ANDY POV :
Pinagmamasdan ko ang anak ko nakaupo sa isang bench. Ang cute cute talaga ng anak ko."Nagkakaintindhan ba tayo players?". Nabaling naman ang tingin ko kay coach. "Wala kayong practice ngayon dahil gusto ko magpahinga kayo. Bukas ang laban natin, gusto ko pag lumaban kayo bukas. May lakas kayo, ayokong nanghihina kayo. Kaya ngayon magpahinga kayo. Nagkakaintindhan ba tayo?".
"Yes coach!".
"Good. Sinong may mga pasok pa mamaya?". May mga nagtaas naman ng kamay. "Hm marami rami din pala kayo".
"Yung iba dyan coach, hindi naman talaga pumapasok". Pagsabat ni joy.
"Hoy pumapasok kami no!". Sabi naman ni pia sknya.
"Sguraduhin nyo lang na papasok kayo! Kayo naman walang pasok, magsiuwe na kayo. Wag na kayong gagala!".
"Yes coach!".
"Sge na. Good day!".
Lumapit naman ako agad doon sa pwesto ng anak ko. Natawa naman ako ng pilit nyang binubuhat yung bag ko. Hindi ko tuloy napigilan hindi panggigilan ang anak ko. Super cute nya talaga!
"Hihihihi".
"Cute cute mo talaga anak!". Binaba ko na sya at binuhat ko ang bag ko. "Tara alis na tayo".
"Okay po". Humawak naman sya sa kamay ko.
"Guys uwe na kami ng anak ko". Paalam ko sa mga kasama ko. "Say babye na sweety".
"Babye po!".
"Babye mindy!".
"Kita tayo bukas!".
"Lalaro ulit tayo mindy!".
Napangiti na lang ako sknila. Mabuti na lang talaga may mga teammate ako na nakakaintindi sa akin. Tinanggap din nila ng buong puso ang anak ko, ang sabi pa nga nila sila na daw ang mga ninang.
Nang ipakilala ko sknila ang anak ko wala akong narinig sknila na bad comments. Yan naman ang gusto ko sa teammate ko, nagkakaintindhan kami kahit hindi ko pa sinasabi sknila. Maswerte talaga ako sa mga baliw kong teammate.
"Unggoy". Napatigil naman ako sa pagbukas ko ng pinto ng kotse ko.
"Oh hi baby". Inirapan lang nya ako.
"Saan kayo pupunta? Dba may practice kayo?".
"Wala na. Pagpapahingahin kami ni coach. Alam mo na, laban bukas. Kaya kaylangan may lakas kami bukas". Tumango tango naman sya. "Ikaw saan ka pupunta? Wala ka ng pasok dba?".
"Papano mong nalaman na wala na akong pasok?". Nakataas ang dalawang kilay nya.
"Simpli lang, inalam ko ang schedule mo. Im you're baby. Dapat alam ko ang schedule ng baby ko". Umiwas naman sya ng tingin, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha nya.
Eto ang gusto ko pag inaasar ko e. Nakikita ko ang pamumula ng mukha nya, atlis masasabi ko na may epekto ang ginagawa ko sknyang pangaasar dba. Nagagawa kong pamulahin ang mukha nya.
"Gusto mong sumama sa amin?". Napatingin naman sya sa akin. "Doon muna tayo sa condo ko. Tutal wala ka naman din pasok, wala ka naman din gagawin dito".
"Okay". Pinagbukas ko sya ng pinto. "Thanks".
Agad naman akong tumakbo sa kabilang pinto. Pag pasok ko hindi ko maiwasan hindi mapangiti. Papano ba naman pagkaupo ni lazaro, lumipat si mindy sa harapan nya. At doon sya umupo sa lap ni lazaro.
Lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko kung papano sila magkasundo. Damn! Parang bigla kong naimagine na mukha kaming pamilya ngayon. May anak na kami dalawa ni lazaro. Hahahaha
