forty nine

4.9K 83 4
                                        

ANDY POV :
Sobrang liit, sobrang liit ng mundo naming apat.

Sino nga ba magaakala na ang babaeng gusto kong makilala, ay nakilala ko na. Hindi lang naging kilala, naging kaibigan at malapit pa sya sa akin. At take note, naging crush ko pa. Wow!

Marianne lazaro, ikaw lang pala ang babaeng tinutukoy ni ate. Well, hindi na ako magtataka kung bakit nahulog ang isang Avril Ivy anderson sayo. Kagusto gusto ka naman talaga. Oh ya, yan ang buong pangalan ni ate. Sya lang naman mahabang pangalan e.

Noong panahon na nagaaral sya, ginamit nyang pangalan yung avril caymo, dahil nga gusto nyang mamuhay na walang tulong ng parents namin.

Pumayag naman sila, dahil noong panahon na yun maraming nagtatangka sa buhay ng parents ko. Ayaw nilang madamay mga anak nila, kaya pumayag sila sa gusto ni ate. E ako, nasa probinsya ako noon may mga kasama ako.

Mabalik ako sa nangyari, kaya pala namutla si marie ng makita nya si ate. Pero teka lang, bakit marie ang binigay nyang pangalan sa akin? May alam ba sya na kapatid ako ng ex nya.

Pero hindi yun ang iniisip ko e. Bakit gnon? Ang alam ko si ate ang nasaktan. Pero noong mga oras na kasama ko si marie nakikita ko na hanggang ngayon nasasaktan sya sa ex nya na ate ko pala. At hanggang ngayon umaasa pa rin sya na bumalik si ate sknya.

Ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa? Hindi naman kse kinwento sa akin ni ate ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa. Ang alam ko lang hindi sumipot si marie sa dinner date namin noon. Yung panahon na makikilala namin sya. Tapos non, wala na akong alam sknya noon.

Napatingin ako bigla sa harap ko, bigla akong nakaramdam ng awa kay marie. Nahuli ko syang palihim syang nakatingin kay ate. Mahal na mahal nya pa talaga si ate. Nang mapansin nyang nakatingin ako sknya, umiwas sya ng tingin.

Napabuntong hininga naman ako. "Hm are you okay kiddo". Tumingin naman ako sa katabi ko.

"Im fine ate".

Napaangat naman ang tingin ko at doon ko nakita ang babaeng masama ang tingin sa akin. Eto pa ang pinoproblema ko e, kaya naman pala hindi ako matanggap ng babaeng to dahil pala sa ate ko.

Isa lang masasabi ko kay lazaro, ang babaw nya. Hindi naman sya ang nasaktan, kung kamuhian nya ang mga katulad namin. Akala mo naman sinaktan sya. Iba din tong amazona na to e.

Oo nga nasaktan ate nya, ate nya yun e. Mahal nya, pero yung ate nya hindi naman nya kinamuhian ang katulad namin. Pero sya, sukdulan ang galit sa amin. Lalo na sa akin, dahil ako ang kapatid ng nakasakit sa ate nya.

Minsan nakakainis din sya e, dinadamay nya ang mga taong wala naman kasalanan sknya. Kinain na sya ng galit, ako nga galit nga din ako kay marie dahil sa ginawa nya kay ate e. Pero hindi naman yung aabot ako sa point na damay ang lahat.

Oh ya, aminado akong galit ako kay marie. Pero noon yun, nung panahon na hindi ko sya kilala. Pero iba ngayon e, dapat nga mas magalit ako e. Dahil kilala ko na ngayon ang babaeng gusto kong makilala. Pero hindi ko kayang magalit sa kanya, lalo na nakikita kong mahal nya pa rin si ate.

Ano nga bang nangyari sa nakaraan ng dalawang to. Parang gusto kong malaman. Sino nga ba sa inyo ang nasaktan? Sino nga ba sa inyo ang may kasalanan? Aalamin ko ang tungkol sa nakaraan nyo.

"Andy andy". Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni mommy.

"Yes mom".

"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag. May problema kaba?".

"Naaa. Dont mind me mom, meron lang po akong iniisip". Nakita ko sa peripheral vision ko ngumisi si ate.

"Anyway pare, yang bang panganay mo may boyfriend na". Tanong ni daddy kay tito.

Baby, I Love YouStories to obsess over. Discover now