thirty

4.9K 92 0
                                    

ANGELICA POV :
apat na araw, apat na araw ng suspended si chummy. Namimimiss ko na ang babaeng yun.

"Pretty hindi mo na naman ginalaw ang pagkain mo".

"Wala akong gana ganda. Namimiss kong kasabay kumain ang bestfriend ko".

"Sorry". Napakunot noo naman ako sa snbi nya. "Kung hindi dahil sa akin hindi sya masususpended".

"Haynako lianne. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo nga kasalanan. Talagang gnon lang si andy, ayaw nyang napapahamak ang mga kaibigan nya".

Dalawang araw ding hindi pumasok si lianne dahil sa mga natamo nyang sugat. Buti nga hindi na halata ang mga nakuha nyang sugat. At buti na lang bumalik na din, ang lungkot kaya ang magisa lang dito.

Sa apat na araw na hindi ko nakasamang pumapasok si andy, parang may kulang. Walang nangungulit sa akin, walang nagpapatawa sa akin, walang nagbabawal sa akin pag may lalaki akong hinaharot.

Nakakamiss din pala ang baliw na yun. Kahit wala syang ginawa kung hindi mangulit at magingay lang pag magkasama kami. Mabuti nga nakasama namin si lianne, kahit papano may nagbabawal kay andy.

"Pretty dadaanan pala tayo mamaya nila el. Ihahatid nila tayo sa room". Napasimangot na lang ako sa snbi nya.

Simulang nasuspended si andy, nagkaroon kaming dalawa ni lianne ng guard. Kinausap ni andy yung mga team mate nya bantayan kami, kaya ayn may taga hatid kami sa room.

Speaking andy, ayun ang baliw kong bestfriend. Walang ginawa kung hindi samahan ang kanyang ate. Nagsasaya pa mo sya dahil hindi sya pumapasok, pero ayun kasama nya naman si ate ivy.

Bago ako papasok sa school dinadaanan ko muna sya. Pag dating ko sknila nakikita ko lang syang may ginagawa. And snbi nyang pinapagawa daw sknya yun ni ate ivy.

Parusa na din daw nya yun sabi ni ate. Dahil gumawa daw sya ng kalokohan. At kesa wala daw syang gagawin sa one week nyang hindi pag pasok, ganon na lang ang gawin nya. Ang mag training na sa company.

Wala na din magawa si andy, dahil ginamit na ni ate ivy ang pagiging ate nya. Hahaha kawawa tuloy ang bestfriend ko, pero para sknya din naman ang ginagawa ni ate ivy.

At oo nga pala, kahit hindi pumapasok ang bestfriend ko. Hindi naman sya nahuhuli sa klase, dahil lahat ng pinagaaralan namin. Sinusulat namin pareho ni lianne, at dinadaan ko na lang kali andy ang note.

Bigla ko na naman naalala kung gaano kagalit si andy ng may mangyari sa amin dalawa ni lianne. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang ganon kagalit, isa lang masasabi ko doon. Demonyo sya kung magalit.

Ilang araw din naging trending ang nangyari. Maraming natakot kay andy, ayaw na daw nilang makitang magalit ang isang andy anderson. Dapat lang! Dahil kakaiba sya pag nagagalit.

Mukhang anghel lang talaga ang bestfriend ko. Pero pag sya ang nagalit, makikita mo ang devil side nya. At yun ang ayaw kong makilala, dahil sobrang nakakatakot sya. Kaya nyang makapanakit.

Katulad na lang ni peter, nabigla ako ng makita ko ang mukha nya. Sobrang pamamaga ng dalawang pisngi nya. Kung hindi pa sguro napigilan ni lazaro si andy, baka talagang mapatay nya na si peter.

Speaking lazaro, lahat kami nabigla sa ginawa nya. Maraming nakakita sa ginawa nyang pagyakap. Ang daming nagtatanong bakit ganon ang ginawa nya? Hello! Alam namin hindi magkasundo ang dalawa yun or should i say na ayaw ni lazaro kay andy.

Tapos makikita na lang namin nakayakap sya kay andy. Pero yung pag yakap na ginawa nya, nakatulong kay andy. Bigla syang bumalik dati. Biglang nawala ang devil side ni bestfriend.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now