forty five

5K 93 12
                                    

MICHELLE POV :
Sinundan ko ng tingin ang kotse ng unggoy hanggang mawala sya sa paningin ko.

Nang masigurado kong wala na ang unggoy. Tinignan ko naman ngayon ang babaeng nasa pintuan. Hindi nya alam kung anong ginagawa nya! Nakakainis din ang babaeng to. Kung hindi lang sya matanda sa akin, sinabunutan ko na din sya.

"Anong tingin yan sissy?". Hindi ko naman sya pinansin. Nagdaradaretso ako pumasok sa loob.

"Mam may gusto po ba kayong meryenda?". Biglang sulpot ni yaya sa harapan ko.

"Wala". At tumuloy na ako sa room ko.

Pagdating ko sa room pinaghahampas ko na naman ang unggoy na stufftoy. Nakakainis yung unggoy na yun! Kahit saan napakalandi nya! Kahit sino pinapatulan nya! Nakakainis na sya! Lalandi na lang sya, yung talagang nakikita ko pa!

"Bwisit! Letche! Ugh! Nakakainis ka unggoy!".

"E baka naman masira yan sa ginagawa mo". Hindi ko naman sya pinansin.

Napansin ko naman na pumunta sya doon sa may bandang table ko. At umupo doon sa chair. Hindi ko sya pinapansin sa ginagawa nya, pero alam kong pinagmamasdan ako ng babaeng to. Nagoobserved sya nyan.

"Akalain mo nga naman oh. Ang babaeng kinukwento mo sa akin at ang babaeng kinukwento ko sayo. Ay iisa lang". Lalo akong nainis sa mga sinasabi.

"Shut up!".

"Kaya pala hindi na ako magtataka kung bakit nagkakagusto ka sknya. E kagusto gusto naman pala yung nagugustuhan mo".

"Shut up! Shut up!".

"No you shut up! Nageenjoy ako sa ginagawa ko kanina. Tapos bigla mo lang sya hihilahin para paalisin. Kabastusan ang ginawa mo michelle". Tinignan ko naman sya ng masama. "Wag na wag mo akong titignan ng masama michelle".

"Kung maglalandian kayo, wag dito sa bahay ate. Mahiya ka naman".

"Mahiya? Ikaw ba nahiya ka sa ginawa mo? Bigla mo na lang sya pinaalis".

"Hindi sya welcome dito sa bahay!".

"Sayo lang! Nakita mo naman kung gaano sya ka welcome ni mommy. Sayo lang michelle!".

"Ugh!". Napasabunot na lang ako sa buhok ko. "Nakakainis! Nakakainis!".

"Hahahahahahaha!".

"Wag ka ngang tumawa! Lalo lang ako naiinis!".

"Hindi ko alam kung hanggang kaylan mo mapipigilan yang nararamdaman mo e. Kahit lumalabas na sya".

Napahinga naman ako ng malalim. "Ayun nga ate e. Kahit anong pigil ko, hindi ko magawa. Lalo na pag nakikita ko syang may ibang kasamang babae. Parang gusto ko silang hilahin! Wag na wag lang silang didikit kay unggoy! Ayokong may dumidikit sknya! Ayoko!". Tinignan ko naman ang ate ko na nakataas ang isang kilay. "Lalo na ikaw! Ayokong dumidikit ka sknya!".

"Oh easy ka lang sissy". Umupo naman sya sa kama ko. "Alam mo kse sissy, kung ayaw mong nakikita syang may kasamang iba. Alam mo na gagawin mo".

"I cant. Alam mo naman na hindi pwede ate".

"E sayo lang naman hindi pwede. Ewan ko ba sayo, ako ang nasaktan. Ikaw naman ang hindi makapagmove on. Para ka namang sira michelle".

"Anong magagawa mo ate, ayokong masaktan ng katulad sayo. Tignan mo yung ginawa sayo nung katulad ni andy. Hanggang ngayon hindi mo pa rin nakakalimutan. Hanggang ngayon hindi kapa rin nakakapagmove on sknya".

"Hindi naman kse ako nagmomove on sissy. Ayoko syang kalimutan dahil hanggang ngayon umaasa akong babalik sya sa akin". Humiga sya sa kama ko. At niyakap ang isang unan ko.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now