ANDY POV :
haaaaaay! Gusto ko ng umuwe. Gusto kong ipahinga ang katawan ko. Pagod na pagod na ako."Players!". Agad naman kaming naglapitan kay coach. "Ano okay paba kayo?".
"Yes coach!". Sila lang ang sumigaw, samantalang ako nakaupo sa likod nila alyanna and el.
"Good naman. Alam nyo naman kaya mahirap ang practice nyo ay para sayo inyo din yan. At tandaan nyo may dalawang linggo na lang kayo". Nakikinig lang ako sknila. "So konting tiis na lang girls".
"Oo naman coach. Magtitiis talaga kami!".
"Tiis pa more!". Nagtawanan naman sila sa sinabi ng isa kong teammate.
"Yap. Kaylangan nyo talag... Teka nasaan ang captain nyo". Dahil sa narinig ko tumayo ako.
"Im here coach".
"Ano captain kaya pa?". Ngumisi naman ako sa tanong nya.
"Hell yaaa!". Binigyan nya naman ako ng ngiti.
"Yan ang captain namin!". Sigaw ni el.
"Shut up el!". Sigaw sknya ni alyanna.
"Sge na pwede na kayong umuwe". Tumango naman kami.
Inayos ko na ang gamit ko. Sa bahay na lang ako maliligo, hindi naman ako makakaligo ng maayos dito. Lalo na marami kaming gagamit, im sure maguunahan at bibilisan lang nila.
Pagtapos kong ayusin ang gamit ko sabay sabay na kaming tatlo nila alyanna at el na lumabas. Mukhang sa mga bahay na din sila maliligo. Paglabas namin sa pinto napasimangot na lang ako sa nakikita ko.
"Akalain mo nga naman magbabalikan pang dalawang yan". Rinig kong sabi ni alyanna.
"Alam mo kse boss yanna, kaylangan talaga natin ang second chance pagdating sa pagibig". Sabi naman ni el. Nakikinig lang ako sknla.
"Kahit ilang chance pa yan, maghihiwalay din kayo". Napatawa naman ako sa narinig ko. "Oh anong tinatawa tawa mo dyan".
"Nothing. Ang bitter mo".
"Tch. Tigilan mo ako".
"Cap namin kse, alam mo naman broken hearted pa si boss". Pagpaparinig ni el.
Oo nga pala, kagagaling lang sa break up ng isang to. Papano, nahuli nya ba naman ang kanyang girlfriend na may boyfriend pala. Kung kaylan natuto na syang sumeryosa, doon pa sya nasktan. Well, isa lang matatawag doon. Karma!
Papano hindi karma ang itatawag doon. Kse ba naman, naging babaero din ang isang to. Kung gumamit ng babae akala mo naman hindi babae. Kaya ayun! Nung nakahanap, sinaktan naman sya.
"Hindi nga, sinusuyo mo pa rin sya". Bumalik ako sa realidad ng marinig kong naguusap sila.
"Mahal ko e. Tsaka break na din sila nung lalaki. So may chance ako sknya".
"Anong pinaguusapan nyo?". Tanong ko sknila.
"Cap si boss, sinusuyo nya ang babae. Dahil nalaman nyang break na yung ex nya at yung bago".
"Aba! Ang lakas din ng fighting spirit mo". Ngitian nya naman ako.
"Alam mo kse andy, hanggat alam mong may laban kapa. Lumaban ka, para kung sakaling dumating yung point na natalo, atlis nasabi mo sa sarili mo na lumaban ka. Hindi ka nagpatalo".
Dahil sa sinabi nya biglang sumagi sa isipan ko ang babaeng amazona. Hm dapat ko nga bang ipaglaban ang pagmamahal ko sa babaeng yun. Kahit alam ko naman sa huli matatalo din ako.
Pero sabi nga ni alyanne, hanggat may laban ka. Lumaban ka, pero sa sitwasyon ko naman. Papano ako lalaban, e sa una pa lang talaga talo na talaga ako. Haynako naman oh!
