MICHELLE POV :
Pinagmamasdan namin ngayon ang room na assign sa amin. Matatapos kaya ba namin malinis to ng isang araw?"Ganito ba tayo kamahal ng prof na yun. At gusto nya tayong pahirapan". Sabi ni Jt.
"Mukha nga pare. Damang dama natin ang pagmamahal nya". Dagdag naman ni Rr.
"Isang araw? Matatapos ba natin yan?". Tanong naman ni chelsy.
"Sguro? Nakaexcuse naman tayong lahat sa mga klase natin ngayon. Sguro naman matatapos natin yan". Sabi naman ni lianne.
"Ano ba kayo!". Tumaas naman ang kilay ko ng pumunta sa harapan namin yung taong mansanas. "Tiwala lang! Matatapos natin yan! Magtutulong tulong tayong tapusin yan".
"She's right". Napatingin naman kaming lahat sa likod.
Hindi ko alam parang ayaw matanggal ng tingin ko sknya. God! Nakaramdam na naman ako ng kiliti ng makita ko sya, lalo na suot nya yung binigay kong damit sknya. Parang kinikilig ako. Ugh! Stop michelle!
"What the hell! Dumating kapa kulit!".
"Hm sorry pandy, may dinaanan pa kse ako e". Lumapit sya kay mansanas, nagkasalubong naman ang dalawang kilay ko.
"Ang cute ng shirt mo A". Pagpansin ni lianne sa damit ni anderson. "Pwedeng akin na lang".
"Hmmm. Gusto mo?". Nakangiti nyang tanong.
Subukan mong ibigay yan anderson! Sinasabi ko sayo, magkakaroon na naman war sa ating dalawa! Wag na wag mong ibibigay, please kahit yan lang itago mo.
"Oo ibibigay mo ba?". Bigla naman akong hindi mapakali dahil bigla syang tumingin sa akin.
"Hindi. Hindi ko ibibigay to. Favorite shirt ko to". Habang sinasabi nya yan nakatingin sya sa akin kaya eto ako namumula ang mukha ko.
"Oh mich bakit namumula mukha mo dyan?".
"Aaa eee.. Mainit!". Nagsimula na akong maglakad. "Simulan na natin!".
"Oh right!".
"Lets go!".
"Ready na!".
Sinumulan na namin ang paglilinis, ang dalawang lalaki sila ang maglalabas sa mga upuan na nakatambak dito sa room na to. Samantalang kaming mga babae naman nagsisimula na namin tanggalin ang mga alikabok.
"Cough! Cough! Cough!". Ano ba yan nakakaubo naman tong mga alikabok na to.
"Hoy pandy okay ka lang?". Napatingin naman ako sa side nila anderson.
"Ya im fine. Pumasok yata sa ilong ko yung alikabok".
"Ayan kse". Nilabas ni anderson yung panyo nya. "Para naman hindi ka ubuin dyan". Parang nakaramdam na naman ako ng sakit sa nakikita ko. Nakikita kong tinatakpan ni anderson ang ilong ni mansanas gamit nung panyo nya.
"Hm thanks". Kahit nakatakip yung bibig at ilong nya alam kong nakangiti sya ngayon kay anderson.
"Welcome. Simulan na natin?". Nakangiti sya, nakangiti sya ngayon.
Ang sarap talaga nyang tignan pag nakangiti sya. Yung parang nakakaakit yung ngiti nya, lalo syang gumaganda. Sayang lang, hindi na ako ang nginingitian. Sa iba na sya ngumingiti.
"Uy mich ano ba! Magpunas kana". Nagising naman ako doon dahil sa pagtapik sa akin ni vyc.
"Aa ye. Sisimulan ko na". Nagsimula na akong magpunas ng bintana.
"Okay ka lang ba mich? Lagi ka kseng natutulala pag nakatingin ka kay andy e". Napatigil naman ako sa pagpunas ko dahil sa sinabi nya.
"Ang dami mo talagang napapansin vyc. Magpunas kana lang kaya dyan".
