MICHELLE POV :
nakakainis naman si ate! Muntik pa akong malate sa ginawa nya."Hi michelle!".
"Yow lazaro!".
"Damn! Pare ang ganda talaga ni michelle!".
"Ang swerte ni prince sknya no bes".
"Oo nga e. Sana sila na talaga no".
Haaay! Pag nakakarinig talaga ako about sa amin ni prince. Bakit parang hindi ako kinikilig? Dba dapat kinikilig ako kse pinaguusapan nila ang love story namin. Pero bakit hindi.
"Akala ko naman close na sila ni andy".
"Yun nga din ang akala ko e. Ang cute kaya nilang tignan dalawa".
"Namimiss ko ng makita yung pagbabangayan nila michelle and andy".
"Bakit hindi ko ng nakikitang kinukulit ni andy si lazaro?".
"Hindi mo ba alam girl, nagkasagutan ang dalawang yan. Kalat na kalat kaya sa facebook yan".
Tumaas naman ang dalawang kilay ko sa narinig ko. Letcheng mga babae to! Kung makapagkwentuhan sila akala mo wala sa harap nila pinagkukunwentuhan nila. Tsaka, hanggang ngayon ba naman trending pa yan.
Oo, yung naging sagutan namin dalawa ni anderson kumalat sa facebook. Hindi ko lang alam kung sinong demonyita ang nagkalat non. Dahil sa video na yun, naging masama akong tao. Ang sarap patayin ng taong nagvideo na yun dba!
Kung ano ano na lang nagtatangap na kong salita sa mga ibang tao. Lalo na sa mga LGBT, kung ano ano masasakit na salita ang pinagcocomment nila. At samantalang ako naman, pag nakakabasa ako ng gnon wala, tatahimik na lang ako.
One week yatang nagtrending ang usapan na yun, mabuti na lang agad inayos ni dad. Pinagtataka ko nga kay dad bakit hindi man sya nagalit. Hello! Nasangkot lang naman ako sa video na yun. Pero hindi naman sya nagalit. Nakakapagtaka dba.
Si mom medyo nagalit sa ginawa ko. Ang akala nya daw kaibigan ko si anderson, dahil nakikita nya naman na nagkukulitin kami. Two days nga akong hindi kinausap ni mommy e. Pero sympre hindi ko naman matiis yun kaya ako na nakipagayos sknya.
About naman sa ate ko kahit sabihin nyang naiintindhan nya ako, alam ko naman na nagtatampo din sa akin yun. Sympre sinabihan ko si anderson ng masasakit na salita tungkol sa kasarian nya. Edi parang nadamay na doon si ate, nakalimutan kong may ate pala akong third sex.
"Uy michell!". Nabigla naman ako ng may humablot sa kamay ko.
"Ay!". Tinignan ko naman ang humawak sa kamay ko at hindi ko alam pero biglang tumaas ang isang kilay ko sa taong to.
"Saan ka pupunta?".
"Bitawan mo ako". Binitawan naman nya ako. "At bakit nagtatanong ka ng gnyan?".
"Wala lang". Tinaasan nya din ako ng kilay.
"Okay". Tumalikod na ako.
"Kung ako sayo, wag ka ng gumala pa. Papasok na nyan tayo baka malate pa tayo". Abat! Ano bang gagawin ko, papasok na kaya ako sa room.
Humarap ako sknya. "Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Papasok ako, hindi ako gagala".
"Talaga? E bakit hindi kapa pumasok?".
"Alam mo mansa.. Ay este apple". Oo, sya ang kausap ko ngayon. "Alam mo makulit ka din e. Papasok na nga ako!".
"Saan ka nga papasok? E dito ang first class natin". Turo nya sa room.
At dahil sa sinabi nya, parang gusto ng magpalamon sa lupa! Nakakahiya! Dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namamalayan na sumobra na ako sa room namin. Ugh! Ang nakakainis si mansanas pa ang nakapansin sa akin.
