sixty nine

4.9K 88 0
                                        

MICHELLE POV :
anong meron? Bakit nagkakagulo dito sa kusina?

Papano ba naman ang dami nilang niluluto, lalo na si mommy. Nandito din sya para tumulong sa pagluluto. May party bang mangyayari mamaya? Bakit naghahanda sila ng marami?

"Anong meron?". Napatingin naman sa likod ko. Doon ko nakita ang ate ko na bagong gising lang.

"Wow! Ang daming pagkain". Sumulpot naman sa tabi ni ate si keith.

Oh ya, yung pinsan kong baliw nandito din sya. Hindi ko alam kung anong nakain ng babaeng to at pumunta sya kahapon sa amin. At hanggang ngayon nandito pa rin sya. Mukhang walang balak umuwe ang gaga.

Napatingin ako sa wall clock namin. Hm 3:30, hapon na pala. So para sa dinner ang hinahanda nila. Mukhang alam ko na to, may darating siguro na bisita si dad kaya may handaan mamaya.

Pag kse may ganitong handaan tapos dinner pa. Alam na namin agad na may bisita si dad. Sino naman kayang bisita ang darating, mukhang maraming bisita dahil marami talaga silang hinahanda e.

"Oh hi girls!". Napansin na pala kami ni mom. "Ano pang ginagawa nyo dyan? Bakit hindi pa kayo nagsibihis?".

"Magbihis? Para saan mom?". Tanong ni ate.

"May darating na bisita ang daddy nyo later. So alam nyo na ang gagawin nyo, ayaw ng daddy nyo na haharap kayo sa bisita na gnyan ang suot nyo". I knew it!

"Sino naman bisita yan mommy?". Lumapit na ako kay mommy para tignan ang ginagawa nya.

"Ayaw din sabhin ni daddy nyo e. Pero kilala nyo daw sila". Nagkatinginan naman kami ni ate.

"Kilala namin?". Sabay na sabi ni ate.

"Oo. Kaya magsiayos na kayo". Tumingin naman sya kay keith. "At ikaw keith, magayos kana din. Darating ang parents mo later".

"Im pretty sure susunduin na nila ako". Pagmamaktol nya.

"Talagang susunduin kana nila. May pasok kana bukas". Paalala ko sknya.

"Ang bilis naman matapos ng araw. Nakakainis!". Umalis na sya sa kusina.

"Oh kayong dalawa, hindi pa kayo magaayos?".

"Mom 3:30 pa lang. Ang aga pa. Tsaka what time ba magsisimula ang dinner?". Tanong ko sknya.

"Hm 6:00".

"I see. Pwede pa kaming matulog". Tumalikod na si ate. "Matutulog na lang ako ulit". Umalis na sya.

"Hm mom". Pagtawag pansin ko kay mommy.

"Hmmm".

"Sino po ba talaga ang darating?".

"Secret nga hiha. Pero kilala nyo sila". Binigyan nya ako ng makahulugan na ngiti.

"Haaay! Makaakyat na nga lang sa taas". Umalis na ako sa kusina.

Pagsapit ng alasais ng gabi, nagsibaba na kami lahat sa sala. Nakasuot kaming tatlo ng dress. Ako blue ang suot ko, samantalang si ate naman nakablack dress sya, si keith naman white ang suot nyang dress.

Pagbaba namin sa sala nabigla ako sa nakita ko. Nandito si prince, pati na din ang lalaking pinapartner ni daddy kay ate. Geo alvarez, akalain mo nga naman. Magpinsan pala sila ni prince.

Mukhang kilala nga namin ang mga bisita. Sila pala ang bisita na sinasabi ni mommy kanina. Pero kung sila lang naman bakit ang daming pagkain? Bakit parang ang bongga ng dinner namin ngayon.

"Honey darating ba sila?". Rinig kong tanong ni mommy kay daddy.

"Yes darating sila. Malapit na daw sila". Sino naman kaya ang pinaguusapan nila.

Baby, I Love YouStories to obsess over. Discover now