MICHELLE POV :
Sa buong buhay ko hindi pa ako napapahiya. Ngayon lang! Ngayon lang talaga.Hindi ko alam kung anong sumapi kay mrs. Cruz at yun ang ginawa nyang topic. Halos gusto ko ng ibato sknya ang table ko, dahil sa binigay nyang topic.
At habang nagsasagutan kami ng anderson na yun. Gusto ko na talaga syang patayin. Kung nakakamatay ang tingin ko, sguro kanina pa pinaglalamayan si anderson.
Lalo pa akong na bwisit sknya ng humingi sya ng sorry, anong magagawa ng sorry nya. Napahiya na ako! Napahiya ako sa mraming tao.
Umalis ako sa room at dumaretso sa gym at doon ako nag tagal. Lumabas lang ako ng gym ng nakita kong may gagamit sa gym.
Nang dahil sa inis ko hindi ako pumasok sa mga klase ko at hindi ako nagpractice. Im sure naguusok na ang ulo ni coach dahil wala ako sa practice.
Alam ko din na nagaalala na ang mga kaibigan ko. Dahil kanina pa sila tumatawag at nagtetext. Hindi ako sumasagot sa mga tawag at text nila. Gusto kong magpalamig muna.
Nang malaman kong wala ng tao sa gym. Bumalik ako doon, naglaro magisa ng volleyball. Binuhos ko lahat ng galit ko sa paglalaro.
Sa sobrang paglalaro ko hindi ko na namalayan ang oras. Ginabi na ako, pag labas ko ng locker room nakita kong sarado na ang mga ilaw.
Kung minalas ka nga naman, makakasama ko pa dito ang unggoy na to. Sa totoo lang, gusto ko na talagang hanapin ang tadhana na yan e, sobra na sya! Nakakagago na ang ginagawa nya sa akin.
Dahil madilim dito sa gym nakakaramdam na ako ng takot. Niyakap ko na ang mga tuhod ko. Nagsisimula na din akong manginig. Ayoko sa lahat talaga ang dilim, doon ako natatakot.
Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si anderson. At hindi ko din kung bakit bgla akong nakaramdam ng tuwa sa snbi nya.
"Wag ka ng matakot lazaro. Nandito ako". Lalo pa syang lumapit sa akin."Sorry kung didikit na ako sayo, ayoko lang makita kang gnyan". At naramdaman ko na lang na inakbayan nya ako.
Hindi ko alam bat parang nakaramdam ako ng kuryente ng dumikit ang balat nya sa akin. At lalong nakaramdam ako ng safe sa pag akbay nya sakin.
Gusto ko syang itulak dahil sobra na ang pagiging feeling close nya sa akin. Pero bakit hindi ko magawa?
"Alam mo bang takot din sa dilim ang ate ko". Tahimik lang ako. "Pag alam kong natatakot sya, niyayakap ko sya. Hindi na sya non matatakot. Gusto sana kitang yakapin, pero baka mapatay mo na talaga ako". Natatawa nyang sabi.
Dahil sa snbi nya, nagising ang diwa ko. Tinulak ko sya at nakita kong nbgla sya sa ginawa ko.
"Masyado kang mabilis unggoy! Dba ang sabi ko sayo wag kang didikit sa akin! Ugh! Lumayo layo ka nga sa akin!". Sigaw ko sknya.
"Oo na. Wag ka ng sumigaw". Lumayo sya ng konti.
Bglang natahimik ang paligid, wala ng nagsasalita sa amin. Nakikita kong nilalaro na lang nya ang shoes nya. Samantalang ako lalo kong niyayakap ang tuhod ko.
"Im sorry". Nbgla ako sa snbi nya. "Maniwala ka man or hindi, hindi ko talagang gustong mapahiya ka sa klase kanina".
Bglang bumalik ang inis ko sa katabi kong unggoy. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"Ang sabi ni mam gusto nya lang malaman ang opinion natin. Kaya sumagot lang ako".
"Pwede ba tigilan mo na yan. Wala ka ng magagawa, napahiya mo na ako!".
"Hindi ko nga ginusto yun. Tsaka hindi ko na din natiis e, sumobra kana sa mga snbi mo".
"And so? Opinion ko yun".
