MICHELLE POV :
hindi ko alam kung tutuloy paba ako sa binabalak ko or kalimutan na lang ang dapat gawin.
Ang sabi nila ang puso mahirap turuan, kung sinong magugustuhan mo or kung sinong mamahalin mo. Hindi mo sya pwedeng turuan na gustuhin ang dapat na nararapat sayo. Hindi mo pwedeng turuan ang puso mo kung sino ang mamahalin mo.
Pero sa sitwasyon ko, kaylangan kong turuan ang puso kong magkagusto sa iba. Kaylangan kong pilitin na turuan, kahit alam ko mahirap. Alam kong mahirap, pero kung eto lang ang solusyon para hindi na ako maguluhan sa nararamdaman ko.
Pagkatapos ng laro, napagdesisyon ko ng kausapin si prince. Alam kong nabigla ang mga katabi ko kanina ng marinig nilang gusto kong makausap si prince, tinanong nila kung bakit. Pero isang ngiti lang ang binigay ko sknila, ngiting pilit.
Nang makita kong tapos na ang laro, niyaya ko na sa labas si prince. Pati din sya nabigla sa seryosong pagkakasabi ko na gusto ko syang makausap. Ngayon ko na lang din sya makakausap ng seryoso.
Pero bago kami lumabas may gusto muna akong makita, hindi naman ako nabigo. Nakita ko sya, nakita ko syang masaya sa pagkapanalo nila. Nagawa nya na naman, nabigyan nya na naman ng championship ang school namin.
Minsan iniisip ko kung hindi kami napunta sa ganitong sitwasyon ni anderson, yung wala akong nararamdamn na galit sa mga katulad nya, yung matatanggap ko sya agad. Ano kaya ang magiging sitwasyon namin non?
Hmmm. Sguro, magiging sitwasyon namin magiging magkaibigan kami, sya sguro ang gusto kong maging bestfriend, dahil sa pagiging masayahin nyang kasama. Yung tipong hindi ka mabobored na kasama sya.
At kung sana naging lalaki sya, baka ako na mismo ang manligaw sa unggoy na yun. Dahil ang katulad nya, hindi mo na dapat pinapakawalan. Sya yung gugustuhin mo makasama hanggang pagtanda.
Pero hindi gnon ang sitwasyon namin ngayon. Kung kaya ko lang mag time travel, babalik ako sa panahon na umiibig si ate sa katulad ni anderson. Dahil doon lahat nagsimula, gusto kong baguhin yun. Baka pag nabago ko yun, mabago din ang pakikitungo ko sa unggoy.
Haaaay! Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko. Kung ano ano na lang naiisip ko, pati kabaliwan naiisip ko na. Sguro nga pag talagang marami ka ng naiisip, may kung ano ano na lang din pumapasok sa mga isipan natin.
"Mich nandito na tayo".
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni prince. Oo nga pala, pag katapos ng paguusap namin kanina. Gusto nyang ihatid ako, dahil nga manliligaw ko na sya. Hinayaan ko na lang sya.
"Mich are you okay?". Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa hita ko.
"Ya im fine". Nginitian ko sya.
"Haaaay! Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang binigyan mo ulit ako chance". Tumingin sya sa akin. "Kung dati hinayaan kitang makawala sa akin, this time. Hinding hindi na mich".
Nakaramdam na naman ako ng guilty, nakalimutan kong ako pala ang nangiwan noon. Tapos ako pang may ganang makipagbalikan sa lalaking to. Ganito na ba talaga ako kadesperada, at nakalimutan ko ang ginawa ko kay prince.
"Prince im sorry". Pinisil ko ang nakahawak nyang kamay sa akin.
"For what?".
"For everything". Napapikit ako sa ginagawa nyang paghaplos.
Bakit gnon? Bakit parang wala akong maramdaman sa mga haplos nya. Bakit parang wala akong maramdaman na kiliti sa mga haplos nya, parang normal lang. Walang bumibilis na puso, napakanormal lang.
Pero kay anderson, pag hinaplos nya ang puso ko. Napapapikit ako sa ginagawa nya, hindi ko alam pero parang bumibilis ang puso ko sa ginagawa nya. Parang feeling ko, inaantok ako doon at matulog na katabi sya. Oo gnon ang nararamdaman ko kay anderson.
