MICHELLE POV :
bigla akong napatayo ng tuwid. Ugh! Ano ba yang ginagawa mo michelle!
Dahan dahan akong tumingin sa taong nagpabalik ng wisyo sa akin. Biglang tumaas ang dalawang kilay ko sa nakikita. Talagang agad syang dumaretso dito, nakasuot pa syang office outfit.
"Hindi ka naman masyado atat makapunta dito ate". Oh ya, ang ate ko lang naman ang pinapunta ko dito.
Nang dalhin sa hospital si unggoy, si ate agad ang tinawag ko. At hindi ko alam bakit sya ang tinawagan ko, dba dapat ang magulang ng unggoy na to ang tinawag ko. Haaaay! Sa sobrang pagkataranta kanina hindi ko na alam ginagawa ko.
Nakaramdam ako ng pagkakataranta kanina ng makita kong pumikit ang unggoy. Nakakainis sya! Sinabing wag pipikit e. Pumikit ba naman, imbis na batukan ang gusto kong gawin sknya. Niyakap ko na lang sya.
Yi! Oo na, habang papunta kami sa hospital. Nakayakap sa akin si unggoy. Bigla akong natakot na mawala sya, ya! Gnon ang nararamdaman ko kanina. Lalo na ng makita ko syang binubugbog kanina ng mga panget!
Pauwe na dapat kami, nauna kami ng mga girls dahil may kinausap pa ang mga boys. Tapos pagdating namin sa parking lot gnon na lang ang nasaksihan namin. Sinampal si unggoy nung panget! Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko kanina.
Halong halo na pakiramdam ang naramdaman ko kanina. Merong natakot ako baka mapano ang unggoy. Nandoon yung galit, dahil sinasaktan sya. At kaba, dahil nakikita kong basag ang labi nya.
Bigla akong nanigas sa nakikita ko. Nagising na lang ako ng makitang lumapit doon si vyc at hinampas ang lalaki. Napabitaw ang lalaki kay unggoy, at doon ko na sya nilapitan. Bago pa makapagreact ang mga lalaki dumating na sina prince.
Nang malapitan ko sya, bigla akong nanginig. Hindi ko sya mahawakan ng maayos. Nanlambot ako ng makita ko syang malapitan, basag ang labi nya. Namimilipit sya sa sakit. At lalo akong kinabahan ng pumikit na sya.
"What happend?". Lumapit na din si ate. Nasa harapan ko sya ngayon. At nakatingin lang sya kay unggoy.
"Hindi namin alam ang kwento ate. Pero ang sabi ng mga kaibigan nya pauwe na lang sila ng may biglang sumulpot na mga lalaki at sinapak bigla si unggoy. Ang sabi ng sumapak sknya inagaw daw yata ni unggoy yung girlfriend nung lalaki. Ugh! Napakalandi talaga ng unggoy na to!".
Nang malaman ko ang kwento, imbis na maawa ako sknya. Inis pa ang naramdamn ko! Kasalanan nya naman pala kung bakit sya nabugbog, lumandi sya sa may boyfriend na. Oh edi bagay lang sknya ang mabugbog!
"I see. Lumandi na naman pala ang unggoy mo".
"Pwede ba wag mo lagyan ng "mo" yung unggoy. Hindi ko sya pagmamayari!". Inis na sabi ko sknya.
"Oh talaga?". Tumingin sya sa akin. "Pero ayaw mong may tumatawag na unggoy sknya. Gusto mo ikaw lang". Natahimik naman ako doon. "Ano natahimik ka no".
"Ewan ko sayo".
"Anyway, tinawag mo naba ang pamilya nya? Hm yung ate nya". Napansin kong umiwas sya ng tingin.
"Yung mga kaibigan nya bago umalis tinawagan nila parents ni unggoy. Pero sa narinig ko sknila. Yung ate ni unggoy ang nakausap nila".
"Aaaaaaa". Humarap sya ulit kay unggoy. "May pagkakahawig talaga sya sa ate nya".
"Huh?".
"Alam mo sissy ng una kong makita si andy, akala ko si avril na". Hm yung ate ni unggoy. "Naalala ko pa non natawag ko sya ng love non. Kamukha nya kse e, lalo na pag nasa malayo. Akala mo si avril talaga sya".
Tahimik lang ako, pag talagang naguusap na kami tungkol sa ate ni unggoy mas gusto ko na lang manahimik. Wala din naman akong sasabihin tungkol sknya e. At baka may masabi pa akong masama.
