MICHELLE POV :
alam nyo yung tipong tanong ka ng tanong, wala naman sumasagot. Yan! Gnyan ang nangyayari sa akin ngayon."Dad saan ba tayo pupunta?".
"Hiha relax ka lang dyan. Malalaman mo din kung saan tayo pupunta".
See? Pangilan tanong ko na ba yun. Hindi ko na mabilang. Nakakasawa din magtanong sa mga taong ayaw naman sagutin ang mga katanungan ko. Nakakainis at nakakabwsit lang sila ng araw!
"Honey hindi kapa ba tapos?". Sigaw ni dad.
"Eto na patapos na". Nakita na namin na bumaba na sa hagdan si mommy.
"Oh anong meron?". Nagtatakang tanong ni ate ng dumating sya.
"Sakto nandyan kana anne. Magbihis kana may pupuntahan tayo". Nagtaka naman sya sa sinabi ni daddy.
Napatingin sa ate at binigyan nya ako ng anong-meron-look. Nagkibit balikat lang ako, wala naman akong alam e. Hindi naman nila sinasagot ang mga tanong.
"Okay". Yun lang nasabi ni ate.
"Anne bilisan mong kumilos. Kilala kita hiha". Natawa na lang kami kay daddy.
Oo nga pala, kung sa bilisan sa pagkikilos ang usapan. Laging talo si ate, hindi ko nga alam kung anong ritual pa ang ginagawa nya sa loob ng room nya e. Hahahaha sobrang bagal nyang kumilos!
"Yes dad". Umakyat na agad sa taas.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago bumaba si ate. Kung hindi pa sya sinigawan ni mommy hindi pa sya bumaba. Hahaha nakurot pa sya sa tagiliran. Napasimangot tuloy sya.
Papunta na kami ngayon sa pupuntahan namin. Pati si ate nagtatanong na din kung saan kami pupunta, ni pati sya hindi sinasagot nila mom and dad. Kung hindi ko pa sya pinigil, baka hindi na sya titigil magtanong.
"Saan nga ba kse tayo pupunta sissy".
"Ate wala akong alam". Tinago ko ang phone ko. "Kamusta naman ang work ate?".
"Work pa rin". Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Haaay fine! Medyo may problema ngayon sa company, pero naaayos din namin".
"Oh i see. Kaya pala lagi kang late umuuwe. Akala ko naman may date ka lang lagi kaya late ka umuuwe". Tumawa naman sya sa sinabi ko.
"Naaaa. Next time na lang yun, pag pwede na si andy". Tinignan ko naman sya ng nakakamatay na tingin.
Hindi nya na lang ako ako pinansin. Etong bruhang to talaga hindi titigil hanggat hindi nya ako napapagalit. Alam na alam nya kung papano ako maasar e. Ang sarap nyang sipain palabas ng kotse. Ugh!
Makalipas ang ilang minuto tumigil kami sa isang bahay. Hm bahay ba matatawag ko? Para nga syang mansyon e. Ang laki naman ng bahay na to. Mukhang may alam na ako sa nangyayari.
"Dad may dinner date kaba sa business mo?". Pati si ate alam nya na din.
"Yap. Pero hindi sya business, bonding namin sya. Ngayon na lang kse sya umuwe e, kasama ang asawa nya". Tumango na lang kami.
Pumasok na kami sa loob, wow! Kung sa labas maganda na. Mas maganda pala sa loob, ang linis pa. Hmm! Ang bango bango pa sa bahay na to. Sino naman kaya ang friend ni dad.
"Sir maghintay lang po kayo. Bababa na po si sir". Tumango naman si dad.
Nasa entertainment room kami, tumitingin ako sa paligid. Hm wala akong makitang picture, yung picture ng may ari ng bahay na to. Puro book lang ang nakikita ko dito.
"Mikael!". Napaayos ako ng upo ng may pumasok na lalaki.
Gosh! Ang gwapo naman nito. Mukhang kasing edad lang sya ni dad. Pero ang gwapo nya. May lahi yata ang isang to, dahil medyo may pagkaforeigner ang dating nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/87100008-288-k227313.jpg)