MICHELLE POV :
"Honey ano ba!".
"Ikiss mo muna nga kse ako".
"Yak! Mandiri ka nga pandy!".
"Ayaw mo na akong ikiss? Parang kaylan lang ninakawan mo ako ng halik".
"Uy kaylan yan? Bakit hindi ko alam".
"Bsta! Ikiss mo na lang ako".
"E bakit kita ikikiss? Hindi naman kita partner".
"Oh bakit? Malandi ka naman e. Kahit sino hinahalikan mo. Kaya pwede mo akong halikan".
"Ay grabe ka! Makalandi ka naman. Hindi nga ako humahalik ng iba. Tsaka wag mo ngang sabihin yan. Baka maniwala pa sila sayo".
"Oh halikan mo na lang ako dali".
"Ugh! Ayoko nga!".
"BLAAAAAAAAAG!".
"Pwede ba magsitahimik kayo! Kung maghaharutan lang kayo dito! Lumabas kayo! Letche!".
Mga walangyang malalandi to! Nakikitang may nagbabasa dito tapos ang iingay nila. Kung makapagingay naman sila parang wala naman silang kasama. Ugh! Nakakainis sila. Lalo na tong taong mansanas na to.
Papano ba nan kanina nya pa hinaharot ang unggoy ko. Oo sila nga ang naghaharutan dito sa room. Dahil nga hindi dumating ang prof namin, nakatambay lang kami ngayon sa room. Kaya eto nagiingay ang dalawang yun.
Pinipigilan ko naman sarili kong wag pansinin sila. Pero nabibiwisit ako sa panglalanding ginagawa ng mansanas na to sa unggoy ko. At mas nabibiwisit ako sa unggoy na to.
Pwede nya naman kseng iwasan ang taong mansanas na to dahil nilalandi sya dba. Pero hindi nya iniiwasan, sabagay gusto nya din yung may lumalandi sknya. Tch! Malalandi sila!
Gusto kong magfocus sa binabasa ko kahit naman alam kong hindi doon nakatuon ang pansin ko. Ugh! Kahit kse ayoko silang pansinin, hindi ko mapigilan na pansinin sila. Nakakainis sila!
Pero sympre mas nakakainis ang sarili ko. Bakit ba kse nagpapaapekto ako sa ginagawa nila. Dapat wala akong pakelam sknila e. Dapat wala! Pero hindi ko mapigilan ang magreact sa bawat ginagawa nila.
Pagkatapos kong bawalin ang dalawa. Ayun natahimik naman sila. Dapat lang na manahimik sila baka ibato ko sknila ang dalawang upuan na inuupuan nila ngayon. Tignan ko lang kung hindi sila matatahimik non.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa, pero parang may iba akong pakiramdam. Yung parang may tumitingin sayo, gnon yung nararamdaman ko. Nilibot ko ang paningin ko, wala naman nakatingin sa akin. Hanggang dumako ang tingin ko sknya.
Nakatingin din pala sya sa akin. Bakit hindi ko maalis ang tingin ko sknya. Naaakit na naman ba ako sa tingin ng unggoy na to. Hindi ko maalis talaga, parang nakaglue ang mata ko sknya.
Bigla naman kumabog ang dibdib ko ng bigla syang ngumiti. Kitang kita ang mapuputi nyang ngipin. Holymolly! Parang nagblush ako sa ginawa nyang pagngiti sa akin. Letche unggoy! Tigilan mo yang pagngiti mo, baka hindi ko mapigilan na halikan ka.
Haaassh! Ano ba tong pinagiisip ko. Papano ba naman kse, sa twing napapadako ang tingin ko sa labi nya, parang inaakit akong halikan ang mapupulang labi na yun. Nakakainis!
"Oh saan ka pupunta mich?". Tanong ni chelsy.
"Mag c-cr lang". Tumango naman sya.
Papunta ako ngayon sa cr. Bigla akong tinawag ng kalikasan. Mabuti na lang hindi masyadong malayo ang building namin sa cr. Agad akong nakapunta sa cr. Ang tahimik naman sa paligid, hm baka nagkaklase sila.
