenjoy ko talaga ang sea games.
"Michelle!".
"Patigilan nyo sila!".
Napatigil kami ni el sa pag pasok sa gym ng marinig namin ang sigawan na yun. Nagpalitan kami ng tingin ni el. At sabay kaming pumasok gym at nabigla ako sa nakikita ko.
Si la..zaro! Lazaro! Nakikipagsabunutan sa isang babae. Hindi ko alam na ganito pala ka amazona si lazaro. Natulala lang ako sa nakikita ko ngayon.
"Hoy ano ba! Patigilin nyo sila!". Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni el.
Dali dali akong lumapit sa lugar nila. Hinila ko agad si lazaro doon sa babae. God! Ang lakas ng babaeng to. At the same time, ang bigat pala ng babaeng to. Payat lang syang tgnan pero ang bigat nya.
"Let me go!". Nagpupumiglas sya sa akin.
"No! Stop!". Sigaw ko sknya.
"Let me go! Hindi pa ako tapos!". Grabe. Galit na galit sya.
"Mich please". Mahinahon na pagkakasabi ko. At parang napatigil sya don.
Bgla syang tumingin sa akin. "A..ndy".
Napangiti lang ako sa pagbanggit nya ng pangalan ko. "Ya its me". Nginitian ko lang sya.
"LAZARO! RIVERA! GO TO THE OFFICE NOW!". Lahat kami napatigil ng marinig namin ang boses na yun.
"Co..coach jai". Nauutal na snbi ni chelsy.
Naunang naglakad si coach. Dahan dahan kong binitawan si lazaro. Yung babaeng nakasabunutan ni lazaro, tinignan lang nya ng masama si lazaro at sumunod na sa office.
"Go na lazaro". Bulong ko sknya. Hinawakan ko ang kamay nya.
Grabe! Nanginginig ang kamay nya. Pinisil ko ang kamay nya at naramdaman kong narelax naman sya sa ginawa ko. Napatingin lang sya sa kamay ko.
