ANDY POV :
tignan mo nga naman. Pagdating ko dito sa school eto agad bubungad sa akin.Nanonood ako ngayon ng scene kung papano ipagsigawan ng lalaki na nanliligaw na sya agad sa dati nyang ex na magiging girlfriend nya ulit. Oh sge na! Kayo ng sweet dyan. Langgamin sana kayo, yung tipong mauubos ang balat nyo sa kakakagat ng mga langgam.
"Geeez! Ang bitter ko na ngayon". Inis na bulong ko.
Naging seryoso ang mukha ko ng makita kong niyakap ni prince si lazaro. Nakakarami na din tong gagong na to aa! At sympre papahuli ba si lazaro. Ayun! Gumanti din ng yakap. Ugh! Nakakabwisit ng araw to!
Napansin kong napatingin sa pwesto ko si lazaro. Nakita ko sa mga mata nya na parang nagtatanong. Well sguro nakita nya sa mga mata ko na nagseselos at naiinis ako sa nakikita ko ngayon.
Bago pa ako sumabog na parang bulkan, umalis na lang ako sa lugar na yun. Ayoko naman masira ang araw ko ngayon, lalo na valentines day ngayon. Kaylangan kong magenjoy ngayon muna.
Habang naglalakad lakad ako, naalala ko ang nangyari kagabi. Nanalo nga kami sa laro, talo naman ako pagdating sknya. Hindi pa nga ako nagsisimula, natalo na agad ako sknya.
Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, binuhos ko lahat sa alak. Nakalimutan ko pala na may celebrate kami sa pagkapanalo namin. Mabuti na lang sa bar namin ginawa yun, edi nabigyan ako ng chance para makainom.
Pero sympre pinagsisihin ko ang pagiinom ko kagabi. Dahil pag gising ko kaninang umaga, parang may tren na dumadaan sa ulo. Sobrang sakit! Sanang naniwala na lang ako sa ksabihan ni ate.
"Pag broken hearted ka, wag idaan sa alak. Dahil hindi lang puso ang masakit sayo. Pati ulo".
Kung ano ano lang pinapauso ni ate. Bago ako pumasok sa school yan ang snbi nya. Hmm papano nga ba ako nakauwe sa bahay? Ang alam ko sobrang lasing ko na kagabi e. Well, wala na akong pakelam don. Atlis nakauwe ako dba.
Pag kagising ko naman sa umaga, ayun! Armalite na bibig ni ate ang bumungad sa akin. Gusto ko sanang magreklamo sa knya kanina e, pakainin nya muna dapat ako bago sermunan. Dahil nauna ang sermon, wala tuloy akong ganang kumain kana.
"Haaay nako ate. Iba ka talaga". Napapailing na bulong ko.
Oo nga pala, hindi lang sermon ang nakuha ko kay ate. Kung hindi pati na din advice. Hahahaha nalaman nya din pala yung nangyari pagiging broken hearted ko. Hindi ko nga alam kung papano nya nalaman e.
Natandaan ko pa ang snbi nya. "Ano, magpapatalo kana agad? Aba! Ligawan pa lang sila kiddo. Walang sagutan pang nangyayari. At hindi mo naman sguro gustong mangyari yun dba? Kesa magmukmok ka dyan, magisip kana lang ng paraan kung papano talunin ang karibal mo".
Doon ako nagising, oo naman. Bakit ba ako nagpapaapekto, e wala pa naman na sagutan nangyayari. So may laban pa ako sa mokong na yun. Kaylangan ko ngayon, papano ako magsisimula sa 1st move ko.
Hmm sa ngayon wag ko na muna isipan ko. Kaylangan ko munang ienjoy ang sarili ko ngayon. Ayoko naman maging malungkot sa valentines day, kaylangan magpakasaya. Kahit single ako! Hahahahaha.
"Chummmmmy!". Oh nandito na pala ang hinahanap ko.
Aba! Ang daming chocolate na agad na hawak nya. At nakasunod sa likod nya si lianne. Maraming chocolate din ang hawak nya. Iba talaga ganda ng mga kaibigan ko. Dyosa sila! Hahahahaha.
"Oh marami rami yang hawak nyo aa". Pangaasar ko sknila ng makalapit sila sa akin.
"Wala gnyan talaga. Magaganda kami e". Nagtawanan naman kami ni lianne sa snbi ng baliw kong bestfriend.
