fifty five

5K 90 1
                                        

MICHELLE POV :
papano nga ba ako napunta sa sitwasyon na to? Papano kami napunta sa ganito.

Ang alam ko magkakasama kami sa room dahil nga break time. Nagpapahinga kami, then may dumating na lalaki binulungan si prince. Hindi namin alam kung anong binulong nung lalaki. Nabigla na lang ako ng hilahin ako palabas ni prince.

Magrereact na sana ako dahil sa paghila nya sa akin. Pero napatigil ako ng sabihin nyang alam nya na kung sino ang secret admirer ko. Nang sabihin nya yun nakaramdam ako ng kaba at the same time nakaramdaman ako ng excite, dahil makikita ko na din kung sino sya.

Pagdating namin sa parking lot, tatlong tao ang nakita namin na nasa harapan ng kotse ko. Tatlo ang taong na nakikita namin, pero nasa isang tao lang ang mata ko. Kahit nakatalikod, kilalang kilala ko sya.

Andy anderson, sya nga ang nakikita ko ngayon. Kitang kita namin kung papano nya nilagay sa hood ng car ko yung hawak nyang chocolate. Dahil sa nakita ko parang bigla ako napatigil sa nakikita ko.

Sya, sya ang secret admirer ko. Sya nga ba? Kung sya nga. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero nangingibabaw yung saya, saya dahil sya pala ang nagpapadala sa akin ng mga rose at chocolate.

Ang tagal kong gustong makita at alamin kung sino sya. Ngayon na nasa harapan ko na sya, parang hindi ako makapaniwala. Sya ang nagpapadala sa akin, sya ang secret admirer ko. Ang taong gusto ko.

Nagising lang ako sa pagkakatulala ng marinig kong nagsasagutan sina prince and anderson. Kitang kita namin ang galit sa mata ni prince. Samantalang ang unggoy naman na to, kalmado lang sya.

Bakit gnon? Nasaktan ako ng sinabi nyang hindi galing sknya yun. Hindi sya ang secret admirer ko. Bakit nasaktan ako! Kse umasa ako na sa sya ang secret admirer ko. Umasa ako! Nakakainis ka unggoy!

Dahil sa ginawa nyang pagpapaasa sa akin hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinausap ko sya ng malapitan at seryoso. Gusto kong manggaling sknya mismo na hindi totoo ang sinasabi ni prince.

Hindi totoo ang sinasabi ni prince na kaya nya ako kinakaibigan ay para mapalapit sya sa akin. Gusto kong marinig sknya na hindi totoo yun. At may gusto akong itanong sknya, kahit na magmukha na akong tanga sa itatanong ko.

Tinanong ko sya kung may gusto sya sa akin. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang kapal ng mukha at lakas ng loob para itanong ko sya. Pero gusto ko din malaman kung may gusto sya sa akin. Gusto ko malaman.

Napatigil ako ng marinig ko ang pagtawag nya sa akin ng pangalan. Pagdating talaga sknya ang sarap pakinggan pag tinatawag nya ang pangalan ko. Nakakarelax sa pandinig.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil hindi nya sinagot ang katanungan ko. Pero teka kung sasagutin nya man ang tanong ko anong mangyayari naman non? Hindi ko din pala alam.

Dahil hindi ko nakuha ang sagot. Parang may sumanib sa akin na masamang ispirito, at kung ano ano na lang ang sinabi ko sknya. Alam kong masasaktan sya sa mga sasabihin ko. Pero kung eto lang ang paraan para lumayo sya sa akin, sasaktan ko sya.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko sya kayang iwasan. Kahit na gusto ko syang layuan, kaya kung hindi ko magawa. Sya ang gagawa, sya ang kusang lalayo sa akin.

Pagkatapos kong sabihin lahat ng masasakit na salita tuluyan na akong naglakad. Peto napatigil ako ng sumigaw sya, nakaramdam ako ng takot ng marinig ko ang boses nya.

Dahan dahan akong tumingin sknya. At parang pinagsisihin ko na lang ang ginawa ko sknya. Nanghina ako bigla ng makita ko ang mukha nya, at mas nabigla ako ng may makita kong lumabas na luha galing sa mata nya.

"Ung..goy".

"I said stop lazaro, stop. Masakit na e. Masakit". Nanigas ako sa kinakatayuan ko. "Oo na lazaro, tanggap ko na. Tanggap ko na hindi mo ako kayang tanggapin! Pero t*ng*na! Ang gusto ko lang naman naging magkaibigan tayo! Yun lang naman ang gusto ko! Maging kaibigan ka!".

Baby, I Love YouStories to obsess over. Discover now